CHAPTER 1

107 7 1
                                    

11:10 AM, Sept 11,2023 - Mon.

ZYRON POV:

Nasa kalagitnaan na ako ng pagmamaneho ng aking kotse ng may tumawag sa mamahalin Kong cellphone. "Hello?"
pagsagot ko rito kahit hindi ko pa nakikita sa screen kung sino yung tumawag.

"Dre!!!"

Sigaw ng nasa kabilang linya na nakilala ko naman kung sino.

"Oh?aga-aga sigaw ng sigaw..bakla kaba ha?!"

Medyo inis na sabi ko.

"Tsk! Hintayin mo ako sa parking lot kapag ikaw ang nauna ha? sabay tayong pumasok ng EIU"

"Hindi kaba makakapasok ng EIU kapag hindi mo ako kasabay?"

Pang-aasar ko kay Josh.

"Hell no! Sige kita na lng tayo!"

At in-end niya na ang call.

Nang marating ko na ang parking lot ng EIU ay kaagad kong ipinarada ang kotse ko at hinintay na dumating ang kotse ni Josh.

Ilang minuto rin ng matanaw ko na ang asul na kotse ni Josh at ipinarada niya ito sa tabi ng kotse ko at saka siya lumabas.

"Kamusta na kayo ng kapatid ko?"

Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng gate ng EIU at didiretso na rin ng room.

"Tss..Yun? Ok lng naman."

Nakasimangot na sagot niya.

"Mukha bang ok Yan?"

Natatawa ako kay Josh dahil makikita mo talaga sa itsura nya na hindi siya ok.

"Paano kasi napakaarte ng kapatid mo!"

"Bakit? Ano bang nangyare?"

"Tulad ng isang araw, Nung nag basketball tayo, Eh napakainit nun kaya naghubad ako ng pang itaas na suot, Yun yung katatapos lng ng laro natin. Magpapapunas sana ako ng pawis sa kanya kaso sabi ba naman..
'Yuck! Iww! Babe!? Yung pawis mo tumutulo duh!'"

Sabi niya habang ginagaya pa ang boses ni Zerina.

"At eto pa ang masama, napadaan lng kami sa isang daan papunta sa pupuntahan namin ni Zen eh may lumapit samin na pulubi na nang lilimos, marungis yung pulubi.. nung lumapit siya una kay Zen grabe ang ugali! sinigawan niya yung pulubi na huwag raw lumapit sa kanya dahil kadiri raw siya. pagkatapos nun binigyan ko na lng ng isang libo yung pulubi.. sa totoo lng marami pa akong kaartihan na naranasan sa kanya..."

Kamot ulong sabi niya na medyo inis ang tono nito.

"Hayaan mo na lng siya Josh, malay mo umulan ng himala at mawala lahat ng kaartihan nun sa katawan.
Habaan mo na lng Yung pasensya mo sa Kapatid ko kung ako nga na kuya niya nagagawa niyang artihan eh ikaw pa kaya?"

Payong kaibigang sabi ko.

"Wow? Kung makapagpayo si Zyron eh natotorpe naman Kay Trish! Haha!! Pero seryoso, kahit ahit ganun siya hindi ko parin siya kayang lokohin"

"Dapat lng pag-ginawa mo lng talaga yan baka hindi kana maabutan ng sinag ng araw!"

Tinapik ko pa ang kaliwang balikat niya at tumingin Siya sakin ng nakangisi.

"Dre, kahit takutin mo ako ng ganyan Hindi Ako matatakot, pero kung si Zen ang usapan hindi ko siya kayang iwan"

Nginisian ko lng siya bilang sagot.

Nag patuloy lng kami sa paglalakad. Bawat taong madadaraanan namin ay sa amin lng ang atensyon lalo na ang mga kapwa estudyante naming mga babae.

Nasanay na kaming tatlong ganito lagi ang nangyayari tuwing pumapasok kami nina Kelvin at Josh.

Shy SecretWhere stories live. Discover now