Chapter 24

86 45 11
                                    

C H R I S T E L L E

"Friends?" Brylle asked while extending his arm.

My eyes met his gaze. I don't know why but I feel like my surroundings is sparkling.

Weird.

Magsasalita palang sana ako nang biglang dumating si Denver sa tabi nina Brent. Bigla akong kinilabutan nang maramdamang nakatingin siya sa akin.

Biglang naglaho na parang bula yung kakaibang nararamdaman ko kanina sa harap ni Brylle. Denver's stares woke me up to my senses.

"Christelle?" Pagtawag ulit sa akin ni Brylle. Huminga muna ako nang maluwag bago alanganing ngumiti sa kaniya.

Siguro, ito muna yung tamang desisyon para sa sitwasyon na ito. Bahala na nga.

"I appreciate your offer Brylle— a lot, pero hindi ko alam kung ayos lang na maging magkaibigan tayo," I slightly rejected him.

"What do you mean?" He asked. Confusion is now evident all over his face.

Instead of answering him, I just gave him a smile. A genuine one.

"Ah, okay," aniya at ngumiti pabalik sa akin. Mukhang na-gets niya na kung bakit ayoko muna makipag-kaibigan sa kaniya.

Pakiramdam ko kasi, lalala yung mga simpleng pambubulas sa akin nina Annie. Baka pati mga kaibigan niya, manguna na rin sa pambu-bully sa akin kapag nagkataon.

Being friends with Brent and Sam palang, hindi na ako tinatantanan nina Annie. Paano pa kaya kung pati si Brylle? As far as I know, may gusto sa kaniya si Annie.

"Let's be friends after I make all the things right," Brylle said before walking away.

Agad na nagsalubong yung kilay ko dahil sa isinaad niya. Anong ibig niyang sabihin? Anong aayusin niya?

Napatingin naman ako kay Denver na sumabay din sa pag-alis ng mga nagkukumpulang tao kanina. Naalala ko nanaman yung text message niya kanina.

Saan kaya siya nagseselos? Anong gusto niyang ipahiwatig? Gusto niya ba ako? Ang hirap mag-assume. Bahala na nga!

"Hoy! Bakit mo ni-reject?" Napangiwi ako sa sakit nang hampasin bigla ni Hannah yung braso ko.

"Ouch!" Reklamo niya nang hampasin ko siya pabalik. Ayan, quits na kami.

Napatingin ako sa paligid ko para hanapin si Denver pero iba yung napansin ko.

Yung mga taong nanonood sa amin ni Brylle kanina, mayroon na ulit kaniya-kaniyang mga mundo. Wala ni-isa akong narinig na bulungan tungkol sa nangyari. Siguro kung nasa school kami nito, issue nanaman 'to.

"Nagugutom na ako," napatingin kaming magkakaibigan kay Allyza nang magreklamo itong nagugutom.

"May food stall ba dito?" Tanong ko naman sa kanila.

"Let's ask Sam," sabi ni Hannah at naglakad patungo kina Sam na busy na ngayon maglaro ng baril-barilan kasama si Brylle.

Sumunod naman kaming magkakaibigan sa kaniya. Hinanap ko kung nasaan si Brent kasi bigla rin siyang nawala matapos ng nangyari sa amin ni Brylle kanina. Nasaan kaya 'yung lalaking iyon?

"Sure kang walang puwedeng makainan dito?" I heard Hannah exclaimed kaya nasa kanila na ni Sam yung atensyon ko ngayon.

"Hindi ko sure," natatawang sagot ni Sam habang nakatutok lang yung mata sa screen ng nilalaro nila.

A Hiccup Of Tea (✔)Where stories live. Discover now