Chapter Twenty

370 7 1
                                    

Last Chapter

Chichi/Jewel's Point of View

"Kailan ko sasabihin kila Mom na boyfriend kita?" Tanong ko kay Enzo

"Kailan mo ba gustong sabihin natin?" Tanong din niya sa'kin

Nandito kami ngayon sa garden. Tinitignan ko 'yong mga bulaklak na tanim. I was amazed. Ang ganda nilang lahat. Malago at buhay na buhay ang kulay.

"Hindi ko din alam eh." Sagot ko

"Magfocus ka na lang muna sa check up mo." Sabi niya

"Hindi ka na ba talaga papapigil umalis? Bakit ayaw mo ditong mag-stay? Maluwag naman dito, madaming rooms." Pangungulit ko

"Siyempre nahihiya ako sa parents mo. Saka may bahay dito noon ang Parents ko. Baka this time ipatuloy ko na ang pagpa-renovate." Paliwanag niya

"Iniiwan mo na ko. Inu-unti-unti mo na." Nakasimangot kong sabi

He hugged me. Alam ko naman kasing ayaw niya na pinagbibintangan ko siya na iiwan ako. Kaso hindi ko talaga maiwasang hindi isipin. Siguro kaya ko sinasabi sa kanya, kasi ayaw ko talagang gawin niya.

"Mahal kita, bakit naman kita iiwan? Ako ba kaya mong iwan kahit mahal mo ko?" Tanong niya

Lalo akong napasimangot.

"Siyempre hindi. Pero aalis ka na." Sabi ko

"Lilipat lang ako ng bahay. Ayo'kong makituloy. Ako 'yong lalaki eh. Saka ano na lang ang sasabihin sa'kin nila Mr. And Mrs. Castillo kapag pinaalam na natin sa kanila na boyfriend mo ko? Diba?" Paliwanag nito

"Okay, okay. Sige na. Hindi na kita pipigilan." Pag-give up ko

*

Narration:

Isang buwan ang lumipas. Twice a week kung magpunta sa Doktor si Chichi kasama ang kanyang Ina, at kung minsan, kasama din nila si Enzo. Hanggang ngayon ay wala pa din siyang ibang naaalala bukod sa mukha noon ng Ate niya at Hipag.

Malinaw na ngayon kay Chichi kung sino ang dalawang babae na nakita niya noon sa isip niya. Ang unang babae ay ang Hipag niya, na asawa ng Kuya niya. Ang pangalawa naman ay ang Ate niya. Both of them were married now. Kaya totoong alaala ang mga nakita niya noon. Pero hindi na ito nasundan pa ulit. Kaya nagtataka siya kung bakit? Samantalang kasama naman na niya ang pamilya niya ngayon. Pero wala pa rin siyang maalala.

Everyday nagba-bonding sila ng kanyang Ina. Nagba-bike sila. Minsan nagja-jog siya tapos laging naka-abang ang kanyang Ina, pinupunasan ang pawis niya, pinapalitan ng sapin sa likod. She feels like she's really blessed. Kahit na nagkaganito siya, nawalay noon sa pamilya at ngayon ay hindi pa rin makaalala. She promised herself to never give up. Not only for her, but also for those people that believes in her. Lalo na si Enzo.

Enzo move out 3 weeks ago. Nag-stay ito sa Condo while his parents' house is still under renovation. Seryoso pala ang lalaki sa sinabing ipapaayos niya ang bahay ng magulang. At nagsimula nga kaagad ito. Nakapunta si Chichi doon 2 weeks ago pero hindi sila masyadong nagtagal, pinakita lang sa kanya ni Enzo ang itsura ng bahay. The lot was big. Mukhang mayaman din talaga ang binata, 'yon ang naisip ni Chichi.

Kakabisita lang sa kanya ni Enzo, so she go back to her room to take a rest. Hindi rin kasi siya sanay na walang ginagawa. Sa bahay lang siya palagi. Ang kwento sa kanya ng kanyang Ina, may trabaho daw siya noon. Isa daw siyang Fashion Designer. At first, hindi nga siya makapaniwala eh. But her closet answered all her doubts. Punung-puno ang walk-in closet niya. Hiwa-hiwalay ang bags, shoes, accessories, etc. Wala daw noong ginalaw na kahit na ano sa mga gamit niya. Gusto daw kasi ng pamilya niya noon, kapag papasok sa kwarto niya kapag namiss siya, mararamdaman daw nila ang ka-kikayan nito.

Lost & Found: Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon