||Chapter Eleven - My heart is beating for you||

237 14 2
                                    


SA WAKAS MAY UPDATE!!!! 🎉🎉🎉 Tapos na ang paghihintay! Or kung may naghihintay man 😢💔

Hahaha! Enjoyy!!! 😊✌🏻

***

* Chapter Twelve - My Heart is Beating for You *

Nobyembre 13 1878

Lyn's POV

Mga ilang buwan na din kaming naging magkaibigan ni Lukas. Araw araw kaming naglalaro at naguusap tungkol sa mga pangyayari sa aming mga buhay. Masaya ako kapag kasama ko siya at sabi niya ganoon din siya.

Nakita ko na si Lukas na papalapit na sa akin.

"Lukas!"

"Binibining Lyn... Ika'y sumama sa akin, mayroon tayong pupuntahan..." sabi ni Lukas.

"Saan naman iyon?"

"Basta hawakan mo ang aking kamay at huwag kang bibitaw dahiil hindi rin kita bibitawan" sabi niya. At hinawakan ko ang kanyang kamay na nakaabot na sa akin.

"Wag kang magalala, hindi ako bibitaw"

January 13 2021

Sophia's POV

Nandito kami ngayon ni Eman sa ferriswheel. Ang awkward ng feeling ko, ewan ko kung bakit. Kaya tumitingin nalang ako sa view para mawala yung kaba at awkward feeling ko dahil sa tingin niya sa akin.

"Sophia..." sabi ni Eman. Yung mukha na nga gwapo, dumagdag pa yung boses.

"Hmm... Bakit?"

"I've been waiting my whole life for this..." sabi niya. Waiting my whole life?

"Huh?"

Lumapit siya sa akin at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya hanggang 1cm nalang ang layo namin sa isa't isa.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinanda ang puso ko sa paglapat ng mga labi namin.

Pero naramdaman kong tumigil na itong ferris wheel. Minulat ko ang mata ko at linayo ko ang mukha ko sa kanya.

Hindi. Hindi to pwede... SOPHIA! HINDI SIYA SI MANUEL!

Kumakabog ng malakas ang puso ko...

Ano ba tong nararamdaman ko?

Macy's POV

Hindi ko alam kung bakit pero parang nag-iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya ngayon kaysa dati... Dahil ba to sa dare? Hindi ko alam... I need answers from these unspeakable questions.

"So... Umm, kailan ba... Magsisimula yung d-dare?"

"Bukas? Gusto mo?" Sabi ni Lexter.

"G-gusto ko?" Uggh bakit ba ako nauutal??? Ano bang nangyayari sa akin?

"Or you want it now?" Sabi ni Lexter, habang unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin.

Nakatingin siya deretso sa mga mata ko. Feeling ko bumabagal ang mundo ko.
Nararamdaman ko ang bawat tibok ng puso ko na bumibilis ng bumibilis.

Nakikita ko na kakaunti nalang ang pagitan namin sa isa't isa. Kitang kita ko ang mukha niya, at ang gwapo niya talaga.

Pangalawang beses niya na tong gagawin kaya hindi ako magpapauto, hindi ko pinikit ang mga mata ko. Pero ang tanong ko sa sarili ko, bakit hindi ko pinigilan na halikan niya ako?

Reincarnated to LOVE YOU (AILYFTP book 2) - DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now