Chapter 21 to 22: ^___^

Start from the beginning
                                    

"Wait, Nathan. Pwede bang...pwede bang pisilin mo ako oh. Dito..." Itinuro ko 'yung kanan kong pisngi.

"Ha? Para saan?"

"Basta."

"What kind of nonsense act is that? And why do I need to hurt you?" Kitang kita kong hindi siya makapaniwala sa gusto kong gawin niya. Siguro iniisip niya na baliw na ako. Eh kasi baka naman nananaginip lang ako!

"Eh baka naman kasi nananaginip lang ako. Tapos kinabukasan wala naman pala ang lahat ng ito. Hindi ka naman pala totoo." Ngumuso ako.

"F*ck!" Pinaandar niya ng mabilis ang sasakyan. Grabe 'yung kaba ko! Mamamatay na yata ako sa nerbyos!

"Waaaaah! Nathan naman eh! Ang bilis mong magpatakbo! Ayoko pang mamamatay!"

Itinigil niya 'yung sasakyan sa tabi at saka tumingin sa akin.

"Ikaw kasi eh!"

"Bakit ako? Ano na naman ang ginawa ko? Lagi ka na lang nagagalit nang hindi ko alam." Grabe! Nakakaiyak talaga 'yung pagda-drive niya.

"F*ck! Huwag ka kasing ngumuso."

"Ha?"

Ano raw? Hindi ko maintindihan.

"F*ck! Can't you see I can't help myself? You're too cute!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Sa totoo lang wala akong gayumang ibinigay sa kanya ha? Kaya kahit ako nagtataka rin na nagkagusto siya sa akin. At ayaw ko nang pahirapan pa ang aking sarili sa kaiisip kung bakit, dahil ang mahalaga ay heto na...heto na kami.


"Ha?!" Nagulat ako nang makita ko kung sino ang kausap ni mama.

"Oh, nandyan na pala si Mika eh. Teka, maiwan ko muna kayo." Nakangiting umalis si mama at iniwan kami ni Drew.

"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman itong bahay namin?"

"Syempre ako pa. Hmmm... May nakakalimutan ka yata?" Tumawa siya.

"Hala! Oo nga pala! Sorry, Drew! Nakalimutan ko talaga! May nangyari kasi kaya hindi ko agad nakuha 'yung autograph ni Nathan." Paulit-ulit pa akong nag-bow sa kanya para lang humingi ng pasensya.

Kinuha niya 'yung number ko at ganun din ako sa kanya. Nangako ako na next week maibibigay ko na sa kanya 'yung hinihinigi niya. Next week pa kasi siya magiging available dahil pupunta sila sa ibang lugar para mag-perform. Kung tutuusin nga ay pwede ko nang ibigay sa kanya bukas kapag napapirma ko na si Nathan pero siya naman ang busy.

Nagkunwari na lang ako kay Nathan na ako talaga 'yung humihingi ng pirma niya. Ang damot nga eh! Ayaw pa agad ibigay eh para pipirma lang naman! Wew! Buti napilit ko. Para raw kasi akong ewan. Hindi naman daw siya artista.

"Hi Drew!" Sa wakas ay nakita ko na rin siya matapos ang isang linggo.

Kumaway pa ako sa kanya nang makababa siya sa kanyang kotse. Tumawag siya sakin para sabihin kung saan ang tagpuan namin. Naku talaga! Avid fan talaga ito ni Nathan ko!

"Hi there, Mika!"

Nang makalapit na ako sa kanya...

"So ano? Dala mo na ba?"

"Syempre naman!" Nag-thumbs up pa ako sa kanya.

"Tadah!~" Iniabot ko naman sa kanya 'yung autograph ni Nathan. Inilagay ko pa iyon sa folder para hindi magusot. Kitang kita ko ang pamimilog ng mga mata niya. "Alam mo nahirapan talaga akong kunin ang autograph niya," habang napa-pout. "Ang damot kasi nun."

"I-isang photocopy?"

"Yap! Haha! Pina-photocopy ko sa school!" May inilabas akong isa pang papel. "Syempre sakin dapat 'yung original! Bleh!"

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Where stories live. Discover now