"Bye guys!" Paalam nina Misty at Fritzy sa amin pagdating namin sa parking lot. Babalik na kasi sila sa bus nila.

"Final na talaga Brylle? Gusto ko pang gumala!" Reklamo muli ni Brent bago buksan yung sasakyan ni Brylle. Hindi siya pinansin ng isa.

"Bakit bad mood?" Tanong ni Hannah kay Sam pero nagkibit-balikat lang yung isa sabay tumingin sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya pero ngumiti lamang siya't pumasok na sa loob ng sasakyan.

Hindi malayo yung biyahe namin kasi halos katabi lang naman ng Intramuros yung Rizal Park. Akala ko magiging awkward kami sa loob ng sasakyan dahil kay Brylle pero mali pala ako.

Buong biyahe namin, parang batang ngumangawa si Brent kasi hindi raw siya pinagbigyan ni Brylle. Nanahimik lang nung sinabi ni Sam na bibilhan daw siya ni Brylle ng sapatos na nakita nila sa mall noong nakaraan.

"Kapag talaga hindi mo ako binilhan kano, sinasabi ko sayo! Ibubuking talaga kita kay—"

"Oo na, shut up na," medyo naiiritang sambit ni Brylle. Ngiting tagumpay namang umayos nang upo si Brent.

"Come to Papa my Jordan," aniya bago humagikhik ng tawa. Natawa rin tuloy sina Hannah.

"Ano ka, bata?" Tanong ni Allyza nito.

"Oo, baby mo," preskong saad naman ni Brent dahilan para hampasin siya ni Allyza.

"Wooh! Smooth," pang-aasar ni Hannah. Promotor talaga 'tong pinsan ko lagi ng asaran.

"Bagay, bagay!" Paggatong naman ni Sam. Hindi talaga maipagkakailang mag-bestfriend itong dalawang 'to. Lakas mang-asar eh.

Nang maka-park na si Brylle ng sasakyan niya, nagsibabaan na kami.

"Uhm, guys? Our adviser just texted me," ani Allyza matapos niyang kunin yung atensyon namin.

"Buddy system daw tayo pagpasok ng exhibit," aniya dahilan para tumingin na ako agad sa pinsan ko.

"By pair pagpasok?" Tanong ni Brent kay Allyza. Tumango naman ito bilang sagot.

"Why?" Brylle asked.

"I guess, to prevent us being lost inside the convention. Malaki kasi yung na-set nila eh. Ayaw nila ng by group na pagpasok to prevent any chaos or what," pagpapaliwanag sa amin ni Allyza. May point.

"Kahit hindi magkaka-section, puwede?" Sam asked. Tumango nanaman ulit si Allyza bilang sagot.

"Okay, kami ni Christ—"

"Partner tayo Hannah," naputol yung sasabihin ni Hannah nang sumingit si Sam sa kaniya.

"What? Ayoko," pagmamatigas ng pinsan ko pero pinandilatan lang siya ng isa.

"Ah, oo. Oo nga pala. Sorry Telle hehe, kami nalang pala ni Sam yung magka-partner," nagpipigil ng tawa na sambit ni Hannah sa akin.

"Are you guys up to something?" I asked them suspiciously. Sabay naman silang umiling bilang sagot.

"Brent let's be partne—"

A Hiccup Of Tea (✔)On viuen les histories. Descobreix ara