Nasanay na ako, nasanay sa ganito
Nasanay na lagi kang nasa tabi ko
Nasanay na sa bawat oras na kausap ka
Sa bawat sandali na ika'y nakasama
Naaalala mo pa kung gaano tayo kaclose sa isa't isa?
Oras ay di na namamalayan kapag magkausap tayong dalawa
Ang dami nating kwento sa isa't isa
Minsan pa kahit walang sense pero sobrang saya
Unti unti kong minumulat ang aking mga mata
Unti unting sinasanay ang sarili ng wala ka
Tinanggap na lahat ay panandaliang lang
At ikaw ay pilit na inaalis sa puso't isipan
Naglatay sa aking puso ang sakit
Sa tuwing ikaw ay iniiwasan ng pilit
Buong katawan ay nakakaramdam ng lungkot
Kapag sa mensahe ko'y hindi ka na sumasagot
Naaalala mo pa kapag sa gawi mo'y napapadaan?
Mga oras na yun, palihim kitang pinagmamasadan
Nais kitang tignan sa iyong mga mata
Katotohanan ay nais kong makita
Pero ang hirap, pagtiis ay hindi sapat
Pagiwas, paglayo, ginawa ko ang lahat
Sinunod kung ano ang sinabi mo
Mahirap pero dumistansya mula sayo
At ngayon, nasanay na ako
Nasanay na sa desisyun mo
Nasanay na ako na wala ka sa tabi ko
Nasanay na ako sapagbabagong ito
YOU ARE READING
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...