Pagkalabas ng katulong ay tumungo na ako sa banyo para maghilamos at mag-sipilyo. Alam kong naroon na sa baba ang mga kamag-anak nila dahil dinig ko ang kanilang boses mula dito.


This is the first time that I'm gonna meet all of them. Kinakabahan tuloy ako. I looked at my reflection in the mirror. I am nothing like her, sabi ni papa ang hugis ng mukha ko ay namana ko daw kay Miss Monique, pati na rin ang katangkaran ko. But I am nothing compared to her beauty.


As I closed the bathroom's door, nakatayo na si Miss Monique sa may vanity mirror. She's wearing a light makeup and a champagne colored fitted dress. She looks like one of the Victoria's Secret angels who's about to attend a high-standard social gathering.


"Come here anak," Tinapik niya ang upuan sa harap niya. "Let me do your makeup."


So this is really something serious huh? Hindi naman kailangan ng sobrang bonggang handaan para ipakilala ako. I'm more than okay with just an intimate dinner.


Sumunod nalang ako sa utos niya at naupo na doon. She looks so excited.

"Let me do this for you, coz this is what I'm good at." Aniya habang kumukuha ng isa sa mga nakahilerang brushes. Hindi nalang ako umiimik habang panay na ang paghaplos ng brush sa aking mukha.


"You're already beautiful even without the makeup Elise, kailangan lang natin i-highlight ang magandang features ng face mo." Dagdag pa nito habang ako naman ay nakapikit dahil sa paglagay niya ng kung ano sa aking eyelids.


Someone came inside and I heard a gay's voice.

"Siya na ba 'yon Miss Maxwell?" May halong pagkamangha sa boses niya.


"Yes, my daughter Elise." Her voice sounds like a proud mother.


Doon lang ako nagmulat ng mata at nakita ko ang baklang nakasuot ng white tuxedo. Sobrang high-class ng dating para sa'kin.


"Very pretty!" Tili nito. "Let me continue doing her makeup Miss, that's what you paid me for. By the way Elise, I'm Hamish, your mother's personal makeup artist."

Umiling si mommy habang nakangiti. "We're fine Hamish, this is like a mother-and-daughter bond so go ahead and enjoy the party downstairs. We'll meet you in a minute."

"Okay Miss Maxwell." Sabay tingin sa akin. "Such a lucky girl, your mom never did her own makeup even if she knows how. Anyway, I'll go ahead. See you later!" Nag-flying kiss pa ito sa amin bago isinara ang pinto.


"That's Hamish Ferrel, he's obviously gay." Hagikhik niya habang dinadampian ng brush ang aking pisngi. "He did my hair and makeup way back when I joined the international beauty pageant. Since then, siya na ang lagi kong kasama kapag may fashion show and tapings."


Tahimik lang akong nakikinig sa kwento niya. And maybe she thought that my silence is a hint of discomfort kaya napahinto ito.


"I-I'm sorry."


Kunot noo ko siyang tinitigan. "Para saan po?"

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now