RM5

3.2K 45 1
                                    

His Side

Kanina ko pa tinitignan yung mga litrato niya sa cellphone ko. Dyahe, Dami na pala naming napuntahan pero ni isa ay wala akong maalala.

Binuksan ko yung glass window saka tumambay sa veranda para mag pa hangin.

Tanaw na tanaw ko mula sa baba sila Mama at Isla na nagkakatuwaan habang nagtatanim sa garden, Pareho kasi silang mahilig dun. Punong puno ng iba't ibang uri ng bulaklak yung garden at silang dalawa lang ang nag didilig at nagtatanim dyan, Gusto kasi nilang lahat ay alam nila at ayaw nilang may ibang gumagalaw neto bukod sa kanilang dalawa.

Napansin ako ni Isla. "Kuya! Join us! Dali! May bagong tubo kami dito!" Excited na sabi niya saka itinaas yung flower pot para makita ko.

"Hindi ako mahilig sa bulaklak." Natatawang sabi ko pa. Umiling iling naman si Mama habang naka nguso si Isla.

"Bumaba ka dito at nag bake ako ng muffins. I'm sure you'll like it." Sabi ni Mama sakin bumaba ang tingin niya at tinignan si Yaya Susan. "Susan, Paki dala nga dito nung binake ko kanina."

"Opo ma'am" Sabi pa neto saka naglakad papasok ng bahay

"Bumaba kana dito kuya! Let's enjoy the weather!" Medyo pasigaw na sabi ni Isla para marinig ko, Medyo may kataasan kasi yung veranda sa garden. Napansin ko din na ang ganda ng panahon ngayon, Sobrang lamig kahit na medyo tirik ang araw.

"Okay okay." Napapailing na sabi ko pa saka pumasok sa loob ng kwarto ko at nagbihis bago tuluyang bumaba.

"Morning ser!" Bati sakin ni Yaya Fe na naglilinis sa sala. Tinanguan ko naman siya saka dumiretso sa garden.

"Morning kuya!" Naka ngiting bungad sakin ni Isla, Umupo ako sa upuan at kinuha yung cellphone sa bulsa ko.

"What's your plan for today? May pasok na kayo bukas." Tanong sakin ni mama.

"Nothing ma, why did you ask?"

"I want you and Isla to visit our restaurant near canyon woods, Okay lang ba?" Tinignan ko naman siya habang naka kunot noo.

"I don't know anything about that, Wala akong interes sa food industry ma, You know that." Walang ganang sabi ko pa.

"Fine, I'll go there. Sigurado ka bang hindi ka sasama?" Tanong niya pa. Tumango naman ako. "How about you Isla?"

"I have lots of school works to do mom, Maybe next time?" Tumango naman si mama.

"Ma'am may telephone call ho kayo." Biglang lumapit samin si Yaya Susan.

"Sino daw?"

"Secretary niyo ho maam."

"Excuse me, I'll be back." Tumango naman kaming dalawa ni Isla at pumasok na si mama sa loob kasama si Yaya Susan.

"Can i ask you something?" Biglang sabi ko kay Isla, Tinaasan niya naman ako ng dalawang kilay na animo'y nagtatanong.

"Sure, What is it?" Tanong niya pa saka kumagat sa muffin na hawak niya.

"Naalala mo pa yung sinabi mo sakin 3 years ago?"

"I can't recall, Alin dun kuya?"

Ripped Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon