Chapter Fifteen

326 7 1
                                    

Chapter 15

"Chichi?" Rinig niyang kanina pa kumakatok si Enzo sa pinto ng bahay nila ni Nay Berta

Pinili niya kasing bumalik doon no'ng umayos na ang pakiramdam niya no'ng nakaraang araw. Patuloy pa din sa pagkatok ang binata. Hindi niya ito pinagbubuksan. Doble ang lock ng pinto. Kaya kahig ma-unlock ang doorknob ay may kawit pa din na lock sa loob. Kaya marahil ay inis na ang binata dahil kanina pa siya nito tinatawag.

Matapos kasi ng nakakagulat na confession ni Enzo tatlong araw na ang lumipas, ay mas naging conscious na ang dalaga sa kilos ni Enzo. Hanggang maari ay ayaw niyang sobrang lalapit dito. Hindi niya kasi maipaliwanag ang nararamdaman. Kagaya kagabi, noong bigla siyang gulatin ng binata habang naghuhugas siya ng pinggan. Niyakap siya nito mula sa likod, kaya nataranta siya. Araw araw din siyang binibigyan ng bulaklak.

"Chichi, ipapagiba ko na talaga ang bahay na 'to kapag hindi ka lumabas!" Seryoso na ang tinig ni Enzo

Nataranta siya lalo kaya dali dali siyang tumakbo para buksan ang pinto. Do'n niya nasilayan na kanina pa bilad sa araw ang lalaki dahil sa kakatawag sa kanya. Pawisan na ito at nakabusangot na.

"Ano'ng kailangan mo?" Tanong niya kay Enzo

"Alam mong ikaw ang kailangan ko. Magpalit ka. Magsu-swimming tayo." Tugon naman nito

"H-hindi ako marunong lumangoy." Tanggi niya agad sa binata

"Alam ko. May salbabida naman sa pool. Hindi naman tayo sa beach maliligo." Tugon ni Enzo sabay talikod na sa kanya

-

Nagpalit siya ng putting t-shirt at stretchable na shorts. Matapos no'n ay nagpunta na siya sa gilid ng Mansyon ni Enzo dahil nando'n ang swimming pool na may bubong. Nando'n na si Enzo. Nakaupo na ito sa gilid ng pool na tila naghihintay na siya kanya. Agad itong sumenyas sa kanya na lumapit siya dito. Agad naman niyang ginawa.

Nakasuot lang ito ng sando at mukhang nakaswimming trunks ito pang-ibaba pero ayaw niyang titigan ang parteng iyon.

"Salbabida mo." Sabi ni Enzo sabay abot sa kanya ng dilaw na bilog na salbabida

"Sa gilid lang ako." Tugon naman niya

"Hindi pwedeng nakaupo ka lang sa gilid. Hindi ka mag-e-enjoy. Isuot mo." Sabi sa kanya sabay ipinatong ni Enzo ang salbabida sa ulo niya

Wala na rin siyang nagawa kundi iangat ang kamay niya para masuot niya ng maayos ang salbabida.

Maya-maya pa ay lumusong na si Enzo sa tubig. Nagsimula itong lumangoy. Natulala si Chichi dahil magaling lumangoy si Enzo!

Pagkatapos nitong ikutin ng dalawang beses ang pool ay lumapit na ito sa kanya. Hinila nito ang kamay niya kaya nataranta siya.

"Enzo, noooo!" Natataranta niyang sigaw

Napayakap pa siya sa leeg ng binata dahil takot siya kapag hindi abot ng mga paa niya ang ibaba ng swimming pool.

"Ahh. Sa ganitong paraan lang pala kita mapapayakap sa'kin ha? Dapat noon pa ako nag-aya magswimming." Nakangising sabi sa kanya ni Enzo

Wala siyang pakialam, basta ayaw niyang bumitaw kay Enzo dahil pakiramdam niya ay lulubog pa rin siya kahit na may salbabida siya.

"Takot ka pala sa malalim, bakit noon muntik ka na magsuicide sa dagat?" Nakangisi pa ring tanong ni Enzo sa kanya

"Ibang usapan 'yon! Suicidal ako noon! Ngayon hindi! Saka hindi naman biglang malalim agad ang dagat kagaya ng pool!" Paliwanag ni Chichi

Nakatawa pa rin ang loko-lokong lalaki. Napailing na lang tuloy siya.

Lost & Found: Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now