Tula Para Sayo

12.8K 127 12
                                    

Ang tagal tagal na
At hindi ko na maalala pa
Kung kelan ko sinabi na mahal kita
Na hindi man lang nahihiya

Hindi ko na matandaan
Kung kelan kita huling nahagkan
Kung kelan huling naramdaman ang mga yakap mo
Kasabay ng pagdama sa tibok ng puso mo

Hindi ko na maalala
Kung kelan nagtapat ng mga problema
Kung kelan huling nanghingi ng payo
At nakinig sa mga ito

Hindi ko na matandaan
Panahon ka'y bilis na nagdaan
Pagsasama'y nalamatan
At tiwala'y nabawasan

Madalas tayong magaway
Dahil sa aking pagiging pasaway
Minsa'y di ka na pinapansin
At ayaw ng kausapin

Nakakalungkot dahil lahat ay nagbago
Pagkakaintindiha'y naging malabo
Lahat ay nagbago kasabay ng paglaki ko
At ito'y minsa'y pinili ko

Oo. Kasalanan ko, kasalanan ko
Kung bakit tayo naging ganito
Ang paglayo ng loob ko mula sayo
Ay ang pagkakamaling pinagsisihan ko

Patawarin niyo sana ako
At mga maling nagawa ko
Ang dami kong pagkukulang sayo
Sana'y hindi pa huli para itama ito

Mahal na mahal kita
Hindi ko man ito maipadama
Hindi mo man ito nakikita
Ngunit sa puso ko ika'y nagiisa

Pagibig na tunay at totoo
Sa mundo'y walang papantay sayo
Sa buhay kong ito
Ikaw parin ang hahanaphanapin ko

Ikaw sa amin ay biyaya
Isang mabuti at mapagmahal na ina
Sa yakap mo ay langit ang buhay
Pagibig mo sami'y nagbibigay kulay

Salamat sa lahat aking ina
Sa pagmamahal at pagaaruga
Sa pagtataguyod at pagkalinga
At Sa pagiging mapagpasensya

Sa tabi ko'y lagi kang nanjan
Kapag may problema'y ikaw ang takbuhan
Sa aking kalungkutan
Ikaw ang aking naging sandigan

Kaya ngayon ay araw mo
Nais kong sabihin sayo ito
Ako ay masayang masaya dahil sayo
Lalong lalo na dahil sa pagmamahal mo

Ito ang unang tulang alay sayo
Nararamdama'y sinulat ko dito
Sana'y ito'y magustuhan mo
Salamat, patawad at mahal kita mama ko

Spoken Poetry (Tagalog)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant