|| Chapter Sixteen - The Right Decision ||

209 8 28
                                    


January 31 2021

Alexandria's POV

One week na ang lumipas after nung nangyari sa airport. Hindi ako makapaniwala na ganoon pala kasama ang ugali ng mga magulang ni Macy! They are liars! Buti nalang talaga at hindi ganoon si mama at papa.

Nakatingin lang ako sa kawalan ng mapansin kong pumasok si mama at papa sa kwarto ko, nga pala kakagaling lang nila sa probinsya kaya wala sila this past few weeks.

"Alexia, paulit-ulit tinatanong ng mga magulang ni Macy kung alam mo daw ba kung nasaan siya..." sabi ni mama, sabay upo sila ni papa sa tabi ko.

"Hindi ko nga po talaga alam Ma... Hay nako ma! Pa! Kung nakita niyo lang kung ano ginawa at pinagsasabi nung mama at papa ni Macy at Liza sa kanila! Nangigigil ako!"

"Anak hayaan mo nalang na sila ang magayos ng problema nilang magkakapamilya..." sabi ni papa.

"May point ka pa... Pero... Kawawa naman ang bestfriend ko..."

"Magiging okay din ang lahat Alexia..." Sabi ni mama at nagyakapan kami lahat.

Pagkatapos nun ay nginitian ako ni mama at papa, nginitian ko din sila.

"Yung ate mo pala, nasa date, kung sakaling hanapin mo" sabi ni mama at tumawa kami lahat. Lumabas naman na sila ng kwarto ko pagkatapos nun.

Pagkalabas nila, hindi ko alam kung bakit pero bigla kong binuksan yung drawer ko at laking gulat ko nung nakita ko yung notebook na sinulatan ko noon ng kabaliwan ko! Hala! Paano to napunta dito?

Pagkakuha ko nung notebook, merong letter na nahulog. Nagulat ako nung tinignan ko yung nakasulat,

Alexia, nakita ko to sa kwarto mo... (huwag mo na tanungin kung paano)

Dinala ko diyan sa panahon mo pagkatapos nung isa ko pang misyon, buti nga wala pang nakakakita.

~Crystal~

Hahahahaah! Tong diwatang baliw na to talaga!

Hmmm ano kayang gagawin ko sa notebook na yan? Hayyy wala akong maisip! Hahaha

Habang wala pa akong naisip na gawin sa notebook na yan, binalik ko na muna iyon sa drawer ko...

Dahil sa ngayon, ang dapat kong isipin ay kung paano ko ilalayo si Macy sa demonyo niyang mga magulang. It is the right decision to not tell them where my bestfriend is, because it is the only way for Macy to be happy and safe from all the people who wants to hurt her heart.

Dinial ko sa phone ko ang number ng bestfriend ko.

"Hello bes?"

Reliza's POV

Help me guys!!! Ahhh!!! I'm suffering!! 1 week na akong bahay-school life lang!!! I hate papa! I hate mama! They are demons! Monsters! Masyadong obsessed sa money!!!

Hindi ako makalabas ng bahay para hanapin si Ate! Kasi naman, trumiple ang mga guards dito sa bahay, hindi ako pinapayagang lumabas ng magisa, kailangang may body guard!!!! At ang malala, hindi ako pwedeng gumala, hanggang school lang ang pwede! Ilang beses ko ng sinubukang tumakas, pero I failed badly!!

Guys! I need to tell Ate everything! I have to make a way!

As of this moment, mama, papa, and that stupid peter are looking for ate! And I won't let them find her!! Kung sana pwede kong tawagan si ate, kaso lang kinuha ni papa lahat ng possible ways para macontact ko si ate! Pati yung telephone namin, may guard!! ARGHH! I hate my parents! Why are they doing this to Ate? Why??

Reincarnated to LOVE YOU (AILYFTP book 2) - DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now