Crush 11

3.8K 83 0
                                    


"BAKIT BA panay ang tingin mo sa phone mo, doc Jocas? May hinihintay ka bang tawag o text from your special someone?" nakangiting tukso ni Doc Jacobo sa kanya. Nasa isang bar sila kasama ng tatlo pang junior surgeons. Birthday kasi ng isa sa mga kasamahan nila kaya nag-treat ito, dapat ay hindi siya sasama ngunit nahila na siya ng mga ito.

Kagagaling lang n'ya sa tatlong araw na suspension, ibig sabihin ay tatlong araw siyang nabakante bilang si Doc Jocas, at sa loob nang tatlong araw na 'yon ay bumibisita siya sa main branch ng resto ng parents n'ya para tumulong—na ipinagtaka ng mommy at tito niya—na nakababatang kapatid ng mommy niya, na kasama sa pag-aasikaso ng resto—dahil nagawi siya doon since nakatira na siya sa sarili n'yang condo unit, kaya naikuwento n'ya sa mga ito ang tungkol sa naging suspension niya.

Naging abala din siya sa pag-aalaga ng cactus sa mini-garden n'ya, na siguro ay may higit sixty piraso na, nakahiligan lang n'ya ng gano'ng halaman dahil sa impluwensya ng daddy n'ya, at may kahulugan 'yon sa buhay na endurance, protection, warmth and care.

Dumalaw din siya sa puntod ng kanyang ama para bisitahin at kausapin ito, nagkuwento din siya sa pagiging buhay doctor at sa babaeng nakakabihag na sa puso niya.

"W-Wala naman," aniya, hindi n'ya napaghandaan nang bigla na lang inagaw ni Doc Liam ang phone n'ya.

"Birthday ko, kaya bawal ang babae ngayon." saka nito inilagay ang phone n'ya sa empty bucket, tawang-tawang kinolekta din nito ang iba pang mga phones ng mga kasama nila, kasama na ang phone nito. "This night is exclusively just for us!" saka ito nagtaas ng beer, na mabilis din nilang sinabayan.

Lahat ng klase ng drinks at pagkain ay pinapatos n'ya maliban sa mga beer o any hard drinks at sa mga raw foods like Japanese foods, kaya nga ayaw sana n'yang sumama pero huli na.

"Happy birthday, doc Liam!" malakas na bati ng mga kasamahan nila. Nag-order pa ang birthday boy ng maraming drinks at pulutan, napailing-iling na lang siya. Every minute ay napapalingon siya sa phone n'ya, umaasa siya nang tawag mula kay Wynter, dahil umaasa siya sa magiging kasagutan nang huling tanong n'ya bago sila nagkahiwalay last time.

Yes, makalipas ang masinsinang pakikipagtalo sa loob-loob n'ya ay nag-result 'yon na malaki na talaga ang crush n'ya sa doctora saka napag-desisyunan na magtapat—ngunit nang magtapat siya ay hindi naman ito naniwala samantalang napaka-seryoso na n'ya. And honestly, sa tatlong araw na hindi n'ya ito nakita ay sobrang gusto na n'ya itong makita! Ang weird para sa kanya na maka-miss ng taong hindi miyembro ng pamilya nila.

Siguro maaari namang itanong ni Doc Wynter ang number n'ya sa mga nakakakilala sa kanya kaya may posiblidad pa ring makatanggap siya ng tawag o text dito, pero halos maubos na n'ya ang isang bote nang iniinom na beer ay hindi pa rin umiilaw ang phone n'ya, feeling n'ya ay gumaan na ang pakiramdam n'ya—tumatalab na ang tama sa kanya.

Gusto na lang n'yang manlumo, ngunit nabuhayan ang loob n'ya nang biglang may nag-ring sa mga phones na nasa bucket, mabilis siyang tumayo para tingnan 'yon ngunit nadismaya siya nang hindi 'yon sa kanya—nagtawanan ang mga co-doctors n'ya dahil sa ginawa n'ya.

Eh, ano'ng magagawa n'ya? Ito ang unang beses na magkagusto siya sa isang babae, hindi na nga lang yata crush ang nararamdaman n'ya, gusto na nga yata n'ya ito o baka mahal na n'ya? Papaanong nangyari na agad nakuha ni Wynter ang puso n'ya? Kailan nagsimula? Noon kayang nakita n'ya ito after ng toxic duty nito sa ER? 'Yong kinausap siya nito pagkatapos n'yang operahan ang anak ng Presidente? O baka nagsimula ang lahat nang una n'ya itong makilala at pagsungitan siya nito?

"Paano ba kasi manligaw ng babae?" wala sa sarili na nasambit n'ya, kaya napalingon ang mga co-doctors n'ya at muling nagtawanan ang mga ito. Ilan sa mga ito ay may asawa na, at ang iba naman ay may girlfriend, sa madaling salita, siya lang ang single.

My Doctor Crush (COMPLETED)Where stories live. Discover now