TAYO PA NGA BA?

2.8K 16 0
                                    

Tayo pa nga ba?
Apat na mga salita na may halong pagtataka
Isa sa aking katanungan
Na hinahanapan ng kasagutan

Tila sa pagkakataong ito
Ay hindi na talaga ako sigurado
Gulong gulo ang isip at puso ko
Kung meron pa ba talagang tayo

Hindi ka na nagpaparamdam
Mga ginagawa mo'y hindi mo na pinapaalam
Ako ay sadyang nagaalala
Kung kamusta ka na

Hindi ka na katulad ng dati
Unti unting lumalayo sa aking tabi
Tila ikaw ay nagbago na nga
Hindi na kita makilala pa

Bakit kailangan mong iparamdam sakin to?
May kinakapitan pa nga ba ako?
O tila isa ka naring bula
Na posibleng maglaho bigla?

Sana'y bigyang linaw
Ang aking katanungan
Sana'y muli kong matanaw
Ang ating pagmamahalan

Tayo pa nga ba? O hindi na?
Ako'y mahal mo pa ba?
Isasantabi ko ang takot
Sa iyong magiging sagot

Kung talagang hindi na
At kung pagmamahal mo'y tuluyang nawala
Siguro nga wala na akong magagawa
Kundi ang palayain ka

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now