|| Chapter Seventeen - Memories ||

132 7 0
                                    


(Same date sa ending ng last chapter)

Crystal's POV

Sa bawat ihip ng hangin na nararamdaman ko ngayon... Iniisip ko na mga yakap ni Leonardo ang nararamdaman ko...

Kahit medyo malayo na ako sa kinatatayuan ko kanina, patuloy parin ang pagbuhos ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon...

"Kristal..." meron akong narinig na pamilyar na boses na bumulong sa aking tenga.

Nagulat ako dahil noong lumingon ako... Nakita ko si Leonardo... Nakangiti sa akin...

"Leonardo!" Sabi ko at niyakap siya habang tuloy tuloy parin ang agos ng akong luha mula sa aking mga mata.

"Shh... Wag kang magalala... Nandito lang ako... Naalala kita... Hinding hindi ka nakalimutan ng puso ko..." sabi niya habang nakayakap din pabalik sa akin...

"Leonardo... Mahal na mahal kita... Pasensya na kung hindi kita pwedeng iligtas..." sabi ko kahit na hindi ko parin mapigilan ang pagiyak ko.

"Mahal na mahal din kita Kristal... At hindi mo naman kinakailangan pa na iligtas pa ako dahil sapat na itong oras na ibinigay sa akin para masabi ko sa iyo ang aking nararamdaman..." sabi niya.

"Ngunit sino ang nagbigay sa iyo ng pagkakataong ito?"

"Ang reyna ng mga diwata... Nakiusap ako sa kanya na bigyan tayo ng huling pagkakataon para magsama, at nakiusap din ako na huwag kang parusahan dahil dito... Nagpapasalamat ako dahil siya naman ay pumayag..." sabi niya at napangiti nalang ako sa sobrang saya.

"Te Amo Leonardo... Mahal na mahal kita... At habangbuhay kang nandito sa puso ko..." sabi ko habang muling may tumulong luha mula sa aking mata.

"Mahal na mahal din kita... Hinding hindi kita makakalimutan... Kahit sa aking susunod na buhay... Ikaw parin ang mamahalin ko... Ngunit ngayon... Hanggang dito na lamang muna tayo... Hanggang sa muli Binibini... Adios..." sabi niya habang pareho kaming umiiyak at nasasaktan.

"Paalam... Leonardo... Adios..." sabi ko bago niya inilapat ang kanyang labi sa aking labi... Saglit lamang iyon ngunit punong puno ng pagmamahal.... Pagmamahal na wagas... At pagibig na mananatili sa aming mga puso ano man ang mangyari...

Ngumiti siya bago siya unti unting naglaho sa aking paningin... Ngunit ngayon hindi na pumatak ang aking mga luha, dahil alam kong hindi niya ako iniwan... Nandito lang siya... Sa puso ko... Hanggang sa wakas...

Hanggang dito nalang muna ngayon... Paalam... Mahal ko...

Ang iyong mga alaala ay palaging mananatili sa puso ko...

January 31 2021

Macilyn's POV

Nandito ako kami ni Lexter sa isang tagong lugar sa Ilocos, dito ako dinala ni Lexter pagkatapos nung nangyari last week. Sabi niya kasi meron siyang bahay dito na walang masyadong nakakaalam, kahit na medyo naiilang ako... This is the only way para makalayo ako kina mama at papa na parehong mga sinungaling.

Right now, kumakain kami ng lunch ni Lexter.

"Are you alright now Macy?" Sabi ni Lexter bago niya isubo yung kinakain niya.

"Better than I was before... And umm... Thank you nga pala..."

"For what?" Sabi niya na parang nalilito pa.

"For letting me stay here, sabihin mo lang... Baka pabigat pala ako sayo dito, tsaka yung mga damit na binili mo pa sakin... Andami ko nang utang na loob sayo... Thank you talaga"

"No problem... I wanted to do that... Plus... I'm your boyfriend anyway" sabi niya at kumindat, tumawa nalang ako.

Magsasalita na sana ako pero nakita ko sa cellphone ko na tumatawag si Alexia. Sinagot ko naman, kahit nasa tagong lugar kami, may signal parin naman.

"Hello bes?" Sabi ni Alexia.

"Alexia! Miss na kita Bes!"

"Kamusta ka diyan?" Tanong niya.

"Ok naman... At safe parin..."

"Alam mo, gustong gusto kitang puntahan diyan! Kaso nga lang baka sundan ako ng mga magulang mo na susuyurin ang buong universe para lang makita ka at ipilit sa Peter na yun." Sabi ni Alexia na gigil na na gigil ang boses ngayon. Eto talaga, mas galit pa yata kaysa sakin!

"No need to come here Bes! I'm safe... Don't worry, everything will be fine one day..."

"I know! Pero may ibibilin lang ako sayo ngayon" sabi niya.

"Ano naman yun?"

"Kayo ng boyfriend mo, gumamit kayo ng protection ah!" Sabi niya habang tawa ng tawa.

"HOY BALIW KA TALAGA!" sabi ko at tumawa lang kami dalawa. Tinignan ko naman si Lexter, nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya.

Baliw talaga tong babaeng to! Kung ano ano iniisip! Tingin niya na papayag ako na may kababalaghang mangyayari! Eh hindi ko naman totoong boyfriend si Lexter!

"Sige na bye! Ingat!" Sabi ko habang siya, tumatawa parin.

"Bye! Stay Safe! Use---" alam ko nanaman yung sasabihin niya kaya pinutol ko siya.

"Bye na!" Sabi ko at pinatay ko na yung call. Ang baliw talaga nitong babaeng to!

"What did Alexia say?" Tanong ni Lexter. Inisip ko tuloy kung sasabihin ko ba yung sinabi ni Alexia kay Lexter. Nailing ako ako sa isip ko dahil dun.

"Wala tinanong niya lang kung kamusta ako at sinabi niya lang na magingat tayo sa mga kilos natin"

"Okay sure... Don't worry I will not do anything that will put you in harm" sabi niya then he smiled. I smiled back.

"Umm Lexter..."

"Yes?"

"Since one week na akong nandito lang sa loob... Pwede ba bukas magtour tayo? Please?"

"Sure, no problem"

"Thank You"

He smiled then he entered his room and all I did was walk towards the garden while staring at a rose, a very beautiful one... but as I go near it, I can see its thorns... I know if I touch it, I will get hurt... Just like love, it is very beautiful but once you're already touched by it, there is always a possibility that you might get hurt.

Should I believe you, now that I think I'm falling for you?

Should I trust my memories or should I trust the memories you're telling me so that I can remember you?

February 14 1882

Lyn's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko... Nakita ko ang liwanag ng araw na pinipigilang makita ko ng malinaw ang aking paligid. Pagtingin ko sa aking kanan ay mayroon akong nakitang mga taong lumuha at natutuwa sa kanilang nakita. Ngunit ni isa sa kanila ay hindi ko nakilala...

"Gising na siya!" Sabi nung isang babae.

Ngunit noong sinusubukan kong maliwanagan sa mga pangyayari, parang walang memorya na pumapasok sa aking isip... at higit sa lahat... hindi ko na rin maalala k-kung sino ako?!

Mayroong isang babae at isang lalake na pumasok sa silid ko na nakangiti at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa nila kaya natulal ko sila. Sila naman ang nagulat sa aking ginawa.

"S-sino kayo?! N-nasaan ako?! S-sino... S-sino ako?" Nakita ko ang sakit sa kanilang mga mukha habang may tumulong luha sa mata ng babae. Hindi ko naman alam kung bakit bigla nalang akong nahilo at unti unti na nagdilim ang aking paningin.

Nawala ka na nga ba sa aking mga alaala? Ngayong nakalimutan ko na ang lahat... Maalala pa kaya kita?

Reincarnated to LOVE YOU (AILYFTP book 2) - DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now