|| Chapter Twelve - Pagalis at Pagbalik||

191 6 0
                                    


* Chapter Thirteen - Pagalis at Pagbalik *

Nobyembre 13 1878

Lyn's POV

Naglakad kami ni Lukas sa isang hardin na napakaganda... Marami ditong mga magagandang rosas... Nakapakaganda...

"Nasaan tayo Lukas?"

"Maligayang pagdating sa Hardin ng Rosas, batang binibini" Sabi ng isang ginoong hindi ko kilala na nakatayo sa harapan ng pasukan.

"Manong, siya ang batang binibini na sinabi kong dadalhin ko po dito." Sabi ni lukas sa kaibigan niyang matandang lalaki.

"Ganoon ba? Oh siya, kayo'y pumasok na. Magingat kayo, kayo'y mga bata pa, baka madisgrasya kayo." Sabi nung lalaki.

"Opo Manong" Sabi ni Lukas sa lalaki.

Pumasok na kaming dalawa. Hawak parin ni Lukas ang aking kamay, habang ako ay namamangha parin sa mga rosas na aking nakikita.

"Ikaw ay mahilig sa rosas, hindi ba binibini?" Sabi ni Lukas.

"Oo! Dahil sila ay napakaganda..."

"At kung ikaw ay isang rosas, ikaw ang pinakamaganda sa lahat" sabi ni lukas.

"Napakapilyo mong bata Lukas."

"Tatanggapin ko yan bilang papuri binibini" sabi niya. At kami ay napatawa nalang.

Napakasaya talaga kapag ikaw ang aking kasama Lukas.

"Mukhang masaya ka binibini" sabi niya.

"Siyempre dahil napakaganda ng lugar na ito! Maraming Salamat Lukas!"

"Walang anuman! Huwag kang magalala... lagi akong nandito para pasayahin ka... " Sabi niya.

Namalagi kami dito sa hardin mg rosas ng mga isang oras, at kami ay umuwi na.

"Lyn! Anak! Dios ko salamat at nakauwi ka na!" Sabi ni ina.

"Ano pong nangyari ina?"

"Sabi ko diba huwag kang lalayo sa bahay! Anak nagalala ako para sayo.... Teka sino yang batang kasama mo?" Nagagalit na sabi ni ina.

"Siya po si Lukas, dinala niya po ako sa hardin ng rosas. Huwag po kayong magalala, mabait po siya--"

"AT BAKIT KAYO MAGKAHAWAK NG KAMAY NG ANAK KO!" Sabi ni Ama bago niya itinulak si Lukas.

"Ama!"

"Lyn anak... Huwag ka nang lalapit sa batang yan... Naiintindihan mo ba?" Sabi ni Ama.

"Ngunit Ama, kaibigan ko po siya..."

"Anak, sundin mo na lamang ang iyong ama. Ito ang mas nakabubuti sayo..." sabi ni Ina.

Hindi ko alam kung bakit ayaw nila na makipaglaro ako kay Lukas. Ngunit ang sinabi nilang iyon ay hindi naging hadlang sa amin ni Lukas, para magkita, maglaro, at maging masaya.
Sa loob ng tatlong taon ay lagi kaming nagkikita sa Hardin ng Rosas. Tinutulungan ako ni Lisa, na aking nakakatandang kapatid para makapunta doon.
Ngayon ay Sampung taong gulang na ako. At papunta na ako sa Hardin ng Rosas para puntahan si Lukas. At sasabihin ko na din sa kanya ang aming pagalis patungong Espanya.

"Lukas!"

"Lyn! Como Èsta? (Kamusta)" Sabi niya.

"Lo estoy haciendo bien (I'm doing well). "

Reincarnated to LOVE YOU (AILYFTP book 2) - DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now