Oh my God, hinahalikan talaga niya ako! Wala na, sabug-sabog na talaga ang ovaries ko!

Nang tumigil siya sa ginawang paghalik ay mataman lang siyang tumitig sa akin at tipid na ngumiti. Muli niyang ginagap nang mahigpit ang aking kamay na malamig pa yata sa yelo. Wala akong marinig na ibang ingay kundi ang malakas na tibok ng puso ko. "I am never like this to you, Tarah. You're just a self proclaimed girlfriend."

Nanginig ang labi ni Tarah at kuyom ang palad na masamang tumitig sa aming dalawa.

"You're an asshole!"

"Thank you," sarkastiko pang sagot ni Ty. Hindi ko na rin alam kung ano pang reaksyon niya dahil masyado akong distracted sa ginawa niyang paghalik sa akin. Tama yata si Chance, may gusto siya sa akin!

"I hate you!" Nagtatatakbo pa siyang lumayo sa amin kasunod ulit 'yung mga alipores niya.

"I guess the feeling is mutual." Narinig ko na lang na sinabi ni Ty.

Shit, I can't be alone with him! Hindi kakayanin ng puso ko 'to!

"Are you okay?" Baling pa niya sa akin. Pero hindi ko kayang tumingin sa kanya! Nagpahalik ako! Buking na buking na ako!

"O-okay! alis na ako!" Inagaw ko ang aking kamay sa kanya, pero mas sa halip na pawalan ay mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin.

"Jorge!" Oh shit! Si Chance!

"Chance!" tarantang tawag ko pa sa kanya kasabay nang pagluwag din nang hawak ni Tyrone sa aking kamay. Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na kumalas sa hawak niyang iyon bago pa man makalapit si Chance sa amin.

"I've been looking all over for you. Let's go?" Naglahad pa siya ng kamay at taranta naman akong napatitig lang doon.

"Uhmm..." Wala ako sa sariling tumango dahil sa totoo lang ay nanlalamig pa rin ako.

Dumiretso nang tayo si Ty sabay nagpamulsa habang matamang pinagmamasdan kaming dalawa. Para bang may hinuhuli siyang kung ano sa mga kilos namin. Umihip ang hangin at saglit akong natigilan nang liparin ng hangin ang ilang hibla ng kanyang buhok na sadya na yatang magulo, pero parang mas nakakapagpa-gwapo nang husto sa kanya. Tila ba bumagal ang paggalaw ng lahat sa paligid ko at para akong nananaginip nang gising. Kuminang ang suot niyang manipis na kuwintas sa kanyang leeg na mas nakadepina sa ganda ng kutis niya.

"T-tara na," wala pa rin sa sariling kayag ko kay Chance sabay hila sa kamay niyang nakalahad sa akin.

"C'mon." Nakangiting sinulyapan pa niya ang aming magkahawak na kamay at pinandilatan ko naman siya. Kaya ako napagkakamalang malandi, e. "See you around, dude!" paalam niya kay Ty na hindi kumibo, pero kahit na papaano'y tumango naman at malungkot na tumitig sa akin. Ano bang tumatakbo sa isip niya? Ang hirap naman niyang basahin! Nakakainis!

Nang tuluyan na kaming makalayo kay Ty ay tsaka nagtanong si Chance.

"What happened back there? Your hand is so cold." Lakas din makaramdam ng lokong 'to.

"H-hinalikan niya ako..." Kinagat ko ang aking labi at agad na naramdaman ang pag-iinit ng aking pisngi.

"Excuse me?" Noon na siya huminto sa paglalakad at mataman akong tinitigan.

"'Wag mo nga akong tingnan nang ganyan!" Mabilis na lumipad ang aking mga kamay sa aking mukha. Nakakahiya! Bakit ba sinabi ko pa 'yun?! "Pero hindi iyon katulad nang iniisip mo!"

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now