CNW 65: The Act of Saving Others

6.2K 347 12
                                    

I made a mistake last chapter. Ano po ba talaga ang level nila Levina at Alpha? Salamat po sa sasagot :<

--

Hindi naman kami nagtagal sa Ygglea tutal tapos na ang misyon namin doon. Ngayo'y papunta na kami sa Griffithstown at tulad ng gusto ni Alpha ay pumayag si Dustine na makipagjoin force sa mga ito. Ngayo'y nakasakay kami sa karwahe habang ang mga lalaki naman ay naglalakad. Actually, pwede naman iyong lakarin dahil halos 10 kilometers lang naman ang layo ng dalawang town.

As what I've learned, Griffithstown is a town with golem monsters. Golems are monsters that are made of rocks. Iyan lamang ang aming alam kaya't bahala na mamaya kapag nakarating kami doon.

Now, we're catching up with each others— I'm talking about me, Yvonne and Archangel dahil ang huli naming pagkikita ay noong party pa yata. Nakatahimik lang kasi si Demon at nakasilip sa bintana habang si Priestess ay nakapikit. Mabagal lang din naman ang pagpapatakbo nitong karwahe kaya't ayos lang kahit naglakad ang mga lalaki. Actually, dapat maglalakad kaming lahat pero dahil pinagpilitan ng mga lalake na sumakay kami dito ay wala na rin kaming nagawa.

Archangel's busy telling us her funny moments when the carriage was forced to stop for sudden reason. Natigilan kami at biglaang naging alerto. Sumilip ako sa kabilang bintana at nakitang nasa kalagitnaan kami ng daan kung saan walang kahit anong bahay na nandito. As in nasa pinakagitna kami at hindi ko alam kung bakit biglang tumigil ang aming sinasakyan.

“What's wrong?” Demon's cold voice echoed in the middle of silence. Nagkatinginan kami nila Archangel. Priestess is now fully awake and like us, also waiting for the reply from the boys at outside.

“Do you hear that?” Archangel whispered to us. Kumunot ang noo ko dahil wala akong… no.

Unti-unti ay naririnig ko ang napakahinang yapak ng mga kabayo palapit sa aming gawi. The sound was from our back. Mabibilis at napakarami. Parang nagkakarerahan? Hindi ko alam.

Inangat ni Priestess ang nakatapal na tela sa bandang likod ng karwahe na dahilan upang makita namin ang papalapit. Mas lumapit ako doon at sumilip. With a normal eyesight, hindi iyon kaagad makikita kaya't nag-equip ako ng dragon skin. My eyes shifted to Wolfy, who's now awake, which jumped at my lap as he also look to where those sounds came from. Bigla itong tumahol at galit na galit na umungol doon. Hinimas ko ang balahibo nito sa kanyang ulo at muling tinignan ang dahilan ng tunog na iyon.

From distance, we saw people— fifteen or more, coming in our way. Hindi ko alam ngunit biglang kumabog ang aking dibdib nang makita ang mga ito. It was like a danger prediction? I don't know.

“Shit. Don't tell me those are guild.” Narinig kong wika mula sa mga lalaki, at kung tama ako ay mula kay Red iyon. Hindi ko sila makita ngunit alam kong pinalilibutan lamang nila ang aming karwahe.

“I don't think so. They're much like racing.” Yes. Come to think of it. May isang nauuna at—

Bigla akong nanlamig nang biglang mas nagzoom ang aking paningin. I whispered a cuss that caused the girls who are beside me look at my side. Napalakas yata ang pagkakasabi ko dahil nakita kong nagsisilipan rin ang mga lalaki mula sa labas upang makita ang aking reaksyon.

“Bakit?” Archangel asked. Sunod-sunod na tumahol si Wolfy at bigla kong narinig ang singhap ni Yvonne na nasa gilid ko, sa kanyang balikat ay nakadapo ang kanyang baby dragon na si Dragneel na kanina pa nagbubuga ng maliit na apoy na sa tingin ko'y galit din.

“T—They're chasing the…” Hindi na natuloy ni Yvonne ang kanyang sinasabi at mabilis na nag equip sa kanyang suot sa pakikipaglaban. “We have to help those two!”

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon