"I thought you auditioned for the lead role sa upcoming teleserye sa isang TV network? You auditioned with Lance that time, right?" Tanong ni Trisha kaya pati ako ay napatingin kay Paige.


She didn't tell me anything about it. Well who am I kidding, we just rekindled our friendship two weeks ago. Hindi naman ibig sabihin no'n ay alam ko na ang lahat tungkol sa kanya.


"Yes we did, and we're still waiting for their call." Napatingin sa akin si Paige and I unconsciously bit the inside of my cheeks.


"Oh here's our food!" Ani Ems sa dalawang paparating.


We became louder lalo na't kompleto na kami. Katabi ko si Paige at sa kabila ko naman sina Myrtle at Jonas. Magkakatabi naman sina Skye, Trisha and Emme sa tapat namin.


We all ordered chicken and spaghetti meal, dinagdagan lang ng tatlong large fries, Coke floats, and chicken sandwiches.


At dahil lagi nalang tungkol sa thesis ang pinag-uusapan namin these past few weeks, Myrtle changed the topic this time by asking each one of us about our college plans.


"I took the entrance exam in UPLB, baka doon na ako kasi nasa Laguna rin sina mama." Si Jonas ang unag sumagot habang nilalantakan ang spaghetti niya.


"What about you Paige?" Anang Myrtle na sumisimsim ng coke.


"I didn't take any examinations yet." Umiling ito. "Ang gusto nila mommy i-pursue ko ang pagmo-modelling." Pahapyaw lang na ngiti ang iginawad niya sa amin.


"Is that what you really want?" Dagdag na tanong ni Jonas.


Umangat ang tingin niya sa akin. "Yes, that's one of my dreams."


I suppressed a smile, kahit na ano pa ang gusto niya, as her bestfriend, I'll support her all the way.

"Ako naman baka iuwi na ako nina lola sa Davao, doon na ako magko-kolehiyo. Magkakahiwa-hiwalay na tuloy tayo." Myrtle slightly pouted. "Ikaw Elise, anong plano mo?"

Napatingin naman ang lahat sa akin.


"Hindi ko pa alam." Honestly, takot akong mag-kolehiyo dahil sa tingin ko'y hindi kakayanin ng utak ko. But I want my tita to be proud of me, gusto ko ring magkaroon ng degree at mag-trabaho sa kompanya. Gusto ko rin maranasan ang magkaroon ng sariling sweldo.


Mukhang nababasa ni Paige ang nasa isip ko dahil ngumiti ito at tumango sa akin.


"We feel very left out guys, pwede bang ibang topic nalang?" Pagpuslit ni Trisha sa usapan. Grade 9 palang ang tatlo kaya hindi sila maka-relate. Napahalakhak naman kami. It was indeed a nice way to divert our attention para hindi kami malungkot.


"Summer plans nalang, anong gagawin niyo?" Nakangisi na si Myrtle.


"I'll go with my fam sa Ramontes. Matagal na kasi namin gustong libutin ang probinsya. Tapos sabi ng pinsan ko magaganda daw ang resorts doon." Sagot ni Emme with her sparkling eyes.

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now