Crush 8

3.4K 80 0
                                    

"God!" napapikit siya at mabilis na umusal nang panalangin bago mabilis na dinala ang binata sa operating room para masimulan na ang operasyon nito. Humingi siya ng tulong kay Doc Jacobo para maging first assistant n'ya, at nangako siya ditong siya ang malalagot sakaling may mangyaring hindi maganda sa pasyente. Kinalma n'ya ang sarili at nanalangin na sana ay maging successful ang kanilang gagawing operasyon.

IT WAS a very long, tiring and crucial surgery for a first timer neuro-surgeon like Doc Jocas, but thank God, it was successful. Halos mahigit anim na oras din ang itinagal ng operasyon.

Halos mabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib at ngayon ay maaari na siyang huminga nang maluwag. Naging maayos na ang lagay ng bata at nasiguro na nilang wala nang ibang kumplikasyon sa naging operasyon nito. Halos maiyak siya dahil sa labis na kaba at pressure.

"Good job, team!" nag-thumbs up siya sa mga kasama n'ya, na nakahinga din nang maluwag at napangiti sa kanya.

"That was tough!" ani Doc Jacobo sa kanya na tinanguan n'ya.

Ilang saglit pa ay dinala na rin ang pasyente sa special room nito, labis ang pasasalamat ng ina nito sa kanilang lahat lalo na sa kanya, ngunit alam n'yang may consequence siyang kahaharapin dahil sa pagpupumilit n'yang operahan ang bata nang walang paalam sa head surgeon.

Mabilis ipinasa ng isang Nurse ang cell phone na hawak nito sa kanya, nasa kabilang linya si Doc Adigue, at kahit naibalita n'yang successful ang operasyon ay kagimbal-gimbal na sermon ang inabot n'ya dito at iba pa ang sermon nito pagdating nito kinabukasan. Napailing at napabuga siya nang hangin nang matapos ang tawag.

Siya na nga ang nagligtas ng buhay, siya pa ngayon ang nagmumukhang masama. Muli siyang napabuga ng hangin at naglakad palabas ng operating room. Naglinis muna siya ng kanyang sarili bago siya naglakad at naupo sa isang isolated bench.

Muntik na siyang mapamura nang may malamig na bagay na dumantay sa kanyang pisngi, it was an ice cold coffee at kumabog ang puso n'ya nang makita niya si Wynter, mabilis itong naupo sa tabi n'ya at kinuha naman agad n'ya ang ibinibigay nitong kape sa kanya.

"Nasa vending machine ako nang makita kitang naupo dito," pauna nito sa kanya, hindi siya sumagot. "Nabalitaan ko 'yong tungkol sa ginawa mong risky operation mula sa mga co-doctors, somehow, medyo naka-relate ako sa 'yo kaya ako nandito." Hindi siya uli sumagot. "Ang risky nang ginawa mo at tiyak may kaukulang parusa dahil d'yan, pero kung ako ang nasa kalagayan mo, gagawin ko din kung ano 'yong ginawa mo." Nang lingunin n'ya ito ay tipid itong nakangiti. "Three years ago, may nagawa din akong hindi dapat gawin ng isang general physician na tulad ko na kamuntikan nang ikawala ko sa serbisyo at nang lisensya ko, pero hinding-hindi ko 'yon pinagsisihan dahil nakasalba ako ng isang buhay." Kuwento nito.

Nanatili lamang siyang nakatitig sa magandang mukha nito. At nakatulong ang presensya nito para kalmahin ang kung anumang halo-halong emosyon nararamdaman n'ya dahil sa naganap na surgery kanina. Para itong muscle relaxant—ngunit puso lang n'ya ang hindi ma-relax nito.

"Nagalit nang husto ang CEO dahil sa pagiging impulsive ko that time, pero wala na akong naisip na iba kundi isalba ang buhay ng batang 'yon—na dapat isang surgeon ang gumawa pero dahil kailangan nang iligtas ang bata ay ako na ang gumawa. Isang hit and run ang case, ngunit sa lakas ng impact nang pagkaka-bunggo sa bata at tumalsik ito sa malayo at may bakal na bumaon sa katawan n'ya, mula sa lugar na nagtalsikan n'ya. At dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari noon sa ER ay mas lalong bumaon ang bakal sa katawan ng bata kaya ang nasa isip ko na lang no'n ay iligtas ang buhay ng bata."

Naalala tuloy n'ya ang nakita n'yang bata na kasama nito at ng isang matanda last time, hindi kaya ito rin ang batang tinutukoy nito?

"H-How's he?" naitanong n'ya.

"He is now very healthy, and we're friends." Nakangiting sabi nito, kaya tipid din siyang napangiti. "Hindi ko sinasabing tama ang ginawa natin dahil nilabag natin ang alituntunin ng institusyong ito at ng isang doctor, ngunit gusto kitang i-congratulate dahil nakapagligtas ka ng isang buhay—at hindi lang basta isang buhay, dahil siya rin 'yong taong hindi ko sinukuang iligtas no'ng unang araw niya dito." anito.

Tumango siya dito. Habang nagkukuwento ito sa kanya, pakiramdam n'ya napakalapit na nila sa isa't isa samantalang hindi pa nga sila friends nito, ni hindi nga sila magkasundo, e.

"Cheer up! Kung anuman ang ibigay nilang consequences sa 'yo, tanggapin mo lang. Life must go on!" Nakangiting sabi nito. Tuluyan na itong tumayo sa kinauupuan at nagpaalam sa kanya. Sinundan n'ya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.

Malaki ang naibawas ng mga sinabi nito sa mga alalahanin n'ya, anupaman ang kaparusahan ipatong sa kanya ay handa na siyang harapin dahil alam n'yang nasa side ni)'ya si Wynter.

Kinabukasan ay pinaglilingunan siya lahat ng mga empleyado sa hospital, binabati at kino-congratulate siya, lalo na ng mga female employees na kinikilig-kilig pa. Napapakunot-noo na lang siya sa pagtataka.

Nang magtagpo ang mga mata nila ni Doc Wynter, na noon ay naglalakad din papunta sa ER ay mabilis n'ya itong nginitian, malaki ang naitulong nito sa kanya para makatulog siya nang matiwasay kagabi despite sa mga problemang kahaharapin n'ya kinabukasan, ngunit hindi siya pinansin nito na ipinagtaka n'ya.

Akala ba n'ya dahil sa naging pusuang pag-uusap nila kagabi ay friends na sila? Bumalik na ba uli sila sa dati? Ni hindi nga n'ya ininom ang kapeng ibinigay nito sa kanya bilang simbolo nang panimulang pagkakaibigan nila, naka-display lang 'yon sa table n'ya.

"Ang hirap talagang ispelingin ang mga babae," naiiling na sabi n'ya bago siya tuluyang sumakay ng elevator papunta sa doctor's quarter, ngunit bago pa siya nakapasok sa loob ng quarters ay sinalubong na siya ni Doc Adigue, kailangan daw siyang makausap—hindi lang nito kundi lahat ng hospital boards.

This will gonna be a tough journey! Naiiling na sabi n'ya sa sarili.

My Doctor Crush (COMPLETED)Where stories live. Discover now