FINALE

1.8K 37 8
                                    

Maaga akong nagising dahil may job interview ako ngayon, Balak kong mag part time habang nag aaral. Maganda na din yun at may pagkaka abalahan ako ngayong bakasyon. Inaya pa ako ni mama na sa family business nalang namin mag trabaho pero I insisted na sa isang fast food chain nalang hindi kalayuan sa subdivision, Bukod sa kailangan kong pag hirapan ang pagta-trabaho ay wala ding magaganap na special treatment na siyang pinaka ayaw ko.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba at sakto namang nasa sala si Mama.

"Good morning ma." Bati ko, tinignan naman ako ni mama saka ngumiti.

"Good morning, Did you consider my offer? Mas maganda yun, magkakaroon ka ng idea sa negosyong hahawakan nyo ni Isla balang araw." Napa iling naman ako saka nilapitan si mama at hinalikan sa noo.

"Ito ang gusto ko ma saka kailangan ko ding hanapin ang sarili ko." Pakiramdam ko kasi simula ng maka balik ako ay parang may kulang.... hindi ko alam kung ano ito.... tinanguan niya nalang ako saka ngumiti.

"Mukhang wala naman na akong magagawa kundi supportahan ka." Sagot niya. May inihagis siya at agad ko naman itong sinalo. Susi.

Biglang namilog ang mga mata ko.

"welcome?" Natatawang sabi niya. "Regalo sayo yan ng lolo mo since graduating kana, ayaw ko sanang pumayag dahil binili palang kita ng kotse last year pero wala akong magawa." Dugtong nya pa.

Natawa naman ako sa sinabi ni mama, kahit kailan talaga ay sobrang spoiled ko kay lolo.

"Thank you ma!" Malapad na ngiting sabi ko saka niyakap siya at agad na pumuntang garahe.

"Ingat!" Rinig ko pang pahabol na sigaw ni mama.

Nakita ko kaagad yung Lamborghini Veneno na naka parada sa garahe.

Kinuha ko kaagad yung cellphone ko sa bulsa ng jacket ko at tinext si lolo.

***********

"Congratulations guys! Pwede nyo ng simulan ang trabaho nyo bukas." Sabi namin nung manager, kakatapos lang ng interview namin at lahat kami ay nakuha. Biglang nagsigawan yung mga kasamahan ko, ang iba ay panay pa ang lundag at pakikipag yakapan sa mga kasama nila samantalang naka tayo naman ako sa gilid habang naka ngiti.

Isa isa na silang naglabasan para maka uwi, dapat ay maaga pa akong bumalik dito bukas, 8am-2pm ang shift ko at nakakahiya namang 1st day ko palang sa trabaho ay male late na ako kaagad.

Pagkalabas ko ay sakto namang bumuhos ang malakas na ulan kaya agad akong tumakbo at pumasok sa kotse ko. Ini-start ko ito pero ayaw umandar. Bagong bago palang nagka problema na kaagad ako.

Lumabas ako sa kotse kahit na malakas ang ulan para sumakay ng jeep, Basang basa na ako pero wala pa ding dumadaan kaya napag desisyunan ko nalang na maglakad pauwi.

Babalikan ko nalang siguro yung kotse ko bukas ng umaga. Mas binilisan ko ang paglalakad ko dahil na din sa basang basa na ako ng ulan at medyo nilalamig na din.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng mahagip ng mata ko ang pigura ng isang babaeng pababa din ng hagdan. Basang basa din ito ng ulan dahil sa wala din siyang dalang payong.

Habang ini examin ko ang kabuohan niya ay bigla din siyang tumingin sakin. Nagtama ang mga tingin namin at rumehistro ang gulat sa mga mukha namin.

Pamilyar ang itsura nung babae pero hindi ko alam kung saan ko ba siya nakita. Ni hindi ko alam kung magkakilala ba kami dati o isa lang siya sa mga nakakasalubong ko araw araw kaya ganon nalang ka pamilyar ang mukha niya sakin.

Agad kong binawi ang tingin ko at nagsimulang maglakad pataas. Pero para bang hinihila ako ng mga mata niya para tignan niya pabalik.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, at kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko. Pero parang may parte na puso ko na nakalaan sa babaeng yun.

Nasisiraan kana talaga Jacob, pano magkakaroon ng puwang sa puso mo ang babaeng ngayon mo lang naman nakita? Napailing ako sa idea na yun.

Nagka pantay na kami ng baitang sa hagdan ng huminto siya at ganon din naman ako.

Ano bang nangyayari sayo?!

Napailing ako sa sarili ko at saka dumiretso ng hakbang pataas, hindi ako nag abalang lingunin siya pero nang nasa pinaka tuktok na ako ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong lingunin siya at sakto din namang nakalingon din siya sakin.

"Sino ka ba talaga?" Sabay na tanong namin sa isa't isa.

Ripped Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon