CNW 35: The Alpha

8.8K 608 63
                                    

I really don't know why my movements feels so lighter than before. It was like I was dancing with the winds, and the weight of my armor and weapons seems perfectly made for me.

Hiniwa ko ang hangin sa aking kaliwa— it's not really just a wind because it's a wolf trying to hurt its prey. Too bad, the prey is much powerful than the predator which turned the table upside down.

Hindi ko man sila nakikita ay rinig at ramdam ko ang bawat kilos ng mga ito. Hindi ko rin alam ngunit pakiramdam ko'y sumasabay sa akin ang buwan— dahil mas nagbigay ito ng liwanag sa akin na dahilan upang mas makita ko ang aking pagilid.

I was wrong when I say I can't see the wolves, because the truth is, they're just everywhere. Those black shadows in wolf size are them. Kung kanina ay hindi ko sila makita, ngayo'y nakikita ko na sila at dahil iyon sa buwan na tila nanunuod sa amin.

I jumped to the nearest tree. Isang wagiwas ng espada ay may lumabas na hangin mula doon. I saw those shadows disappeared, leaving a painful growl until they vanish into the air. Hindi ko rin alam ang nangyayari, para bang gumagalaw ang aking katawan na naaayon mismo sa kagustuhan nito. It was like it has its own life, and I'm just its puppet, the one its using to finally move on her own.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nakikipaglaban hanggang sa makarinig kami ng mas malakas na alulong na dahilan upang mag iba ang aking pakiramdam. The shadow wolves around us which were fighting without their will, suddenly wake up from their monstrous lust. Mistulang mga binuhusan ito ng nagyeyelong tubig sa takot dahil para itong mga pusa na biglang ginulat nang marinig ang tunog.

Napahinto na lang kami sa pakikipaglaban nang magsimula itong magtakbuhan palayo na para bang takot sa paparating dito.

No. They are really afraid.

Hindi ko rin alam ngunit may umakyat na takot sa aking dibdib. My heart became beating fast and my knees became weak. Para bang gusto ko na lang tumakbo, magtago, at huwag magpakita dito tulad ng ginawa ng mga lobo kanina.

Naramdaman kong nagsilapitan sila sa aking pwesto. Nakaharap ako sa pinanggagalingan ng malakas na enerhiyanh iyon, at gan'on din sila. Walang nagsasalita— walang may balak magsalita. Lahat ay alertong nakatingin sa aming harapan at naghihintay ng maaaring mangyari.

I gripped my swords. Pakiramdam ko'y unti-unti akong tinatakasan ng lakas dahil sa takot. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking espada upang doon kumuha ng lakas. It was like any minute from now, my knees will give up.

Kasalungat ng malakas na kabog ng aking dibdib, ay ang katahimikang nakapalibot sa amin. I didn't know that silence could be this terrifying.

Sunod-sunod akong napalunok nang unti-unti, ay ramdam ko ang paglapit ng enerhiyang iyon. At alam kong hindi lamang ako ang nakakaramdam noon.

Unti-unti, ay rinig na rinig ang pagkaputol ng mga puno at ang papalakas na lagapak nito sa lupa na nagdudulot ng kaunting lindol sa paligid.

Then I saw it. From darkness, I saw a big paw with golden claws and gold armor. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang kaputian nito nang umapak ito mula sa kadiliman hanggang sa mailawan ito ng araw. Its size is much bigger than trees. Hanggang katawan lang nito ang may pinakamalaking puno dito at kahit may kalayuan pa ito ay kitang-kita ito dahil sa laki nito.

Kulay puti ang kabuuan nito. Kung hindi lang ito naglalabas ng nakakatakot na aura ay masasabi kong napakaganda nito. Ang katawan nito ay may panaka-nakang armor at ang ulo nito ay may nakasabit na ginto sa bandang noo na parang kwintas at may bato iyon na sobrang ganda at gintong ginto.

“God…” I heard Yvonne gasped exhasperatedly. Bakas ang takot sa kanyang boses at sigurado akong gan'on din sa kanyang mukha. I gripped my swords tighter as I saw the name and level of it.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon