Tears Day

10.4K 248 3
                                    

Isinara ko ang libro ko. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Saktong alas sais na. Lumabas ako ng library. Konti nalang ang nsa school Kalimitan at mga S.A.

Palabas na ako ng school ng biglang umambon. Buti nalang at my dala akong payong.

Naglakad na ako. Dadaan pa ako sa mall para bumili nung libro sa Marketing. Habang naglalakad ako. Napansin ko na my nasunod sakin. Kaya binilisan ko anf lakad ko. Habang mas binilisan ko ay mas bumibilis din ang lakad nila. Kumaliwa ako sa isang eskinita kaso mukhang nagkamali ako.

Dead End.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa bag ko. At humarap sakanila. Nasa lima sila. Nakauniform sila ng pang Red Dragon Academy. My baseball bat pa silang dala..Ano bang akala nila? Lalaban ako?

Tanging poste lang ang nagbibigay liwanag. Unti unti silang lumapit sa akin.

"Nagkita tayong muli." sabi ng lalaking nangunguna.

Natatandaan ko siya. Siya yung lalaki nung isang linggo. Si Lucas.

Lumapit siya at hinigit ang kuwelyo ko. Baka babae ako no?!

"Kidnapin kaya kita?"

"Ano bang kailangan mo? Wala akong pera! Yaya lang ako ni Chaos!" tumawa siya.

"Pera? Marami ako non. Hindi pera ang kailangan ko. Ang gusto ko makaganti lang ky Chaos. At ikaw ang gagamitin ko." ngumito siya ng mala-demonyo. At biglang my nagtakip sa ilong ko ng panyo na my nakakahilong amoy. Hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak ko.

Nagising ako na my posas ang isa kong kamay. Habang ang isang posas ay nakakabit sa bintana. Ang isa kong kamay ay walang posas. Nasa isang madilim na kwarto kmi. Nakita ko.ang grupo nila na nasa my kanan ko na naglalaro ng baraha.

Kailangan kong makatakas. Kinapa kapa ko ang bulsa ko. Wala ang cellphone ko.

My isang yabag na papalapit sa akin. Binuhusan niya ako ng malamig na tubig. Napahiyaw ako sa gulat. Tapos ay sinampal niya ako sa magkabilang pisngi mg sobrang lakas. Sa sobrang lakas ay pumutok na ang labi ko. Tumawa siya mg nakakaloko.

"Sigurado ako pag nakita ka niya magwawala siya sa galit."

"Baliw ka!" sigaw ko sakanya.

"Oo. Matagal na." tapos tumalikod siya.

My malakas na kalampag sa labas kaming nadidinig.

Nagsitayuan ang iba pang mga lalaki. Hanggang sa tumambad sa harap si Chaos

"Asan si selene!" malakas na sigaw nito.

"Ayun o." naglean ng konti si Lucas para makita ako.ni Chaos.

"Gago ka talaga Lucas!" sinuntok ni Chaos si Lucas.

Agad naman dumalo ang dalawang alipores ni Lucas. Sinuntok nila si Chaos.

Napatumba niya ang apat na lalaki ng hindi man lang nagagalusan.

"Pakawalan. Mo. Si. Selene." dahan dahan na wika ni Chaos. Ngumisi lang si Lucas. Lumakad paharap si Chaos. Nkita kong my mga lalako na nagtatago sa pader. My hawak silang baril.

"Pakawalan mo siya." ulit nito. Mas lumapit pa siya.

"WAG!" tinutukan siya ng baril ng halos anim na lalaki.

Ngumisi si Chaos.

"Akala mo b matatakot ako ng mga gunggong mong alipores?"

"Isang galaw mo lang. Buhay ng babaeng ito ang kapalit."

"Edi sige patayin nyo na yan. Tutal wala naman yang kwenta saakin." ibinulsa ni Chaos ang kamay niya at tumalikod

Nanlaki naman ang mata ko sa inasta niya.

"Sige Gawin mo ang gusto mong gawin sakanya."

"Sigurado ka?" napatigil si Chaos sa paghakbang.

"Oo."

"Chaos! Wag mo akong iwan dito. Ano ba!" pero parang wala siyang nadidinig. Patuloy siya sa paglakad.

Nang malapit na siya sa my pintuan. Ay my sunod sunod na putok kaming nadinig. Nagkagulo sa loob. Nakita kong nagtalsikan ang mga baril na hawak ng tatlong lalaki. 

My lalaking pumasok galing sa bintana. Nagkagulo na ang buong lugar. Nagplitan ng putok ang bawat isa. Nakita kong lumapit si Chaos saakin. My dala siyang isang malaking bato. Hinampas niya ang posas.

"Aray ko!" sigaw.ko.

"Sorry. Takte Paano ba natin matatanggal yan."

"Clip!" Hinawakan ko ang buhok ko.Kinapa kapa ko to para maramdaman kung andito pa ang clip ko.

Andito so Hades, Nyx at Knight sila ang nakikipaglaban.

"Ano?" wika ni Chaos.

"Teka wala pa e"

"Bilisan mo naman!!"

"Oo na!" kaso wala talaga ang clip.

"Wala yung clip."

"Shit." mura niya.

"iwan mo na ako!" sabi ko. Kumunot ang noo niya

"Iwan? Tanga ka ba. Pinuntahan nga kita tapps iiwan kita."

"Sabi mo nga, hindi ako mahalaga!" sigaw ko sakanya.

"Kung dika mahalaga Sana hinayaan nalang kita dito!Sana di kita pinuntahan!" natahimik ako.

Hinampas niya ang posas. Kahit masakit tiniis ko nalang. Nasira ang posas. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Bilis alis na agad Kami na ang bahala dito." sabi ni Knight.

Tumakbo kmi palabas ng warehouse. Hawak niya ang kamay ko. Nang makarating kmi sa labas. Nakita namin si Lucas na nakatutok ang baril samin.

"Akala mo makakatakas ka? Ulol mo!" lumapit siya samin. mas hinigpitan ni Chaos ang hawak sa kamay ko.

Umatras kami. Habang papalapit siya.

Sinugod siya ni Chaos at nakipagagawan ng baril.

Sinuntok siya ni Lucas s my panga kaya napabagsak siya. Tumalsik ang baril. Tatayo si Lucas pero pinatid siya ni Chaos. Umibabaw si Chaos para masuntok si Lucas. Sinuntok niya ito ng sinuntok. Tinadyakan siya sa tyan ni Lucas kaya napatalsik siya. Agad tumayo si Lucas at kinuha ang baril.

Nakuha nito ang baril pero agad naman nakipagagawan si Chaos

"Takbo Selene!" sigaw niya

"Hindi. A-Ayoko! Hindi kita iiwan!" sigaw ko sakanya.

"Umalis kana!" sabi nito habang nakikipagagawan ng baril.

"Ayoko!" tumulo na ang luha ko. Takot na takot na ako. Para kaming nasa isang gubat.

Natigilan kami ng biglang my pumutok na baril.

At nakita kong bumagsak si Chaos..tuloy tuloy ang daloy ng dugo sa bibig niya. Tumakbo ako palapit sakanya.

"Tangina." sigaw ni Lucas.

"Wala kang kwenta!" sigaw ko ky Lucas.

"H-Hindi! Hindi ko balak patayin siya. Ang gusto ko lang magmakaawa siya.Hindi patayin siya."

"Wala kang kwentang tao. Kahit kelan,hinding hindi ka makaangat ky Chaos!" tiningnan ko si Chaos. Tinamaan siya sa my dibdib. Umiiyak lang ako habang hawak hawak siya.

"Wag kang pipikit chaos!" mahina kong tinapik ang mukha niya. Halatang nahihirapan siya pero pilit niyang minumulat ang mata niya.

"Wag. Please. Wag kang pipikit. Wag mo akong iwan."

Pero huli na. Pumikit na siya. Kasabay ng pagsuka niya ng maraming dugo.

Until You Are MineWhere stories live. Discover now