Kabanata 40 - Catherine, Catherina at Huwad

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ba kayo marunong kumatok sa pinto?" Sermon ng kamukha ko dun sa dalawang pumasok at nagkatinginan naman sila at si Veronica at Crisostomo ay nagtaka sa inasal ng kamukha ko.

"P-paumanhin po Señorita Catherina hindi na po mauulit" paghingi ng tawad ni Lavinia at Veronica at napabow pa sila sa akin. Napakunot noo naman si Crisostomo ng dahil dun.

"Hoy hindi ako ganyan kina Veronica at kahit kay Lavinia na karibal ko kay Crisostomo! Hindi ako ganyan kababaw magalit kaya hindi ako iyan! Crisostomo tumingin ka dito sa direksyon ko!" Sigaw ko pa kaso para akong tanga dito na sigaw ng sigaw kaso wala namang pumapansin sa akin.

Nasaan nga ba ako ngayon? Ano bang lugar ito at bakit parang nakakulong ako sa isang bagay at ang liit liit long tignan!? Ano bang nangyari sa akin? Ang huli kong natatandaan ay ng dahil sa isang bata ay hinabol ko ito ngunit napagtanto ko din na isa lamang itong guni-guni.

Nang matapos sermunan ng kamukha ko yung dalawa ay maya maya ay may biglang pumasok mula sa salamin na nasa harapan ko kaya naman napasubsob kaming dalawa at ng makilala ko kung sino siya ay napalaki ang mata ko.

"Catherina!?" tawag ko sa kanya at napatayo siya "Catherina?" Turo ko dun sa kamukha ko na kayakap ni Crisostomo.

"Catherine! Salamat sa Diyos at nakapasok din ako sa mahiwagang orasan na ito" wika niya at tinulungan niya akong makatayo at ngayon ay magkaharap kaming dalawa kaya naman para akong nananalamin.

"Catherina sino ang babae na iyon na kamukha natin? At hindi naman ako iyon ah? At bakit kamikha natin siya!?" Sunod sunod kong tanong kay Catherina at napatingin siya dun sa kamukha namin na itinuro ko.

"Catherine siya na nga ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa mahiwagang orasan na ito na pinagkukulungan mo" napalaki ang mata ko sa sinabi niya teka anong sabi niya mahiwagang orasan na punagkukulungan ko?

"Anong pinagkukulungan ko?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Catherine makinig kang mabuti sa akin ng mabuti..." panimula niya at hinawakan niya ang kamay ko at napatango ako "...nung isang araw na pumunta ako dito upang kamustahin ka dahil napag alamanan ko mula kay Ama at Ina na nalaglag ang batang iyong dinadala ay kaagad akong nagtungo dito ngunit ng makita kita sa likod ng inyong bahay at nagiisa ay may bata kang kasama at hinabol mo ito ngunit nakita ko na unti unting naglaho ang batang hinabol mo at sa tingin ko ay napagkamalan mong guni guni mo lamang iyon, ngunit hindi totoo ang batang nakita mo isang kaluluwa ng bata ang nakita mo at iyon ang kaluluwa ng anak niyong dalawa ni Crisostomo" nang dahil sa mga sinabi niya na iyon ay biglang nagflashback sa utak ko lahat ng nangyari sa akin. oo nga pala nalaglag ang anak ko sa sinapupunan dahil may naghulog sa akin babae na multo at may bata akong hinabol ngunit bigla itong naglaho "Ngunit ng lalapitan na kita ay naramdaman mong may natapakan ka at ito ang mahiwagang orasan nang kunin mo ito ay bigla itong nagliwanag ang buong akala ko ay babalik ka na sa iyong panahon ngunit mali ako dahil laking gulat ko nang higupin ka nang mahiwagang orasan at nang lapitan kita ay nasa loob ka na niyo at hanggang ngayon ay nakakulong ka at ito ang lugar na iyon kung nasaan tayo ngayon" wika niya at parang nalaglag yata ang panga ko sa narinig ko.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon