Crush 5

4K 92 2
                                    

NAABUTAN ni Jocas si Wynter sa doctor's quarter, bagong ligo at bihis na ito at abala sa maraming pagkain sa mesa. Hindi siya nito kinikibo kaya hindi na rin siya nagsalita. Pauwi na siya no'n at dinaanan lang ang mga gamit n'ya sa quarters.

Hindi n'ya mapigilan ang sarili na lingunin uli ang dalaga, hindi kasi ito katulad ng mga ordinaryong babae na mahinhin kumain kapag may lalaki sa tabi, daig pa ng babaeng ito ang nagta-trabaho sa isang construction site, gusto tuloy n'yang matawa.

Maputi ito at may magandang chinitang mga mata, maiksi ang buhok ngunit bumabagay sa hugis-puso nitong mukha. Natural din na namumula ang mga labi at pisngi nito at maganda ang tangos na ilong, para itong isang teenager kahit sa tantya n'ya ay nasa late twenties na rin ang edad nito. And she looks cute.

"What?" anitong nahuli siyang nakatitig dito.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa babae at hindi ito pinansin. Kinuha na n'ya agad ang mga gamit at akmang lalabas na sa kuwarto nang mabilis na nakatayo at nakaharang ang babae sa kanya. Nagulat siya at muling kumabog ang puso n'ya.

"B-Bakit?" nabubulol na tanong n'ya.

Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Siguro feeling mo ay ang guwapo-guwapo mo kaya napaka-arogante mo, 'no?" Punong-puno pa ng pagkain ang bunganga nito at halos magtalsikan pa 'yon sa kanya.

"Excuse me, dadaan ako." aniya.

"Say please..." may naglalarong ngiti sa mga labi nito. Napatutok ang kanyang mga mata sa mga labi nitong noon ay mamanti-mantika pa dahil sa kinakain nito, nagpigil na naman siyang matawa lalo nang mapansing kalat-kalat ang kanin sa mukha at buhok nito.

Ngunit hindi nil'ya napigilan ang sarili. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang kusang nag-angat ang kanyang kamay para alisin ang mga butil ng kanin sa mukha at buhok nito. Siya man ay hindi mapaniwalaan ang kanyang ginawa at nang magtama ang kanilang mga mata ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at agad na hinawi ang babae para tuluyan nang makalabas sa pintuan.

Pagkasara n'ya ng pintuan ay mabilis siyang napasandal doon saka dinama ang tapat ng puso n'yang ang bilis nang palpitation. Ano ang kakaibang inire-react ng puso n'ya? Did he already develop a heart illness due to over fatigue and stress lately? Kailangan na ba n'yang magpa-2D echo?

"Hello, doc Jocas!" nakangiting bati ng mga babaeng Nurses na dumaan sa harapan n'ya, na tinanguan n'ya. Nagsimula na siyang maglakad para sumakay sa elevator at hanggang sa makarating siya sa kanyang sasakyan ay hindi pa rin nawawala ang kakaibang nararamdaman ng puso n'ya. What is going on?

Baka naman nagkaka-crush ka na sa kanya! Out of nowhere ay biglang nai-suggest ng isipan n'ya. Na mabilis n'yang ikinailing. That's impossible! Nasa pinakahuli sa priority n'ya ang crush o love dahil sa pangarap n'yang maging isang dalubhasang doctor at manguna bilang isang neuro-surgeon sa bansa. He always wanted to be on top.

Namatay ang daddy n'ya, ten years ago, mula sa brain damage na nag-lead ng kumplikasyon sa utak. Mataas ang blood pressure ng daddy n'ya, since hypertensive ito noon pa man. May maintenance itong gamot at regular din ang check up, ngunit isang hapon ay inatake ito ng high blood at nawalan ng malay.

Mabilis nila itong dinala sa SHH at agad na sumailalim sa CT scan, hindi naman malala ang kalagayan nito kaya dinala ito sa isang regular room pero sa isang kisap-mata ay nag-aagaw buhay na ito at kinailangan itong ma-intubate saka dinala sa ICU para operahan dahil sa bumarang dugo sa utak nito at baka manganib ang buhay nito.

Hanggang sa ibalita na lang sa kanilang mag-ina na hindi na daw nakayanan ng daddy n'ya ang operasyon at tuluyanng bumigay ang katawan nito. Hindi siya makapaniwala sa naganap sa kanyang daddy, hindi naman ito gano'n kalala para mabawian ito agad nang buhay.

He wanted to know everything about the surgery at kung bakit naging gano'n ang kinalabasan nang pagkaka-hospital ng daddy n'ya. Kahit ang mommy n'ya ay tahimik lang sa biglaang pagkamatay ng daddy n'ya.

Ginawa n'ya ang lahat para matupad ang pangarap n'yang maging neuro-surgeon at magligtas ng buhay—gagawin n'ya ang lahat-lahat nang makakaya n'ya para mabuhay ang mga pasyente n'ya. Ayaw n'yang maramdaman ng iba ang naramdaman n'ya.

Sa pag-aaral at pagtupad ng kanyang mga pangarap siya nag-focus, at i-s-in-et aside ang ibang mga bagay para maging top sa lahat. He graduated as Summa Cum Laude both in his premed and med course at nag-top one siya sa naganap na Physician Licensure Examination, alam n'ya sa puso n'ya na masaya ang daddy n'ya kung nasaan man siya ngayon kahit ang mama n'ya, na siyang mag-isang nagtaguyod sa kanya at sa naiwan ng daddy n'yang negosyo.

At ginawa n'ya ang lahat para makapasok sa pribadong hospital kung nasaan siya ngayon, at salamat sa naging recommendation ni Dr. Adigue, na naging professor rin  sa med school dahil natanggap siya sa hospital na 'yon, bukod din sa maganda ang mga credentials n'ya at siya ang nag-top sa evaluations.

At higit sa lahat, gusto n'yang muling makaharap ang taong dahilan kung bakit siya nasa SHH, his dad's neuro-surgeon and now SHH's CEO, Mr. Claudio Lim.

So, he promised to himself that he would save lives and be the top doctor in the Philippines. Wala sa isip at puso niya ang crush-love na 'yan, he is a 'no girlfriend since birth', but who cares? He just wanted to be successful and a great life saver.

Nang makarating siya sa lobby ng hospital ay nabungaran n'ya ang mga news reporters and mediamen na naroon at ini-interview ang ilang mga police officers at mga ER Nurses.

"Anak yata ng Presidente ng bansa 'yong driver ng sasakyan na naaksidente," narinig n'yang sabi ng mga taong dumaan sa kanyang tabi.

"Oh, so, 'yong iniligtas ni Doctora Wynter sa ER na halos mamatay na ay 'yong unico hijo ni President Romualdez?"

"Oo, siya nga!" usapan ng dalawang empleyadong dumaan sa tabi n'ya, pagkatapos siyang batiin ng mga ito.

Naputol ang tuluyang paglabas n'ya ng hospital nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanilang head surgeon, gusto daw siyang makita at makausap nito para sa magaganap at mahalagang operasyon. Bigla siyang nabuhayan ng dugo dahil if ever ay ito ang unang pag-assist n'ya sa isang totoong operasyon.

My Doctor Crush (COMPLETED)Where stories live. Discover now