SA PAREHONG ARAW NA ITO

5.1K 8 0
                                    


Naaalala mo pa ba yung mga panahong ito?
Noong nakaraang taon, sa parehong araw na ito
Mga luha sa mata ko'y walang tigil ang pagtulo
Dahil sinabi mo na hindi na ako ang mahal mo

Tandang tanda ko pa
Kung paano ako sayo'y nagmakaawa
Kung paano kita pinilit na manatili
Kung paano natabunan ng sakit ang mga ngiti

Naaalala ko pa kung gaano ako katakot na mawala ka
Kung gaano ko hiniling na kumapit ka pa
Kung paano ko pinilit na magbago
Pinilit kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko

Takot na takot akong mawala ka sa aking tabi
Tanging pangalan mo ang binibigkas ng aking labi
Dinadalangin nangg buong puso na ikaw ay manatili
Kahit alam kong nasasaktan na ang sarili

Ngayon sa panibagong taon,
Sa parehong araw noon
Akin ng tuluyang napatunayan
Na hindi ka pala talaga kawalan

Na ang takot ko noon ay hindi magtatagal
Mawawala din ang aking pagmamahal
Matatanggap din ng aking puso
Ang tuluyan mong paglisan

Ngayon masaya ka na
At ganoon din ang aking nadarama
Ang alaala ng nakaraan
Ay tanging magiging alaala nalang

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now