Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas para makipaglaban sa mga Espanyol, sumunod naman ang mga Hapones. Bumalik naman ang mga Amerikano para tapusin ang kanilang laban at para tulungan na makuha ang kalayaan ng mga Pilipino. Maagang nawalan ng mga magulang si Florentina Asuncion at tanging ang kaniyang sarili't kaniyang mga apat na kapatid lamang ang natirang pamilya niya. Sa tulong ng isang mayamang babae na matagal na din niyang matalik na kaibigan, nakapagtrabaho siya bilang kasambahay ng napakamayamang pamilya ng bayan nila. Ang gusto lang naman ni Florentina ay makadala siya ng pagkain para sa pamilya niya kada uwi niya ng bahay, ngunit nagbago ang gustong iyon nang nakilala niya ang isa sa mga Amerikanong kinikilala ng buong bayan nila na mga tagapagligtas. Pinangarap lamang ni Corporal Scott Briggs ay makatapos siya ng pag-aaral ng medisina kaso huli na ang lahat nang kailangan niyang mag-enlisto at sumali sa hukbong sandatahan ng Amerika. Sila ang mga taong ipinagtagpo ng tadhana, ngunit aabot ba ang pagmamahalan nila hanggang sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? ( this is my first story lels so I hope you like it ! )