Chapter 5.2.2

Magsimula sa umpisa
                                    

"I insist." Kinindatan lang niya ako bago tuluyang lumabas ng locker room sabay kabig sa pinto pasara.

Tyrone

Malayo pa lang ay nakita ko na ang ginawa ni Tarah kay Jordan. Patakbo na sana talaga ako para saklolohan siya, pero naunahan ako ni Chance. Hindi ko nagawang makakilos nang makita kong inaalalayan niya si Jordan tumayo habang umiiyak. Obviously, nasaktan siya dahil agad kong nakita ang bukol niya sa noo. Gusto ko sana siyang lapitan, pero nang makita ko ang paghaplos ni Chance sa kanyang mukha ay nagdalawang-isip ako. May parang kumurot sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Pinilit kong ituon ang atensyon kay Tarah na nagda-drama sa kanila at kunwari ay walang alam. Damn that slut! Alam ko namang ipinagkakalat niyang girlfriend ko siya kaya gan'un na lang din makabakod sa akin. At kahit na hindi ko nakita ang buong pangyayari ay alam kong sinadya niya talaga ang nangyari kay Jordan. Nakita niya kaninang bumaba ng sasakyan ko si Jordan and I saw how jealous she was. She has no right to get jealous because I am not her boyfriend. I will never be.

"What is so fucking wrong with you, Tarah?!" I confronted her right after na makita kong pinasok ni Chance si Jordan sa locker. A part of me doesn't like him being so concerned all of a sudden. I really don't like it.

"I didn't do anything, Tyrone. Kasalanan naman niya at lalampa-lampa siya!"

"Don't you dare mess up with her again, Tarah. Don't!" Napapikit ako nang mariin sa sobrang inis bago diretsang tinitigan siya sa mukha.

"Pero Ty—"

"You're not my girlfriend so,don't act like one." As much as I didn't want to humiliate her, I just can't easily forgive her for hurting Jordan.

Napakagat lang ng labi si Tarah na tila nagpipigil na maiyak.

Agad na rin akong tumalikod sa kanya at ayoko nang makitang umiyak pa siya sa harapan ko.

Hindi pa man nagtatagal ay agad ko na ring namataan sina Chance at Jordan na tila sa kabilang exit dumaan. Where are they going?

"Mukhang tinamaan na talaga si Chance, a." Si Terrence na nakatingin din pala sa dalawa.

"He looks serious, dude. He really likes Jordan." Si Dalton.

"Hmm... I just never thought na sa dinami-dami ng mga babaeng umaaligid sa kanya, canteen girl lang pala ang babagsakan niya. She's really out of his league." Si Vaughn na ngumisi pa. Once an asshole, always an asshole. "Pustahan tayo! In a week, mapapasagot ni Chance si Jorge."

"Two weeks ako." Si Terrence na nakisakay pa sa kagaguhan ni Vaughn.

"Three days." Si Dalton na ngiting-ngiti rin. "Made-devirginize ni Chance 'yan!" Humalakhak pa talaga ang gago! "What about you, Ty? Ilang days ang ipupusta mo?"

"Go to hell!" Iyon lang ang tanging isinagot ko at agad ko na rin silang tinalikuran. Wala na akong inaksayang panahon at tuluyan nang sumakay sa kotse.

"Fuck, Ty!" sigaw pa ni Dalton. "What's wrong with you, man?!"

I am so pissed right now...

I am so fucking pissed!

Jordan

Hinatid ako ni Chance sa condo unit ni Insan. For sure mapa-praning 'yun kapag nakita niya ang bukol ko sa noo. 'Wag naman sana niya awayin pa sina Tarah. Ang taray pa naman n'un. Paniguradong hinding-hindi rin niya uurungan ang mga haliparot na 'yun!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon