Chaos Del Martin

16.4K 346 5
                                    

Hingal na hingal ako ng makarating sa baba ng building.

Nakita kong nagaayos ang staffs sa gym. Nagkakabit sila ng mga ilaw ilaw. At mga gamit ng isang banda. Yung mga drum. Malalaking speaker.

Ano kayang meron?

Nilampasan ko na at nagpunta sa labas. Kailangan ko ng maghanap ng bagong trabaho.

Kinuha ko ang bagahe ko at naglakad na ulit sa lansangan. Naghanap ako ng hiring. Lakad lang ako ng lakad. Hanggang sa maghapon na. Pero wala padin. Kumakalam na ang sikmura ko. Kaya naisipan ko ang kumain muna.

Dumidilim nanaman. Problema nanaman ang matutuluyan ko ngayon gabi. Hindi naman ako pwedeng sa lansangan nalang lagi matulog. Hay nako.

Umupo ako sa my labas ng mall. Saan ba ako pupunta? Biglang my pumatak s mukha ko. Tumingala ako at napansin ko ang pagdami ng pagpatak. Umuulan

Palakas ng palakas. Nagtatakbuhan yung mga tao. samantalang ako. Nakaupo dito. Basang basa. Mas lalo kong naramdaman ang pagiisa. Ano ba naman tong buhay nato. Siguro nung nagsabog ng kamalasan ang dyos. Gising na gising ako nakanganga pa sa siguro ako. Kasi nasalo ko lahat e. Hindi ko na ininda ang ulan. Palakas ng palakas. Biglang tumulo ang luha ko. Hanggang kailan ba ako magdurusa buhay na ito?

"Wala bang tubig sainyo at dito mo naisipan na magbasa ha?" my isang boses na nagsalita. KAsabay ng pagpayong niya sakin. nakatagilid siya sakin. Hawak niya ang payong niya at nakapamulsa naman ang isang kamay. Siya yung...nasa classroom kanina.

Biglang my sasakyan na dumating sa harap namin. My lalaking nagbukas ng pintuan samin.

"Anong tinitingin tingin mo sakay!" sigaw niya sakin. Nagulat ako sa sigaw niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Sino ba to?

"Mamaya ko na papaliwanag. Basta sumakay ka. Bilis na." hindi padin ako natinag. Nanatili akong nakatingin sakanya. Na-starstruck ata ako sakanya. Ang pogi niya eh. my blonde sitang buhok na mohawk. Singkit. Matngos ang ilong Hindi siya gaano katangkad. My hikaw naman siyang itim na krus sa isang tenga niya. Maporma siya.

Sinensyasan niya yung lalaking nagbukas ng pinto. Tumango yung lalaki at binuhat ako na pasako. Ipinasok niya ako sa loob ng kotse. sumunod si blondy. At nilock nila ang mga pinto. Nilagay nila sa compartment ang bagahe ko at nagdrive na.

"Panalo ako." nakangiti niyang wika. Mas nakadagdag sa pagkagwapo niya ang pag ngiti niya.

"Mahilig ka ata talagang tumitig no?" sabi niya. Napabalik namn ako sa wisyo ko.

"Dadalhin kita ky Chaos." sabi niya. Nangunot ang noo ko. Sinong Chaos?

"Sino yun?"

Napatawa siya.

"Yung lalaking hinampas mo ng bag." agad akong napasinghap among balak niya?! bakit niya ako dadalhin sa lalaking yon.

"Anong gagawin niya sakin?!" s halip na sumagot ay ngumiti lang siya. Ngiti na alam mong hindi mapapagkatiwalaan.

Tumigil kamk sa bahay isang malaking puting bahay. My malaking gate s harap na automatikong nagbukas nung nakita ang kotse na sinasakyan namin.


Binuksan niya ng pinto at hinila ako palabas ng kotse. Akala ko pa naman mabait.

Pumasok kami sa loob. Maraming maids ang nagkalat. My isang matanda na lumapit samin.

"Young master Knight. Magandang gabi po Nasa kwarto po ang Young master." dirediretso si Knight habang hila hila ako. Nanatiling nakatingin sakin yung matanda. Sumakay kami sa elevator nanginginig na ako sa lamig. Basa kaya ako. tapos ang lakas ng aircon ng kotse niya. Pati sa bahay na to mukhang aircon din ang buong bahay. Centralized ata. Madami sila pambyad ng kuryente e.




Until You Are MineWhere stories live. Discover now