"Impossible talaga ang iniisip mo, Chance."

"Ty is my bestfriend, Jorge. Walang babaeng sineryoso 'yan sa buong buhay niya. Kaya pala iba siya tumingin sa'yo. Parang may something. How could I be so blind?"

"Hindi niya ako gusto kaya malabo ang iniisip mo," pagkontra ko pa rin.

"Bakit Jorge? Do you like me?"

Kinagat ko ang aking labi bago yumuko. Ano nga ba ang sagot? Alam kong gusto ko naman si Chance. May times na pinagnanasahan ko rin siya katulad lang kanina... pero—yes, mas gusto ko si Tyrone. At 'yung pagkagusto ko na 'yun, wala lang din patutunguhan!

"You don't need to answer kung hindi mo kayang sagutin." Napabuntong-hininga lang siya. "But I'll let you find out Tyrone's feelings for you. Let's be cooperative with each other kahit na nasasaktan ako ngayon. Mas mainam na ang mas maaga... At least, magagawa pa kitang pakawalan para kay Ty."

Ano nga bang dapat kong isagot sa kanya? Gan'un niya kamahal si Ty para magparaya siya sa iniisip niyang feelings nito para sa akin? Baliw din 'tong isang 'to! May tama sa ulo!

"Anong mayroon sa inyo ni Kirsten?" Hindi ko na rin napigilan ang magtanong.

"Bakit? Nagseselos ka ba?" nakangiting tanong pa niya.

"Utot mo!" Umirap ako at ngumuso. "Mukha kasing mayroon ding something sa inyong dalawa, e. Kuwento ka naman!" Ewan ko ba, parang hindi man lang ako nasaktan sa sinabi niyang pawawalan niya ako para kay Tyrone. Hindi ba dapat nagwawala ako? Or hindi ko lang ba siya ganoon kagusto?

"Some other time, Jorge. Some other time," iiling-iling na sabi niya. "But for now." Napaigtad na lang ako nang maramdaman ang kamay niya sa balikat ko. "Let's make him jealous." Abot-tainga pa ang ngiti niya! Maloko rin, a.

"Tsansing 'yan, oy!" Tinampal ko ang kamay niya, pero napahalakhak lang siya nang malakas.

"Hayaan mo na, nagpaparaya na nga!" Umismid siya, pero bahagyang lumungkot ang kanyang mga mata. Nakakaguilty tuloy. Pero tama rin naman siya, mas gusto ko si Ty. At kahit hindi pa man siya talaga nanliligaw, feeling ko ay magiging paasa girl lang naman ako sa kanya. Haist... "Gagong 'yun... Haist!" Parang hindi pa rin makapaniwalang sabi niya.

"Bakit mo ginagawa 'to para kay Ty?"

"All this time, palagi na lang siyang nagpaparaya para sa akin. It wasn't the first time na parehas kami nang natipuhang babae. I remember may gustung-gusto siyang girl noon. I didn't know that he has a thing for her because he's not telling us anything. Ang sama, natipuhan ko rin, so, niligawan ko. Nalaman ko lang na nagparaya siya for me kasi 'yung girl din ang nagsabi na akala niya may gusto sa kanya si Ty. And, it wasn't the first time, Jorge. Madaming beses. Ewan ko kung ano ba ang iniisip nang gagong 'yun at palagi na lang siyang gan'un. He always says na wala pa naman sa tipo niya ang magseseryoso sa babae kaya okay lang daw kung sa akin na lang mapunta. Baliw talaga. But you know, I wanted to see him happy too, Jorge. And, the way I see it, mukhang sa'yo siya totoong tinamaan."

"What if mali ka?"

"I am never wrong with my instinct with him. I'll push his buttons... and you'll see."

"Ewan ko sa'yo. Advance ka din masyado mag-isip, e."

"You'll thank me after this. C'mon, I'm starving." Hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa balikat ko kaya sinamaan ko siya nang tingin. "We'll just make him jealous. We don't have to admit anything, okay? Basta chill ka lang."

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now