Chapter 30

64 39 10
                                    

C H R I S T E L L E

Sabado ngayon at as usual, nandito lang ako sa loob ng bahay, nakatunganga.

Kagigising ko palang at para akong kinidlatan nang may maalala bigla.

Dali-dali kong kinuha yung phone ko at binasa yung huling SMS ko.

To: Andy
You are clearly ignoring me. Why? Nag-confess ka sa akin kahapon para saan? Paasahin ako?

"Tanga!" Halos sabunutan ko na yung sarili ko habang paulit-ulit na binabasa yung text message ko kay Andy kahapon. Tuluyan nang nagising yung diwa ko.

Masiyado akong nagpadala sa sariling emosyon! Bakit ngayong umaga lang ako natauhan?

Binasa ko ulit yung text message. Halos tuktukan ko na sarili ko nang mapagtantong walang sense yung sinend ko. Mukha akong clingy-slash-desperadang girlfriend. Nakakainis!

Bakit ba kasi walang unsend feature sa mga SMS?

"Liit! Ang ingay mo. Nagrereview ako," napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas yung pinto ng kuwarto ko't iniluwa si ate.

"Anong nangyari sayo? Ang aga pa ate pero mukha ka nang zombie," saad ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako bago umalis. Hindi pa siguro natulog 'yun kaya ganoon.

Muli kong tinitigan yung cellphone ko. Nakaka-tanga talaga 'tong message ko—

Wait nga.

Pinindot ko yung pangalang napag-sendan ko ng huling message ko na iyon. I checked the contact details which made my eyes open wide.

"Yes!" Halos magtatalon ako sa tuwa nang mapagtantong yung dating number pala ni Denver yung nasendan ko. Yung nawalang sim daw!

Para akong nabunutan ng malaking tinik dahil doon.

Akmang matutulog na sana ako ulit dahil balak kong magising pa mamayang hapon nang biglang umilaw at nag-vibrate yung phone ko.

From: Denver/Andy (2)
Let's meet.

Kumunot naman yung noo ko dahil doon. Matapos niya akong hindi pansinin, biglang makikipagkita?

Replyan ko ba? Bahala na.

To: Denver/Andy (2)
Sure. When?

Ilalapag ko palang sana sa kama yung phone ko nang bigla itong nag-ring. Dali-dali ko namang sinagot yung tawag na iyon.

"H-hello?" Nauutal kong sambit matapos sagutin yung tawag.

[Kumusta?]

Biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko nang marinig yung boses ni Denver sa kabilang linya. Ang aga-aga, kinikilig agad ako. Delikado na 'to.

"Ayos lang, ikaw?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

[I'm also fine. Are you busy?] He asked again. Napaisip ako kung may gagawin ba ako ngayong araw.

Wala namang mga utos sina ate, 'di ba?

"Hindi naman," maikling sagot ko sa tanong niya.

[Great. Let's meet today.]

"Ha? Ngayon? Anong oras?" Medyo nagpa-panic na tanong ko sa kaniya.

[Ngayon na. Silip ka sa bintana mo.]

Dahan-dahan namang akong sumilip sa bintana mula sa kuwarto namin. Agad akong napaupo nang makita si Denver sa labas, nakatayo't nakatingin sa direksyon ko.

A Hiccup Of Tea (✔)Where stories live. Discover now