"Nakalimutan ko ang wallet ko, Kuya. Can I borrow one of your cards?" Inilahad nito ang kamay sa harap ng kapatid habang iginagala rin ang tingin sa mga barkada nito. "Hi there, Chance Daniel," malambing pang tawag niya kay Chance. Huh? Tama ba ako nang nakikita, nagpapa-cute siya kay Chance?

"It's Kuya Chance for you, Kirsten," sagot lang ni Chance na bahagyang nagseryoso ang mukha.

"Never." Nakangiting umiling si Kirsten at muling ibinaling ang tingin kay Ty matapos na ilagay ang card sa kamay niya. "Thanks, Kuya."

"Go," masungit na sabi ni Ty bago magdiretso sa table na nasa tagiliran ko. Shit. Ang bango niya! Amoy shower gel na gustung-gusto ko!

"Can I just join you, Kuya? Treat ko si Ate Jordan."

Oh no, hindi pa nga pala alam ni Chance na napunta na ako kina Ty. 'Wag naman sana madulas pa 'tong si Kirsten!

"Bahala ka," tamad lang na sagot nito.

Agad namang nagsipag-upuan na ang mga barkada ni Ty sa paboritong table nila. Pare-parehas silang nakamata kay Kirsten, pero tila iwas mga magsalita.

"Ate Jordan, dito ka sa tabi ni Kuya!" Patay! Ito na nga ba ang kinakatakot ko!

"N-naku, hindi na! A-ano kasi ang dami kong g-gagawin?" Oh shit, tama ba ang excuse ko?

"Huh?" Mabilis na iginala ni Kirsten ang tingin sa canteen. "Parang wala naman..." Napahagikhik pa siya at umiling-iling. She's right, tanga! Wala nga palang masyadong tao sa canteen! Pero anytime dadami na 'yun dahil nandito na ang mga crushes ng bayan.

"Hindi na. Okay lang ako."

"Aish! Ang kulit!" Gan'un na lang ang gulat ko nang bigla niya akong itulak paupo sa tabi ni Ty!

"At dito naman ako sa tabi ni Chance Daniel." Kinindatan pa niya si Chance na para bang gustong mairita sa kanyang ginawa.

"Kami na lang ang tabi ni Jorge," sabi pa ni Chance sabay sulyap sa akin.

"Oh no, Chance Daniel. Kuya needs time to be with his girl!" Patay!

"Kirsten!" Kunot-noo pang saway ni Ty. Juskoo, Jordan! Ikaw na ang sobrang haba ng buhok!

"What Kuya? Ikaw na nga itong tinutulungan, umaayaw ka pa! Hmp!" Nakairap pang sabi niya at para bang hindi inintindi ang reaksyon ng kapatid.

"What is it you're not telling us, dude?" Si Terrence na kay Ty nakatingin. Puwede na bang lumubog?!

"I don't have anything to tell you," seryosong na sagot niya at matalim pa ring nakatitig kay Kirsten. "You and your mouth needs to leave. Now."

"Mag-merienda pa ako with Chance Daniel. Matagal na kaming hindi nagkikita,e," sabi pa niya at nilingon si Chance na parang any moment ay sasabog na. Ano bang mayroon?

"Your brother told you to leave, Kirsten." Si Chance na naka-kunot pa rin at diretsong nakatingin kay Kirsten.

"I know you don't want me to leave, Chance Daniel," confident na sabi lang niya at wari ay tumawag nang kasamahan kong waitress.

"A-ako na!" Hindi ko na nakuhang tumayo dahil naramdaman ko ang paghigit ng kamay ni Tyrone sa kamay ko.

"Just stay," sabi lang niya.

"K-kasi-"

"Stay," matigas na ulit niya sabay hinila ako para maupo sa tabi niya. Hindi ko na rin nakuhang makapag-react pa habang lahat ng mga mata ay nasa aming dalawa. Nasalubong ko ang titig ni Chance na parang gustong magtanong, pero nag-iwas ako nang tingin.

Matapos lang na makakuha ng orders ay nanatiling nakakabingi ang katahimikan sa paligid namin. Kahit sina Dalton at Vaughn ay ni hindi magawang mag-react at nakamata lang din sa amin.

"We're going to our beach house this weekend. Maybe, you guys want to join?" Si Kirsten na pinasadahan pa nang tingin ang mga nananahimik na barkada ni Ty.

"That sounds fun." Si Dalton na sa wakas ay nakuha na ring magsalita.

"Of course it's fun," nakangiting sagot ni Kirsten sabay malagkit na tumitig kay Chance na sa akin pala nakatingin. Shit!

Gulat na napatingin din sa akin si Kirsten na para bang nagseselos? Parang lumungkot kasi ang mga mata niya.

"Come with us, Chance Daniel, okay?" malambing pang sabi ni Kirsten kay Chance na para bang walang narinig.

"Jordan, can we talk somewhere private?" seryosong baling pa sa akin ni Chance. Tangna! Ano ba 'tong pinasukan ko?!

Napakunot-noo lang sa akin si Kirsten. Parang gustong magtanong. Nakita ko ring binalingan niya nang tingin si Ty pero agad din namang bumalik ang tingin niya sa akin.

"Please..." sumamo pa niya habang ang lahat ay sa akin nakamata at tila naghihintay nang isasagot ko. Oh God, bakit ba nangyayari 'to?

"Sige na, Ate Jordan. Pagbigyan mo na," mapait pang sabi ni Kirsten at agad na binigyan ng space si Chance para makalabas sa kinauupuan niya.

Tumango ako at alanganing ngumiti. Shemay naman, o! Ano kayang pag-uusapan namin?! Bakit ngayon pa?!

"C'mon..." Wala nang pasubaling hinawakan niya ang aking kamay at banayad akong hinila palayo sa mga tao.

********

Hi Angels,

Okay, we change the Group name to FEDEJIKSTERS.  Baka kasi naco-confused yung ibang bangaw at naliligaw sa group na ayaw naman nilang puntahan.  But then, thanks po sa lahat ng nagkaka-interest na sumali sa group.  Maunti man po kami dun, masaya kami kahit pa puro kalandian kami dun.  Walang basagan!  At kung sino ka man na gustong sirain ang samahan namin dun, think twice.  We love each other and I love each of my angels na may sungay.  At kung ano ako dun, yun na ako, wag nyo na ako hanapan at wala akong itinatago sa pagkatao ko.  So, yun!  Salamat po sa suporta sa CBTG.  Sa hindi maka-appreciate sa gawa ko, hindi ko po kayo pinipilit magbasa!  Babush!

Loves,

Ate Dean

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now