TAGU-TAGUAN

8K 42 2
                                    


Isa, dalawa, tatlo
Ako'y tuluyan ng naguluhan
Pero pilit paring itatago
Ang tunay na nararamdaman

Kahit ang bawat araw ay tukso
Na pinipilit akong mapalapit sayo
Kahit nais ng kumawala ng aking nararamdaman
Na tanging ako lang ang nakakaalam

Apat, lima, anim
Sa pagsapit ng dilim
Ako ay manghihinayang
Sa bawat pagkakataong nasayang

Dahil sa aking kaduwagan
Na baka ako ay ipagtabuyan
Kapag iyong nalaman
Ang tinatagong katotohanan

Pito, walo, siyam
Sana wala ka pang alam
Sana'y hindi mo pa nahahalata
Dahil hindi pa ako handa

Sa posibleng kahahantungan
Pagkatapos kong aminin
Baka tuluyan na akong layuan
At hindi mo na pansinin

Sampu, umabot na ang bilang dito
At akin na ring napagtanto
Na baka ito na ang tamang oras
Para tuluyan na itong ilabas

Buong tapang sasabihin sayo
Ang tunay na nararamdaman ko
At ang kaligayahang hatid mo
Sa puso kong ito

Ang takot ay aking babalewalain
Kakalimutan ang pagaalinlangan
Handa ko ng tatanggapin
Kahit ako'y baka hanggang kaibigan lang

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now