RM20

1.2K 24 0
                                    

"Jacob! Wake up! Pupunta tayo ngayon sa San Fernando at bibisitahin natin ang resort ng lolo nyo." Dinig kong sigaw ni mama mula sa labas. Kunot noo akong dumapa sa kama at tinakpan ng unan yung mukha ko. Ayoko pang bumang—

T-teka..... nangyari na to ah. Agad akong napabalikwas ng bangon.

Inilibot ko kaagad ang tingin ko sa kabuohan ng kwarto. Yung ayos.... yung picture frame.... yung t-shirt na inilapag ko sa study table.... tangina..... NAKABALIK NA AKO!

"ANO BA JACOB! GIGISING KA O IIWAN KA NAMIN DITO?!" Biglang pumasok si mama sa loob ng kwarto ng naka kunot ang noo ng nakitang naka upo pa din ako sa kama. Agad akong bumangon para yakapin siya.

Mukha namang naguluhan si Mama sa inasal ko kaya agad niya akong tinaasan ng kilay na siyang ikinatawa ko. Hindi pa din siya nagbabago.

"Maligo kana at ng maka alis na tayo." Sabi niya saka lumabas ng kwarto.

Agad akong pumasok ng banyo para maligo, Pagkatapos ay agad akong nagbihis at nag impake ng mga gamit na kakailanganin ko sa bakasyon namin dun. Isang buong linggo kaming mamamalagi doon dahil na din sa kagustuhan ni mama na makapag bakasyon duon at makasama ng matagal si Lolo.

Nang masiguro kong nalagay ko na lahat ng gamit ay agad akong bumaba at nakitang busy sa pag aayos ng mga dadalhin sila Mama.

"Kuya! Kanina ka pa namin hinihintay. Sayo ako sasabay kuya ah at si mama naman ay kay Kuya Jun!" Masiglang sabi ni Isla habang itinuturo pa sila Mama sa labas na naglalagay ng gamit sa likod ng kotse.

"Oo ba." Natatawang sabi ko, Lumuhod ako sa harapan niya para magkapantay kaming dalawa. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin si Isla sa sobrang pagkamiss sakanya. Hindi ko lubos akalain na makakabalik pa uli ako, Sa panahon kung kailan maayos pa lahat.

"Kuya.... are you okay?" Nagtatakang tanong ni Isla pagkatapos ko siyang yakapin.

"Oh yeah, kuya's fine. Sorry.... Sorry for everything." Tugon ko, Hindi ko alam kung bakit ako humihingi ng tawad... pakiramdam ko ay may hindi kami pagkaka unawaang dalawa. Namilog naman ang mga mata ni Isla sa sinabi ko.

"Omg... don't tell me kinain mo yung jelly ace ko sa ref kuya!!!!" Bigla siyang nagsisigaw kaya agad kong tinakpan yung bibig niya.

"No... of course not..." natatawang sabi ko saka ginulo yung buhok niya, mukha namang kumalma na siya saka nginitian niya na ako. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay naming nilapitan sila mama.

"Good morning ma!" Bati ko sakanya at sinimangutan naman niya ako. "Di ka makakapag asawa nyan kung palagi kang naka simangot." Biro ko pa.

"Naku! Tigil tigilan mo ako Jacob at baka samain ka sakin!" Medyo inis pero tumatawang sabi ni mama, Nakitawa naman si Kuya Jun. Yung driver na kinuha ni Mama para magdala samin sa San Fernando. Kung saan nagsimula at natapos ang lahat.

"Tapos na po ini mam, Maayo nga aga pa kita maka abot didto." Sabi ni kuya Jun.

"Osya osya! Jacob sumunod kayo saamin ha at wag kang masyadong mabilis kung magmaneho at delikado dahil malayo layo ang pupuntahan natin. Dobleng ingat." Paalala ni mama. Tumango naman ako saka linagay sa likod ng kotse yung mga gamit ko at gamit ni Isla.

"Kuyaa! Saan ko po ilalagay ito'ng mga pagkain?" Itinaas niya sa hangin ang dala niyang maliit na bag na puno ng mga pagkain'g binili nila ni Mama kahapon ng nag grocery silang dalawa.

"Dalhin mo nalang yan para may makain ka sa byahe, Mahaba haba yun kaya't mas maganda kung may makakain ka, Hindi ko alam kung may madadaanan tayong 24/7 na convenience store mamaya." Tumango tango naman siya palundag lundag na sumakay na sa kotse. Napangiti naman ako.

"Mauna na kayo ma at susunod nalang po kami." Sabi ko kay Mama. Tumango naman siya saka sumakay na sa isa pang kotse.

**

Nag stop over kami sa nadaanan namin'g 7 Eleven, Dun na din kami nag dinner at bumili ng iba pang ka-kailanganin dahil medyo mahaba pa daw ang byahe. Alas 10 na ng gabi at bukas ng madaling araw pa daw kami makakarating sa isla ng San Fernando sabi ni Mama.

Uminom ako sa kape'ng hawak ko, Ka-kailanganin ko to para mawala yung antok ko at magma-maneho pa ako.

"Inaantok ka na ba anak? Kaya mo pa bang mag drive? Pwede tayong mag hotel muna at dun magpalipas kung inaantok kana talaga. Mas magand y-" pinutol ko na kaagad siya.

"Nawala na po ma, Kaya ko pa naman mag drive." Natatawang sabi ko, Medyo paranoid kasi si Mama.

"Sigurado ka ha? Osiya tara na Jun at nang maaga pa tayong makarating dun mamaya." Tumango naman si Kuya Jun at sumunod na palabas kay Mama.

"Hindi ka ba nahihilo?" Tanong ko kay Isla. Nginitian niya naman ako saka umiling.

"Mabuti naman kung ganon, Tara na." Hinawakan ko yung kamay niya palabas ng store. Napadako ang tingin ko sa langit, makulimlim ito. Mukhang uulan pa yata.

Sumakay na kami sa kotse at sumunod sa umaandar na kotse nila Kuya Jun.

Buong byahe ay kausap ko si Isla, Hindi naman siya inaantok dahil natulog daw siya ng maaga kanina at kanina pa siya tulog ng tulog sa byahe.

"Kuya? Naniniwala ka ba sa reincarnation?" Tanong niya sakin, Binigyan ko siya ng biglaang tingin at nakita ang seryoso pero nagtatanong niyang mukha.

Kung noon ay hindi ako naniniwala, ngayon ay sobra pa ako sa naniniwala. Sa sobrang dami ba naman ng napag daanan ko to the point na hindi ko lubos akalain na malalampasan ko pa ito. Sunod sunod na mga pangyayari ang pumasok sa utak ko pero hindi ko malarawan kung ano ito, sobrang labo. Ni hindi ko makilala kung sino ang mga taong yun.

Wala akong maalala bukod sa pumunta ako sa beach resort ni Lolo para ayusin lahat.... pero hindi ko alam kung ano ang gusto kong ayusin.... wala akong matandaan.....

"Oo naman." Diretsong sabi ko saka kumuha ng crackers sa gilid ng upuan ko at kinain yun.

"Eh sa time machine kuya? Yung pwede kang mapunta sa ibang panahon? Magkakilalang tao pero sa magkaibang taon? Magkaibang pagkakataon?" Dire-diretsong sabi niya. Napangiti naman ako sa sobrang dami ng nalalaman ng kapatid ko sa mura niyang edad, Napaka talinong bata.

"Naniniwala ako." Ginulo ko yung buhok niya gamit ang isang kamay ko.

"Talaga kuya?" Naka nguso'ng tanong niya.

"Yup." Sagot ko naman. "Tell me about it."

"It's because of that black hole."

Napangiti ako.

Ripped Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon