Wattpad Original
There are 6 more free parts

Kabanata 4

40.8K 1.3K 769
                                    

Kabanata 4

Nang nakarating ako sa Cagayan ay halos manginig ako sa kaba. Nanakit ang pwet ko sa bus dahil gano'n pala katagal ang biyahe! Halos sampung oras akong nasa biyahe at kahit may stop over naman ang bus ay parang hindi ako natuwa!

Napakamot ako sa aking ulo habang tinitingnan ang details na pinasa sa akin ni Ross. It's about my mom's rest house and her growing farm. Sino kayang nangangalaga at namamahala sa mga 'yon? Malaki ang lupain dito ng aking ina pero hindi 'yon pinakialamanan ng aking ama. I wondered why? Wala na ba talaga siyang pakialam?

Kaagad kong tinawagan ang numero na binigay sa akin ni Ross. Tawagan ko raw ito sa oras na makarating ako sa Cagayan.

Nang sumagot ang nasa kabilang linya ay tumikhim muna ako bago magsalita.

"H-hello?"

"Hello? Sino ho sila?" magalang na tanong ng isang babaeng tingin ko'y may kaedaran na.

"This is Euphemia. Daughter of Eurena Yva Samaniego Villasenor," pormal kong pagpapakilala. Narinig ko kaagad ang kaniyang impit na sigaw bago ako sinagot muli.

"Naku, Ma'am! Buti napatawag kayo! Nasaan na ho kayo ngayon?" Nahimigan ko ang pagkataranta sa boses niya.

"Nasa terminal po ako ng bus ngayon. Kadarating ko lang din and I honestly don't know where to go."

Luminga pa ako sa paligid para tingnan kung nasaan nga ba talaga ako. The heck, hindi ako nag-research masyado kaya wala tuloy ako gaanong alam kung nasaan ako ngayon. Basta ang alam ko ay nasa Cagayan na ako pero saang parte naman kaya? Was it Tuguegarao?

"Sige, ma'am! Magpapadala po ako kaagad ng driver diyan para sunduin kayo!"

"Take your time. Hindi naman ako nagmamadali."

Naputol na ang linya at ako naman ay nanatili sa kinatatayuan ko. I was only wearing faded maong jeans with a simple white shirt as my top. Malayang nakalugay ang buhok kong hanggang balikat na ang haba at umaalon ang medyo kulot nitong dulo.

I only have my wallet, passport and phone with me. Naghanap ako kaagad kung meron bang ATM dito para makapaglabas ako ng pera. Pero nabigo ako nang wala akong nakita kaya pinagtiyagaan ko na lang ang ten thousand na nasa wallet ko.

Ilang minuto pa ay may tumigil ng sasakyan sa harapan ko. It's just a normal old vehicle na tingin ko'y ginagamit din nila sa ibang transaksyon. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at lumabas ang isang matandang lalaki. Mukhang ito ang ipinadala sa akin para sunduin ako.

"Ikaw ba ang anak ni Ma'am Eurena?" paninigurado niya. Tumango naman ako.

Inalalayan niya akong makasakay sa sasakyan at hindi ko maiwasang maisip ang mga magulang ni mama. Pareho na itong yumao kaya kay mama napunta ang lahat ng kanilang kayamanan dahil wala naman itong ibang naging kapatid o iba pang kamag-anak.

Pareho rin na solong anak ang kaniyang mga magulang kaya hindi ko maiwasan na malungkot. Naging masaya kaya si mama noong dalaga pa siya? Hindi ba't mahirap maging mag-isa?

Habang nasa loob ako ng sasakyan ay tinitingnan ko ang mga lugar na dinaraanan namin. Saan kaya rito ang bahay niya? Paano ko kaya siya makikita?

Madami pa akong tanong pero huminto na kami sa isang lugar na madaming tanim na bulaklak. So my mom decided to have a flower farm? This was so beautiful!

"Ang ganda!" Namamangha ako habang nakatitig sa mga bulaklak.

"Ay Ma'am, madami pa roon sa loob. Mga gulay at prutas naman ang tanim. Pero rice and root crops ang pangunahing tinatanim namin dito," pagbibigay impormasyon niya kaya lalo akong namangha. This was just so amazing. Ayoko na tuloy bumalik pa sa amin.

Finally Home (Ellington Series #1)Where stories live. Discover now