Chapter 48

28 32 10
                                    

C H R I S T E L L E

"Hi, mind if I join your conversation?"

Napatigil sa pagsasalita si Denver nang biglang may tumabi sa kaniya, it was Ynna.

"So what are you guys talking about?" She asked. Alam kong may idea na siya sa kung ano iyon pero she chose to be ignorant to piss me off.

Seeing them together made me feel uneasy again. Mabilisan kong inubos yung latte na binili ni Denver sa akin bago tumayo't nagpaalam umalis.

"Huh? You're going? Kararating ko palang eh," she said and then pouted. Nakita ko namang bumuntonghininga si Denver at hindi na umimik pa.

"Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko," sabi ko nalang kay Ynna at naglakad na palayo bago niya pa ako pigilan ulit. Hindi na ako lumingon pa muli sa kanila.

"Ah!"

I squealed when I suddenly bumped into someone. Natapon pa sa akin yung hawak niyang kape, mabuti nalang at iced coffee iyon.

Kung kailan malapit na ako sa entrance, saka pa magkakaroon ng aberya. Malas!

"Sh*t sorry."

My face immediately burned when I heard his voice.

"Ahh, this will leave stains on your blouse," ani Brylle habang kumukuha ng tissue sa counter. Siya pala yung nakabanggaan ko. Napatingin ako sa damit ko, hindi naman marami yung natapon pero mapapansin agad na madumi. Malapit kasi sa dibdib ko yung natapunan kaya kitang-kita agad yung mantsa.

Hindi ako nakagalaw nang bigla niyang punasan yung damit ko gamit tissue. Para akong natuod habang pinapanood siyang punasan ako. Wala pang ilang segundo ang lumipas nang bigla siyang napahinto, his face turned red and awkwardly handed me the tissue.

"Sorry," halos pabulong niyang saad. Tinanggal niya yung suot niyang jacket at sinuot iyon sa akin, para siguro matakpan yung dumi. Bumalik siya ng counter at mukhang may in-order ulit. I just shrugged my shoulders and then went out the shop.

Masiyadong maraming nangyayari ngayon.

Tahimik kong binabagtas ngayon yung daan pabalik sa kung saan ako nanggaling kanina. Gabi na pala? Hindi ko iyon napansin kanina. Masiyadong pre-occupied isip ko kanina, akala ko hapon palang.

Nasa gate na ako ng Ivy International nang mapagtanto kong suot-suot ko pa rin pala yung jacket ni Brylle. Bakit ko ba ito tinanggap kanina?!

I took it off and stared at it. My eyes widened when I realized that this jacket was the one he let me borrow noong nakaupo ako ng red paint sa classroom dahil sa pantitrip ng mga kaklase ko.

So... Siya nga talaga si Andy.

Napatingin ako bigla sa mantsang nasa damit ko, sinubukan ko itong kusutin pero hindi talaga mawalan. Ang tindi naman kumapit ng kapeng ito.

Sinuot ko nalang ulit yung jacket ni Brylle at pumasok na sa loob, hindi muna ako umalis sa harap ng gate kasi baka dumaan sila rito’t magkasalisihan pa kami. Sana hindi nila ako iniwan lalo na't marami na rin yung nagsisiuwian.

Kinuha ko yung phone ko para tawagan si Hannah. Pag-dial ko ng number niya, biglang namatay yung phone ko. Bakit ba minamalas ako ngayon?!

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon