CNW 58: Detectives

7.9K 407 82
                                    

You've never lived until you've almost died. It was like you know you were barely living, until you've experienced a terrible and unexpected fear that can change your life.

Which can be applied to my situation right now.

Lutang ako hanggang sa makarating kami sa kung saan napakaraming tao at may pinagkakaguluhan sa harap ng isang magandang gusali— ang tanging gusaling nakitahan ko ng kulay dito. Isa ito sa masasabi kong pinakanagandahan kong lugar dito dahil kitang-kita ang karangyaan ng gusali sa aking harapan kung hindi lamang may nakakatakot na mangyari dito.

Alpha squeezed my hand. Tumingin ako sa kanya at nabakasan ko ang pag aalalang kanina pa nandoon sa kanyang mukha kahit na pilit nya iyong tinatakpan ng kanyang malamig at seryoso na ekspresyon. I gave him a sad and tired smile. Sad because of my stupidity, and tired of being connected with such troubles that could end my life.

Alam kong aksidente lang ang nangyari kanina ngunit hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang aking sarili. Siguro kung mas nag ingat lang ako, kung tumitingin ako sa aking dinaraanan ay hindi iyon mangyayari.

I sighed. I should be moving on, right? Isa pa, wala namang nasaktan. Muntikan lang.

Sunod-sunod ang mga tahulan ng mga aso na malapit sa amin. People whispering things while looking at the front really caught my attention. Kita ko rin ang pagdating ng mga medics na may ambulansya, pulis at mga detectives na ganito sa set up namin ni Alpha. Nagtatanong na humarap ako sa kanya ngunit imbis na sagutin, hinila nya lamang ako palapit sa kaguluhang iyon.

Masasabi kong napakaraming tao ang nandito. We just continued walking in front but I could clearly heard the assumptions of people around me. They're talking about suicide. Naintindihan ko lamang iyon nang makita ko ang nasa harapan na dahilan ng aking pagsinghap.

A dead man is lying at the front of the beautiful apartment.

Lumipat ang tingin ko sa isang pamilyar na hayop na patuloy sa pagtahol sa katawang iyon na pilit pinapalayo ng mga pulis. Tahol lang iyon ng tahol at wala akong nagawa kundi tawagin ito. “Wolfy, come here!” Narinig nito kaagad ang aking tawag. Tumatakbong lumapit ito sa amin. Lumuhod naman ako at binuhat ito. Walang salitang marahan akong hinila palapit ni Alpha sa pangyayaring iyon.

“It's clear that the President's case is suicide.” Said by a detective— another detective who's talking at the police— heas police to be exact.

Palapit na kami doon nang harangin kami ng isang pulis kaya't napahinto kami. “Excuse me, Sir and Ma'am, but you're not—” Hindi nito naituloy ang kanyang sinasabi nang maglabas ng ID si Alpha. Natigilan ang pulis sa nakita nito habang ako nama'y kumunot ang noo ngunit hindi na nagtanong.

Then, the police look at me. “Pasensya na po ngunit hindi po pwede ang hayop sa loob ng crime scene.” Paliwanag nito. It was like Wolfy understood what he meant because my wolf suddenly growled at the police man. Bumakas ang takot noon at nagmamadaling umalis.

“Babe,” Narinig ko ang boses ni Alpha kasabay ng pagpisil nya sa aking kamay. Napaharap tuloy ako sa kanya, at para bang nahihirapan pa ito sa kanyang sasabihin. “I know we're partners. I really want you to be with me—” Pinutol ko na agad sya sa kanyang sinasabi. Shanghaist, dami pa kasing sinasabi.

“Babe, I'm fine.” I smiled at him and brushed his cheek with my free hand. Nang marealize ko ang aking ginawa ay mabilis akong napalayo sa kanya. Oh em gi! First, I called him babe! Second, I touched his cheeks!

He grinned after seeing my expression. Inirapan ko naman sya na ikinatawa nya. He, then, kissed my forehead. Ngunit kahit gayon ay may pabulong pa ito. “Don't do anything, powers are void in this quest. We're like a normal detectives here and learn to read about it, hmm? Just click our on-going couple quest.” Bulong nito sa akin. Bumaling ito sandali kay Wolfy at tsaka ginulo ang balahibo nito bago muling humarap sa akin, ngumisi ng sexy, at tumalikod. Pakiramdam ko tuloy ay nalaglag ang ovaries ko. Kahit ang paglalakad nya'y ang sexy!

Conquerors of the New World ✓Where stories live. Discover now