|| Chapter Sixteen - The Right Decision ||

Depuis le début
                                    

I really have to find a way... I am Ate's only hope... For her to have the happy ending she deserves... I love Ate, I won't let her get hurt... I have to tell her the truth, its the right decision... Even though I might be the one who will get hurt...

Sophia's POV

"Do you think Macy's okay?" Sabi ni Eman, habang kumakain kami ngayon sa isang restaurant. Kahit na dapat ay magenjoy kami ng magkasama, hindi namin maiwasang alalahanin si Macy, lalo na si Liza. Balita namin, hindi pinapayagan ng mga magulang nila na makipagcommunicate si Liza sa kahit sino, kawawang bata.

"Hindi ko alam, pero sana oo..." sabi ko pero napansin kong nakatitig lang siya sakin.

"Umm. B-bakit ka n-nakatingin sakin?" Dahil sa sinabi ko, ngumiti lang siya.

"I can't believe that the girl that I've been waiting for... for centuries... Is right here, in front of me..." sabi niya, kaya napangiti ako.

"I guess, it's happy ending for us..." sabi ko at hinawakan niya naman ang dalawang kamay ko at hinalikan yun.

"I love you, Sophia" sabi ni Eman.

"I Love you too..."

"Awww... how sweet!" May narinig akong boses ng babaeng maarte sa tabi namin ni Eman, napalingon kami pareho sa kanya.

"Umm excuse me, sino ka?" Pagakatanong ko nun sa maarteng babae, tumawa lang siya.

"What are you doing here?!" Gulat na tanong ni Eman. Anong ibig sabihin nito?!

"Kilala mo siya?" Tanong ko kay Eman pero tinignan lang niya ako at hindi nakaimik.

"Hi Sophia, I'm Marie Cecillia... You might remember me... Because I remember you. And how you took Emmanuel from me... Or specifically Manuel from me..." sabi ni Marie na ikinagulat ko.

Flashback (wala tong scene na to sa AILYFTP)

Nandito kami ni Manuel sa labas ng mansion, nagpapahangin lang...

"Ginoong Manuel, kung sakaling wala ako dito... M-meron bang... sabihin nating parang kapalit ko?"

"Ika'y walang kapalit dahil nagiisa ka lamang sa aking puso, Binibining Sophia..." sabi ni Manuel, na sobrang nagpatibok ng puso ko...

"A-ano ba yan! Sagutin mo nalang..."

"Si Binibining Marilyn Cecillia, ang dapat ipapakasal sa akin, kung hindi nalaman ng aking mga magulang ang aking pagtingin sa babaeng nakabunggo ko sa palengke" pagkasabi niya noon ay nakaramdam nanaman ako ng mga paru-paro sa aking sikmura, naks butterflies in my stomach ang peg! Hahahaha!

At ngayon, nakatingin nalang kami sa mga mata ng isa't isa habang pinakinggan ang tugtog ng katahimikan ng aming paligid... at ang mga tibok ng mga puso namin na isinisigaw lamang ang pangalan ng isa't isa.

<<<<time skip>>>>

Nandito ako sa hardin habang kasalukayang may party na ginaganap sa loob ng aming mansyon. Ayoko munang makihalubilo dun, andaming strangerss, ang sakit sa bangs!

"Binibining Sophia, ikaw ba ay maari kong kausapin" narinig ko sabi ng isang babaeng maganda, at mahinhin ang itsura... Take note, ang itsura.

"Oo naman pero... Pwede ko ba munang malaman kung sino ka?" Sabi ko at may pa fake smile, kasi baka kung sino tong babaeng to eh, feeling ko may binabalak tong masama eh... Feeling lang naman, sabi nga nila... Don't judge... Kaya paNice muna ako.

"Ako si Binibining Marilyn Cecillia..." pagkasabi niya nun, kinabahan ako ng bongga! Siya yung dapat papakasalan ni Manuel... OMG baka patayin ako nito! We are the only people here! Pwede niya akong saktan dito ng walang nakakakita sa kanya!!

Aalis na sana ako kaso nagsalita pa siya ulit

"Nakikiusap ako, layuan mo si Manuel... Alam kong naiipit ka lang sa kasunduan... Maari kitang tulungan na makawala mula sa kasunduang ito..." sabi niya

"Sino namang nagsabi sayo na ayaw ko sa kasunduang ito?" Sabi ko sakanya ng may matching na walk out. Siyempre kailangan ko ng lumayo bago niya maisipang sampalin ako to death! Yikes!

End of flashback

"Even though nagpakasal kami ni Manuel after you came back here, you are still the one he loves!  And even though he is with me, you are still the one he keeps on searching for! And I hate you for that!" Dugtong niya pa.

"Hindi ko yun kasalanan at hinding hindi mo matuturuan ang puso kung sino ang mamahalin nito! At paano mo naman yun naaalala lahat?!" Sabi ko at muntik na niya akong sampalin pero pinigilan siya ni Eman.

"She remembers everything from her past life, because of a dream... Just like me... And I told her about you and that you're a time traveller..." sabi ni Eman. Ako naman na speechless...

"But enough is enough! This time around I will win! I am the one who deserves a happy ending!" Sabi ni Marie. Aba sumosabra na tong babaeng to ah!

Sasampalin ko din sana siya pero pinigilanh din ako ni Eman.

"Shut up Marie! Don't bother splitting us apart! Because you can never!" Sabi ni Eman na siyang nagpabago ng facial expression ni marie from mapride to angry.

"You'll see! Dahil hindi pa ito ang wakas ng storya! And I will make sure na this story won't end with you two, having a happy ending!" Sabi niya at umalis na.

"Don't worry Sophia... Nothing can keep us apart... Even time can't, so how could thag crazy girl do it?" Sabi ni Eman at ngumiti, ngumiti din ako at niyakap namin ang isa't isa.

Kahit na kinakabahan ako sa maaring mangyari... Nandito ka naman sa aking tabi... At kahit ano man ang humadlang sa ating dalawa... Ang mahalin ka, ang tamang desisyon na susundin ng puso't isipan ko.

March 14 1894

Leonardo's POV

Nandito ako ngayon sa may sakahan, hinihintay ko ang aking matalik na kaibigan na si Pedro. Ayon sa kanya, mayroon siyang ipapakita dito ngayon na nakakamangha. Labis kong pinagkakatiwalaan ang aking kaibigan dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya sa pagtuturo sa akin ng espanyol.

"Leonardo! Kaibigan!" Narinig kong sabi ni Pedro.

"Kaibigan--" natigil ako sa pagsasalita noong nakita kong mayroong hawak si Pedro na kutsilyo.

"Pedro ano ito?"

"Hindi ko na kailangang ipaliwanang sayo dahil mamatay ka din naman..." sabi ni pedro habang unti unti siya lumapit sakin para saksakin ako...

Panginoon, kung ito po talaga ang nakatadhana sa akin... Tatanggapin ko po...

"Adios" sabi niya bago niya itinusok ang kutsilyo sa puso ko.

Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko at nagsimula akong sumuka ng dugo.

"M-magb-bay-yad k-ka" sabi ko habang nauutal at unti-unti nang nanghihina. Ngumiti lang siya ng masama bago nilagay ang kutsilyo sa kamay ko at tumakbo palayo. At dahil nanghihina na ako hindi ko na nabato yung kutsilyo at bumagsak nalang ako sa sahig.

At bago ako tuluyang nawalan ng malay, sa wakas naalala ko na ang nawawalang parte ng puso ko na kay tagal ko nang hinahanap-hanap...

"Kristal..."

Crystal's POV

Tama ba ang naging desisyon kong sundin ang isip ko sa pagkakataong ito? Kahit na parang ako ang paulit-ulit na sinaksak ng kutsilyo dahil sobra sobra nang nasasaktan ang puso ko...

Isang luha ang pumatak mula sa aking mata bago ako naglakad palayo, at sana palayo din sa sakit na nararamdaman ko...

Reincarnated to LOVE YOU (AILYFTP book 2) - DISCONTINUEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant