"Sasabay ka ba sa akin sa school?" Huh? Tama ba ako nang narinig? Nago-offer siya ngayon?

"Anong nakain mo?" Fine! Hindi ko na rin napigilan magtanong! E, hello naman, ang sungit kaya niya.

"Don't let me change my mind, Jordan." Ayan na naman siya sa pananakot niya!

"Sasabay na! Sayang pamasahe!" Ngumuso ako at pinaningkitan siya ng mga mata kong sadyang medyo bilugan.

"As expected from you, Jordan." Umismid siya at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

After namin kumain ng breakfast ay agad na rin kaming nagdiretso sa school ni Ty. Sobrang distracting ng shower fresh scent ni Ty. Nakakawala nang ulirat! Kulang na lang ay talunin ko siya at pagsamantalahan ko ang kabanguhan niya. Pervert mode na naman ako! Ni wala pa akong karanasan sa ganoong mga bagay pero mukhang bibigay nga ang sistema ko kapag nagkataon.

Agad na rin naman kaming naghiwalay nang landas ni Ty dahil papunta siya sa classroom at ako naman sa canteen. Hindi ko alam kung papaano ko kinakaya ang trabaho sa umaga't gabi. Siguro nga, kinakaya ko dahil sa matinding determinasyon ko. Sana nga tagalan ko 'to hanggang sa huli. Sana nga.

Kumpara sa bar, mas magaan naman talaga ang trabaho rito sa canteen. Wala kasing amoy alak at sigarilyo na nakakadagdag stress sa trabaho ko. Minsan kong sinubukang manigarilyo, pero hindi ko talaga kaya. Sa isang banda ay mainam na rin 'yun at magiging bawas pa sa pag-iipon ko ang bisyo. Ang mahirap dito sa canteen ay 'yung halos sabay-sabay sila magdatingan. At nakakastress din ang mga bratinellang estudyante! Sa sobrang aarte, ang sarap lang ipukpok sa kanto ng mesa!

Halos maghapon ang duty ko rito sa canteen. Hindi naman sa lahat ng oras ay abala kaya kahit paano nakakarelax din kapag walang estudyante. Pero kapag nga naman minamalas, mukhang masisira ang araw ko dahil nasalubong ko ang matatalim na titig ni Tarah. Remember the slut na lumalandi kay Ty? I don't know why she hated me. Palagi na siyang nakairap sa akin lately, e.

"Hey, bitch!" See? Sinadya kong lumingon sa aking likuran. Ayokong mag-assume na ako talaga, pero pagbaling ko sa kanya ay sa akin talaga siya nakatingin.

"Hello to you too," sarcastic na sagot ko lang. Halos wala pang estudyante sa oras na 'yun at patay na oras din kasi. Pero ang alam ko, eto rin 'yung oras nila Ty na pupunta sa canteen.

"Stay away from Tyrone!" galit pang aniya at kulang na lang ay umusok ang kanyang ilong sa galit.

Napailing lang ako sa kanyang sinabi at sarcastic ulit na ngumiti. Inilagay ko ang aking mga kamay sa bulsa ng apron na suot ko at matamang tumitig sa mukha niyang nangangapal sa make-up.

"Ang kapal ng mukha mo at sumabay pa sa kanya! Eventually magsasawa rin siya sa'yo! 'Wag kang ambisyosa na magugustuhan ka ng isang Tyrone Greene. Ang taas ng pangarap mo, girl!" Nilingon pa niya 'yung mga alipores niyang nakaupo sa may likuran at panay lang din ang ismiran sa akin.

"Para sa info mo, miss. Kaibigan ng pinsan ko si Ty. Pangalawa, hindi ako nag-aambisyon na magustuhan ni Ty. At pangatlo, wala kang pakialam sa buhay ko. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat na palagi mong itanim sa kukote mo!" mataray ko ring sabi. Hindi ako papaapi! Feeling niya, huh?! Pero 'di kaya mawalan ako ng trabaho kapag 'di ako lumubay? Bahala na nga!

"Wow! Ang tapang, a." Nangingiti pa siyang bumaling sa kanyang mga alipores na noo'y iiling-iling lang ding tumitig sa akin. "Okay then, don't tell me I didn't warn you."

"Yeah, right..." Naibulong ko na lang din sa aking sarili. Ano bang puwede nilang magawa sa akin? Hmmm, kapag nagkataon mukhang first time kong mabu-bully sa school na 'to, a.

"Ikaw ang magdala ng orders namin ditto, huh. Or else, irereklamo kita sa Boss mo." Nanakot pa talaga!

"No problem, ma'am." Pinilit kong ngumiti kahit na hilaw ang dating. Kinuha ko ang kanilang mga orders na naigayak na noong kasamahan kong waitress na kumuha ng mga orders nila kanina lang. Customer is always right. Yeah, pagkumbinsi ko sa sarili ko 'yan para 'di ko na patulan pa ang Tarah na 'yun.

At ang mga haliparot, panay ang tawanan habang nakatitig sa akin. May nakakatawa ba?! Sarap buhusan ng kumukulong tubig ang mga mukha!

At kahit pa labag sa loob ko ang pagdadala ng mga orders nila ay sinunod ko na lang din para walang gulo. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kinalalagyan nila ay may kung sino na lang ang biglang pumatid sa akin at natapon lahat ng mga hawak ko! Ang masama pa d'un, tumama ang mukha ko sa semento! Tangna!

Malakas silang nagtawanan habang nakatitig sa akin. Gusto kong maiyak, pero pinigilan ko. Iilan man silang nandoroon ay may mga naka-witness pa rin sa nangyari. Nilingon ko ang babaeng namatid sa akin, at hindi na nakakagulat na si Tarah pala iyon. Hindi ko naman kasi nakita na wala na pala siya sa grupo na 'yun! Sarap pumatay!

"You're such a loser," sarcastic pang sabi niya sabay ibinuhos pa 'yung juice niya sa likuran ko! Argh! Sobra na 'to!

"What the fuck are you doing?!" Pare-parehas lang kaming napaigtad sa pinanggalingan ng boses.

Si Chance...

Naramdaman ko na lang ang malakas na braso niyang humila sa akin patayo.

"Are you okay?" alalang tanong pa niya sabay haplos sa aking mukha. Kusa na lang akong napatango kasabay ang luhang hindi ko mapigilang maglandas mula sa aking mga mata. Matapang naman ako, e. Pero hindi ko naiwasang maawa sa sarili ko. Dahil lang wala akong sinabing tao, nabibigyan na ba nang karapatan ang mas nakakahigit sa katayuan ko na apihin ako?

Nang mapaangat ako nang tingin sa likuran ni Chance ay nasalubong ko ang madilim na mukha ni Tyrone. Akala ko pa naman siya ang magtatanggol sa akin.

"We don't have anything to do about it, Chance. It was just an accident." Si Tarah na all of a sudden ay parang maamong tupa ang mukha.

"I saw everything, Tarah. You can't lie to me," matigas na sabi lang ni Chance sabay hapit sa baywang ko palayo roon sa mga haliparot na mga babaeng 'yun.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now