Anong ginagawa niya dito!?

[Kakatok na ako.] Aniya dahilan para mataranta ako.

Magsasalita palang sana ako para pigilan siya nang bigla niyang binaba yung tawag. Agad naman akong nag-ayos ng sarili't naligo.

Nakakabigla naman siya! Kagigising ko palang kaya.

Saktong bakante yung bathroom dito sa second floor kaya nagkandarapa-dapa na akong nagtungo rito.

"Christelle! May bisita ka!" Narinig kong tawag sa akin ni Mama kaya lalo akong nagmadali. Nakakahiyang magpahintay!

Hindi ko alam kung maiinis ba ako dito kay Denver o ano eh. Kahapon hindi ako pinapansin tapos ngayon naman, nandito bigla sa bahay.

Sayang lang tuloy pagdadrama ko kahapon.

Nang matapos na mag-ayos ng sarili, bumaba na ako. Naabutan ko sa sala si Denver na nakangiting nakikipag-usap kila mama at Nanang Perlita.

"So, you're courting my daughter?" Naabutan kong tanong ni mama sa kaniya kaya agad namang nanlaki yung mga mata ko.

"Ma! Anong klaseng tanong 'yan? Hindi—"

"Yes po, tita," pinutol ni Denver yung mga sinasabi ko. Biglang natikom yung bibig ko nang marinig yung sagot niya.

"Manliligaw ka ni liit!?" Gulat akong napatingin kay ate nang bigla itong sumigaw. Kagagaling niya lang sa kusina't may kagat-kagat pang tinapay.

"Opo," maikli ngunit nakangiting sagot ni Denver.

"Wow! Dalaga ka na huh?" Pang-aasar ng kabababa lang na si kuya.

"Kaya pala naligo muna bago bumaba. Nandito pala kasi yung manliligaw," dugtong pa ni ate.

Sabay-sabay akong inasar ng pamilya ko samantalang patawa-tawa lang si Denver. Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdamang uminit ito.

Am I blushing?

"W-wait," natigil sila nang magsalita ako.

"Hindi ako aware na nanliligaw ka pala," awkward kong saad kay Denver bago salubungin yung mga tingin niya.

"Then now, you're aware," kaswal niyang sagot nang magtama yung tingin namin.

Agad akong napahawak sa tiyan ko nang maramdamang tila may mga paru-parong lumilipad dito. Hindi ko alam kung gutom lang ba ako o kinikilig.

"Hay naku! Dalaga na yung baby ko. May manliligaw na. O siya! Mag-almusal muna kayo bago mag-date. Baka magutom kayo sa biyahe," natutuwang sambit ni mama bago kami sinamahan patungong dining area para kumain.

Nang makaupo sa hapag, agad na pinaulanan si Denver ng mga tanong galing sa pamilya ko.

"Kailan mo nagustuhan anak ko?" Nakangiting tanong ni mama.

"Since childhood po," sagot naman ni Denver.

"Really? So you two already met when you were young? When? How?" Tanong ulit ni mama sa kaniya.

Ngumiti naman dito si Denver. Halatang nag-aantay si mama ng sagot pero ngumunguya pa 'tong isa.

"He's Andy, mama. My childhood bestfriend," I answered on his behalf. Napatigil naman si mama't tinitigan ito.

"Oh, I see," tanging sagot niya at kumain nalang ulit. Hindi na nagtanong muli si mama.

Nanatiling maingay yung buong hapag dahil kay Ate Tine. Buti nga natigil na sila kakatanong kay Denver eh.

"Ang unfair ng mundo. Bakit si Christelle may manliligaw na? Ako tuloy na ate, wala pa," reklamo niya muli bago sumubo ng pandesal.

"Maybe you'll have one if you stop dumping boys at your age everytime someone—" natigil sa pagsasalita si kuya nang bigla siyang sinalpakan ni ate ng tinapay sa bibig. Nagtawanan tuloy kami dahil doon.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami natapos kumain. Nagpaalam na kami ni Denver na aalis na kami.

"Ingat kayo ha," ani mama at hinatid pa kami hanggang sa gate.

"Opo ma," sabi ko sa kaniya. Kumaway naman si Denver kila mama at nagpaalam bago ako inalalayang pumasok sa sasakyan niya.

"Kotse mo?" I asked nang makapasok siya sa loob.

"Kay Dad 'to, old car niya. He'll give me my own car after graduating senior high," sagot niya at nag-umpisa nang mag-maneho.

Wow, sana all may kotse na pagpasok ng college.

Sabagay, ganoon din sila Sam. Mayroon na ring sasakyan. Sana all talaga.

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"At our special place," maikli niyang sagot sa akin habang nakatuon yung atensyon sa kalsada.

Special place? Ano 'yun? Mayroon kami nun?

"Anong place 'yun?" Tanong ko ulit pero ngumiti lang siya.

"You'll know later."

***
<3




A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon