CHAPTER 2

51 5 1
                                    

ZYRON POV:

Nang marating ko ang aming mansion ay kaagad kong ipinarada ang kotse ko at pumasok sa loob. Sinalubong agad ako ng aming tatlong katulong at sabay-sabay na yumuko sa harapan ko bilang paggalang sa akin.

"Kumain na ho kayo sir, Naghanda na po kami ng hapunan ninyo ni Ma'am Zerina"

Sabi ng isa naming katulong at siya ang pinakamatagal na kasambahay rito sa mansion.

"Nilinis ko na po ang inyong kwarto at ang kwarto po ni Ma'am Zerina"

"Lahat ay naiayos na, Malinis na ang buong mansion at ang paligid nito.''

Dagdag pa ng dalawa naming katulong. Tinanguan ko na lng sila bilang pagsagot at saka sumenyas na didiretso muna ako sa aking kwarto.

Nang makarating ako sa aking silid, Kaagad akong nagbihis. Lalabas na sana ako ng mag ring bigla ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Josh.

"Hey!"

"Dre! Pakisabihan mo naman si Zerina na mag kita kami bukas ng 9:00 sa star bucks malapit sa EIU!"

"Teka! Bakit? Ano ba nangyare?"

"Nagkaroon lng kami ng hindi pagkakaunawaan"

"Sige sige! Eh? Bakit hindi mo siya tawagan?"

"Bin-lock niya ata ako sa contact list niya.."

Sobrang lungkot ng boses ni Josh sa kabilang linya at aakalain mo talagang malaki ang problema nito.

"Kanina kasi papunta na ako ng parking lot, Nagulat ako ng biglang yumakap sa braso ko si Karren.. Nakikipagbalikan siya sakin.. Inalis ko agad yung braso niya at nagmadaling pumunta sa parking lot, Pero hinabol parin ako ng babaeng yun at niyakap ako mula sa likuran.. Dre! Pinilit kong alisin yung kamay niya sa akin pero ang higad kung kumapit! Nagulat na lng ako nung pagkalingon ko sa harapan, Nakatayo na si Zerina habang naka cross arm at nakataas ang kanan niyang kilay, Sinugod niya si Karren at sinampal niya. Pagkatapos sinabihan ako ng masasakit na salita sabay takbo palayo papunta ng kotse niya at pinaandar palayo.. Talagang Karren na yun! Hindi niya na ako tinigilan.. Siguradong umiiyak at nagseselos si Zerina ngayon.."

Mahabang pagke-kwento ni Josh.

"Dre? Nariyan ba si Zerina?"

"Hindi ko Alam Josh.. But dont worry, I trust you. Kakausapin ko siya mamaya"

Sagot ko sa Tanong niya.

"Salamat Dre, Hindi talaga ako sanay na ganito kami ng Kapatid mo.."

"Alam ko yun Josh, May tiwala akong hindi mo sasaktan si Zen"

"Salamat.. Anyway, Excited kana bang pumasok bukas?"

Natigilan ako sa tanong ni Josh.

"Excited??..Para San?"

"Hoy! Hindi mo ba alam na nakauwe na si Trisha ngayon? At ang masaya papasok na siya bukas?"

Napangiti ako.

"Talaga? Excited nakong Makita siya ulit"

"Hindi ka ba niya tinawagan or sinabihan na nakauwe na siya ngayon dito sa pinas?"

"Hindi eh"

"Baka gusto ka niyang i-surprise! HAHAHA!"

"Tsk! Manahimik ka nga Josh!"

Sinaway ko si Josh sa pangaasar niya pero napapangiti parin ako ng malaman kong nakauwe na si Trisha.

"HAHAHA! Siguradong Hindi ka na lutang sa klase dahil may inspirasyon kana ulit HAHAHAHA!"

Shy SecretWhere stories live. Discover now