Crush 9

3.8K 83 0
                                    

"NARINIG n'yo na ba ang balita sa radyo at TV?" natatawang pakanta na sabi ni Chester Marie. Nasa Wooden plate silang apat na magkakaibigan—isang all Filipino resto—para mag-dinner, ngayon lang kasi sila nagkaroon ng time uli para makapag-dinner sa labas. Off ni Ray at Marcus, sina Wynter at Chester Marie naman ay mula sa morning shift.

"Ano'ng balita 'yan?" tanong ni Ray, bago ito sumubo sa pagkain nito.

Infairness, masasarap ang mga pagkain sa resto na 'yon plus ang cute ng mga pinggan at kutsarang gamit doon dahil wood talaga, naiiwan at nanunoot ang sarap ng mga pagkain, ikadalawang-beses pa lang n'yang nakakakain doon, si Chester Marie kasi ang naunang nakakain doon tapos in-inform lang silang tatlo.

"Eh, itong si Wynter e, 'di ko makuha ang attention dahil masyadong focused sa paborito n'yang sweet and sour fish fillet at sa sinampalukang manok." Natatawang sabi ni Chester Marie, kaya nang pag-angat n'ya ng tingin ay nakatitig na pala ang mga ito sa kanya.

Mabilis siyang nagpunas ng bibig. "Oh, nakikinig na!" aniya, na halos tumilamsik ang laman ng punong-puno ng pagkain n'yang bibig.

"Ew!" magkasabay na sabi nina Chester Marie at Ray, natawa na lang din si Marcus.

"Eh, kasi nga nahatulan na si Mr. Perfect!" ani Chester Marie, buong tainga naman silang nakinig sa susunod na sasabihin ng kaibigan, na ang tinutukoy ay si Doc Jocas Piero Servallos! "Ayon sa inampalan at sa nasagap kong balita ay nagalit daw ang mga miyembro ng hospital boards dahil sa ginawa n'ya lalo na ang head surgeon at CEO ng hospital este 'yong daddy mo," baling nito sa kanya, 'di naman siya nag-react. "At lahat din ng members ng hospital boards ay dumalaw sa very important patient natin kahapon, alam n'yo na, anak ng Philippine President e, at kaninang madaling araw yata ay bumisita din ang Presindente sa anak n'ya, mas hassle free daw kasi kapag madaling araw dahil walang masyadong mga tao at media reporters na makiki-usyoso. So ayon na nga, dapat ay one week ang suspension ni Mr. Perfect dahil sa nangyari pero dahil nailigtas naman n'ya ang buhay ng bata, kaya binawasan at naging tatlong araw na lang. Pero ang unfair lang din kasi no'ng ikaw 'yong na-suspende, limang araw 'yong sa 'yo." Anito.

Muli na n'yang ipinagpatuloy ang pagkain. Relate na relate siya sa sitwasyon ni Jocas, kaya nga naman hindi n'ya napigilan ang sariling lapitan ito last time, nakikita kasi n'ya ang dating siya. Pero kahit ulitin man ang insidenteng 'yon ay gagawin at gagawin pa rin n'ya ang dati n'yang ginawa, kaya hindi siya against sa ginawa ni Jocas.

"Syempre three years ago pa naman 'yon, saka kailangan ngayon nang magagaling na doctor sa hospital at isang kawalan si Doc Jocas kung matatagalan ang suspension n'ya." Aniya.

Walang nag-react na sinuman sa mga kaibigan n'ya, kaya nang tignan n'ya ang mga ito ay all eyes ang mga ito sa kanya, na animo'y nagtataka sa pagpuri n'ya sa baguhang doctor.

"A-Ano?" natatawang tanong n'ya sa tatlo.

"Hmm... akala ko ba naiirita ka kay Mr. Perfect dahil bukod sa arogante at mayabang ay lagi ka pang iniinis? Bakit yata may nangyayaring changes? May hindi ba kami alam sa inyong dalawa? Alam mo na, like the famous saying 'the more you hate, the more you love' thingy." Natatawang sabi ni Chester Marie.

"Bakit bagay naman sila, ah? Matagal na ring walang love life itong si Wynter at balita ko walang girlfriend si Jocas, so, why not? Bagay sila dahil pareho silang pasaway." Natatawang sabi ni Marcus.

"Hey! Huwag n'yo nga akong itukso do'n, bata pa 'yon, saka inalis ko na ang romance genre sa buhay ko, saka malaking sagabal 'yon sa pagtatrabaho, hindi 'yon healthy! Magpayaman na lang tayo kaysa pumag-ibig!" aniya.

"Disagree! May love life ako, kaya 'di ko susundin ang sinabi mo!" salungat ni Ray sa sinabi n'ya.

"Likewise!" segunda din ni Marcus.

My Doctor Crush (COMPLETED)Where stories live. Discover now