Chapter 9

7 0 0
                                    

~

Bumukas ang mga kayumanggi na mga mata ng dalaga. Bigla siyang mapangiwi nang maramdaman niyang nakatali pa rin ng mahigpit ang mga kamay niya. Ngayon ay dinala na ng mga Hapon sa kanilang muog na ang Universidad de Santo Tomas. Kasama ang ibang mga prenda na ang mga estudyante ng universidad, nagsitulungan silang makahanap ng paraan para makatakas.

"Gising ka na pala." Lumapit ang isang babaeng mukhang mayaman at may lahing Espanyol. Nagpakilala ito kay Florentina bilang Fatima. Katulad ni Florentina ay dinukot din siya ng mga Hapon nang naglilinis siya sa bakuran ng kanilang mansyon.

Pinutol ni Fatima ang lubid na nakatali sa mga kamay ng luya na dalaga at tinulungan itong mabawi ang kaniyang lakas. "S-Saan ba tayo?" Mahina at magaspang ang boses niya.

"Hindi ko alam, pero huwag ka sanang gumalaw pa. May bala kasi sa hita mo."

Lumaki naman ang mga mata ni Florentina nang makita niyang may butas na dumurugo na sa kaniyang hita. Hindi ito masakit kung hindi siya gagalaw, at napaiyak naman siya ng todo ng sinubukan niyang tumayo.

Sumandal nalang siya sa pader na humihingal. Hindi makasabi ng kung ano si Florentina dahil parang natutuyo na talaga ang kaniyang lalamunan.

"K-Kailangan na nating umalis dito!" Sigaw ng isang babae na kanina pa nakadungaw sa bintana. "Andito na sila! Papatayin na nila tayo!"

Lumayo naman ang lahat mula sa pintong gawa mula sa metal nang biglaan itong bumukas. Pumasok ang isang dosenang mga sundalong Hapones. Wala silang dala na baril, at alam na ni Florentina kung ano ang pakay ng mga ito nang kinandado rin nila ang pinto.

Tumawa naman ang isa sa mga sundalo nang makita niya si Florentina. "What a beautiful flower!" Sabi nito, at agad itinulak si Florentina sa sahig at hinubad ang kaniyang palda.

"Manyakis kang Hapon!" Tinapunan naman ni Fatima ng bato ito, ngunit dahil sa galit ay ito nalang ang biniktama niya.

Gayun din ang mga ginawa ng mga ibang hapon sa ibang mga Pilipinang babae. Pero mabilis si Florentina, at kinuha niya ang isang mahabang baril na nakasabit lang sa bewang mula sa Hapon na nasa itaas niya. Binaril niya ito at napatigil naman ang lahat nang dumadagundong ang baril ng napakalakas.

Walang magawa, tumayo nalang ang mga Hapon at kinausapan si Florentina na ibaba ang baril. Tumahimik ang buong paligid habang nagmakaawa ang mga Hapones. "Kunin niyo din ang mga baril nila." Utos ni Florentina. Kinuha naman ng ibang mga babae ang mga baril mula sa ibang sundalo.

Lumipas ang isang minuto at punong-puno na ng mga bangkay ng mga sundalong Hapones ang sahig. Walang kirot na pinanood ni Florentina ang mga katawang naliligo sa kanilang mga sariling dugo.

"Tara na, Florentina!" Bumalik naman siya sa kaniyang ulirat nang hinawakan siya ni Fatima sa kaniyang kamay at inalalay ito palabas mula sa silid na kung saan sila kinulong buong araw.

Dahil sa gutom, naging malabo ang kaniyang paningin at halos hindi na niya kaya pang tumayo mag-isa. Lumala naman ang sakit sa kaniyang hita na parang walang katapusan ang pagdurugo nito.

"Kapit ka lang, Florentina!" Sabi ni Fatima habang inakbay niya ang dalaga na makasandal sa kaniya. "Malapit na tayo-" Natumba silang dalawa nang may bumaril sa kay Fatima mula sa likuran.

"F-Fatima!?" Gumapang ito palapit sa babae, ngunit patay na ito na nakabuka pa rin ang mga mata.

Ikinaladkad naman siya ng mga sundalong nakakita sa kanila palayo at patungo sa labas ng unibersidad. Ipinaluhod si Florentina sa gitna ng nakalinyang bangkay ng mga napatay na na mga sibilyan at estudyante ng paaralan.

Bulletproof Where stories live. Discover now