Chapter 9.3.4

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ewan!" Nangingiti pang sabi niya, pero humawak na rin naman siya sa kamay kong nakayakap sa baywang niya.

"Hmm... Babe, can you just sleep on my room?"

"Ano ka ba, ang dadami natin ngayon dito. Ano na lang ang iisipin nila sa akin?" nakasimangot pang sabi niya.

"I don't fuckin' care."

"Ako may pakialam ako. Tigas ng bungo mo!" Pinitik pa niya ako sa ilong. Kakaiba talaga!

"Do that again and I'll kiss you."

"Aish! Palagi mo na lang panakot 'yan!" nakairap pang sabi niya sabay kagat sa kanyang labi.

"At least with that I'll have reasons to kiss you more often." Which I meant doing of course.

"Manyak ka talaga..." Napailing lang siya at bahagya pang tinapik ang kamay ko.

"Don't pretend as if you don't like me kissing you, Babe."

"Bakit Babe? Ang tawag ni Chance kay Kirsten, baby girl. Parang hawig lang."

"Really?" Tss... Ayoko nang may kamukha! "Wait, I'll think of something."

"Tyrone and Jordan, puwede na 'yun."

"Just Jordan? No way." That's just unacceptable.

"Cool naman 'yun, 'no?"

"So you mean tatawagin mo lang din akong Ty?"

"Oo naman!"

"Tss, wala ka talagang kalambing-lambing sa katawan!" Umiling-iling ako at sumimangot. Kumalas muna ako sa pagkakayakap sa kanya at dumiretso muna nang higa. Aish! Bakit ba ako na-inlove sa babaeng 'to?! Bukod sa nuknukan nang daldal, burara at kung anu-ano pa, hindi siya sweet.

"Sus! Tampo naman 'to..." Kagat-labi pa siyang dumapa paharap sa akin at ipinatong ang mukha niya sa dibdib ko. Nag-iwas naman ako nang tingin at kahit naman wala pa siyang ginagawa, I am really anticipating to what she will do next.

"Sige na, matulog ka na. Balik na ako sa kwarto ko." How I wish ay sakyan niya ang drama kong 'to. Tangka na sana akong tatayo noon, pero pinigilan niya ako sa pamamagitan nang pagyakap sa baywang ko.

"Tamporista naman 'to. 'Di mo kaya bagay."

"Tss..." Umismid ako at nagkunwari pa ring nagtatampo. Damn, the way she stared at me drives me crazy.

"'Wag na magtampo ang Mahal ko, please," nagpapa-cute pang sabi niya. But wait? What did she just call me?

"Mahal ko? Hmm, I like that." Bahagya akong umayos nang higa at hinaplus-haplos ang kanyang braso at balikat.

"Really? Hindi ba parang sobrang cheesy n'un?"

"I like that, Mahal ko. Call me that way."

"Parang nakakahiya sa parents mo. Pati na rin sa barkada mo. Sobrang obvious ng Mahal ko."

"I wanted to make it obvious, Mahal ko."

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon