RM12

1.6K 25 2
                                    

His Side

l've finally decided to pay Payne a visit, Besides I need to know her, Again.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, Para bang gustong gusto ko ng makita sya, It's somewhat unexplainable.

Weird.

"I'll stay here nalang kuya." Sabi ni Isla ng saktong huminto na yung kotse sa isang eskinita.

"Ayaw mo bang makita si Payne? I thought you miss her?"

"I want to pero you guys needs to talk privately." Sagot niya na parang mas matanda pa sakin, She's right. Payne and I needs to talk.

"Okay then, Stay here okay? Babalik ako kaagad." Ginulo ko yung buhok niya bago tuluyang bumaba ng kotse.

Naglakad ako sa maliit na eskinita dahil sa dulo pa daw neto yung bahay nila Payne ayon kay Isla. Mabuti nalang at napilit ko syang ituro sakin kung saan sila Payne nakatira. Iniisip niya pa din nag away kami ni Payne at nagkukunwari lang akong hindi alam yung balay nila dahil na din daw sa pride ko.

Bawat ale na nadadaanan ko kay nginingitian ako at binabati, Di ko din alam kung bakit.

"Kuya pogi!" Biglang may yumakap saking bata na sa tantya ko ay nasa limang taong gulang pa lang, medyo marumi ang suot netong damit dahil na din siguro sa paglalaro neto simula pa kanina. Maputi at medyo may kahabaan din ang buhok neto na may singkit na mga mata.

Medyo pamilyar siya sakin pero hindi ko alam kung ano ang pangalan niya at kung saan ko ba siya nakita.

"Tara sa bahay, mabuti nalang at naisipan mong bisitahin na siya. Kakauwi nyo lang ba galing San Fernando kuya?" Napakunot ako ng noo, bigla niya akong hinila papunta sa bahay na may red na gate. Nagpatianod nalang din ako.

"Tita Lilyyy! Si kuya pogi andito!!!" sigaw nung batang lalaki pagka pasok namin sa bahay nila, biglang lumabas mula sa kusina ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 60's na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tita Lilyyy! Si kuya pogi andito!!!" sigaw nung batang lalaki pagka pasok namin sa bahay nila, biglang lumabas mula sa kusina ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 60's na.

Nginitian niya ako at itinuto yung upuan sa gilid. "Maupo ka Jacob, Sandali at ipaghahanda kita ng meryenda." sabi pa neto bago bumalik sa kusina, inilibot ko ang paningin ko sa loob ng sala at may iilang litrato at medalya ang naka display. 

"Kuya pogi, alam mo ba. miss na miss kana ni
Ate Payne. Palagi ka niyang kinwe-kwento sakin." panimula nung bata.

"Bibooy! Puntahan mo sa kwarto ang ate mo!" biglang sigaw nung tinawag niyang tita Lily mula sa kusina.

"Kuya pogi, puntahan ko muna si ate Payne ha, Saglit lang!" ngumiti sya sakin bago tumakbo paalis.

"Pasensya kana iho ha at medyo mainit dito saamin, Osya inumin mo muna ito at pababa na din sila." Inabot niya saakin yung baso saka umupo sa kaharap kong upuan.

"Masaya ako at binisita mo ulit si Payne, Alam mo bang hindi na sya nalabas ng kwarto nya? Ni hindi na din sya gaanong nagsasalita." Malungkot na kwento neto.

"Tita Lily? Sino po yung bisita natin?" May kasama nang babae pababa si Biboy, Maputi ito at hindi gaanong katangkadan. Walang emosyon ang nakikita sa singkit netong mga mata. Magkamukhang magkamukha sila nung batang lalaki na sumalubong sakin kanina.

"Dahan dahan Ate Payne." Inaalalayan siya pababa ni Biboy, Ingat na ingat ito sa paghawak sa ate niya.

"Alam mo bang nabulag siya dahil sa nangyari nung gabing yun?" Seryosong tinignan ako ni Tita Lily kasabay noon ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.

Nabulag si Payne?

Ripped Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon