PROLOUGE

170 9 1
                                    

Pumapasok ka ng normal sa eskwelahan.

Araw-araw...

Paulit-ulit lng ang nangyayare tuwing pumapasok ka.

Dadaan sa malawak na kalsada ng paaralan ng EIU kasabay ng mga tinginan na animoy gusto kang angkinin ng mga kababaihan sa iyong paligid.

Didiretso sa inyong silid aralan, Maghihintay ng gurong papasok para umpisahan ang bagong aralin at ikaw na naka-upo lng sa sariling upuan habang lutang ang isip at kinakabahan na lng kapag tinawag na ng guro ang iyong pangalan na halatang galit pa ang tono ng boses nito.

Bababa kapag break time na at didiretso sa kantina para kumuha ng paboritong pagkain at uupo sa nakasanayang kinauupuan kasama ang dalawa mong kaibigan.

Matapos ang ilang aralin ay kaagad na didiretso sa iyong sasakyan para agad na makauwi.

Araw-araw... Paulit-ulit...

NGUNIT..

Paano kung sa iyong pagpasok na ang normal na araw mo ay mapalitan ng kakaibang pangyayare?

Paano kung makilala mo siya at maging malapit kayo sa isa't-isa?

Paano kung kailan na mahal mo na ang taong ito saka pa siya agad na mawawala?

Mas pipiliin mo paba ang boring ngunit normal mong araw noon?

O...

Ipaglalaban mo ang pag-ibig sa taong minamahal mo ngayon?

"Ayokong mawala ka sa akin, Mahal na Mahal kita.. Fruity.."

Shy SecretWhere stories live. Discover now