Chapter Thirteen

311 7 0
                                    

Chapter 13

Galit. 'Yon ang kasalukuyang bumabalot ngayon sa isip, puso at pagkatao ni Enzo. He could kill anybody right now. Kahapon pa niya hinahanap si Chichi pero ngayon lang niya ito natagpuan. At kung nahuli lang siya ng kaunting minuto, malamang ay wala na itong maabutan. Kahit anino ng dalaga ay malamang hindi niya na makikita kahit kailan.

Kaya puno ng lakas at gigil ang bawat sapak na binibitiwan niya para sa lalaking kasagupaan ngayon. Tatlo ang kalaban niya, ngunit hindi niya iniinda ang sapak ng mga ito sa kanya. Gusto niyang maka-one-on-one ang Marky na 'yon.

"You can't take her." Sabi ni Enzo kay Marky habang kinukwelyuhan ang lalaki

"Oh, yes? I will." Tugon sa kanya nito na lalong nagpainit lalo ng kanyang dugo

Binitiwan niya ito sa kuwelyo, at agad na binigyan ng isang malakas na sapak na naging dahilan upang tumalsik ito at masadlak sa batuhang sahig.

Agad siyang sinugod ng dalawa pang kasama nito. Naitulak niya agad ang isa, habang binigyan niya ng isang malakas ng upper cut ang isa pa. Dinatayan niya ang isa at ilang beses pa ulit 'yong binigyan ng sapak sa mukha hanggang sa hindi na ito halos makahinga. Nakita niyang bumangon na si Marky at ang isa pa niyang kakampi kaya tumigil siya at tumayo muli.

"Ikaw nang bahala diyan." Rinig niyang bilin ni Marky sa nag-iisa na lang niyang kasama

Nagpunta ito kay Chichi at agad nitong binuhat ang dalaga upang isakay sa bangka. Lalong nagwala si Enzo. Inilabas niya ang baril mula sa kanyang likuran at pinaputukan si Marky sa hita.

"Ahhh!" Nabitiwan ng lalaki si Chichi

Agad din naman niyang tinutukan ang lalaking kasabwat ni Marky. Napataas naman ito ng dalawang kamay.

"Kung ayaw mong taniman ko din ng tingga ng bala ang katawan mo, sumibat ka na. Bilis!" Nagbabantang sabi ni Enzo

Tumakbo ang lalaki. Agad niyang isinukbit muli sa likod ang baril at nilapitan si Chichi na halos katabi lang ni Marky. Niyakap niya agad ang dalaga at tinanggalan ng busal sa bibig.

"Ayos ka lang?" Tanong nito

Umiling naman ang dalaga bilang tugon. Naramdaman niyang nanginginig ang katawan nito kaya mas niyakap niya iyon. Kumapit din naman sa leeg niya ang dalaga at iniangat niya iyon para buhatin. He looked down on Marky.

"I could have shot you in the head, pero hindi ko ginawa. Mercy killing 'yon. I want you to suffer more. How about you rot and get raped in jail? Nah. That's too boring, right?" Sabi ni Enzo kay Marky bago ito umalis

Dumating na rin ang mga pulis na pinatawag niya pa kay Harry. He will make sure that Marky will surely pay for what he did.

Naglakad na siya pabalik habang buhat niya si Chichi na mukhang maputla na ang kulay ng balat. Her eyes were closed, so he's not sure if she's sleeping or just resting. He just let her anyway.

Dinala ni Enzo sa kwarto niya si Chichi. Sisiguraduhin niyang hindi ito mawawala sa paningin niya. Kinailangan niyang bumaba sa sala dahil nando'n ang ibang pulis at mukhang kailangan ang statement niya regarding the case.

He told them everything that he knows. Pati ang araw araw niyang panggugulo at pag-aabang kay Chichi ay nireport niya din sa mga ito. Pinaliwanag niya na mistaken identity ang nangyari. Pero hindi niya binanggit ang katotohanan na Chichi has an amnesia, dahil baka tumagal pa ang kaso, ipa-imbestiga si Chichi. Which will make the situation worse. Ayaw niya munang ma-involve si Chichi sa kahit na ano.

After their conversation, nagpatawag ng doktor si Enzo. Ayaw niyang ibiyahe si Chichi, dahil baka mas makasama ito sa kalagayan niya. Hindi na maganda ang pagkaputla nito at panunuyo ng mga labi. Kaya ayaw niyang magtake ng risk.

Halos isang oras bago nakarating ang matandang lalaking doktor. Chineck nito si Chichi. At nilagyan niya ng dextrose ang dalaga sa kamay.

"Kapag nagising siya at medyo sumigla. Pakainin mo siya ng lugaw o kahit na ano'ng mabilis makain. Nanghihina ang katawan niya, dehydrated siya. Mukhang kahapon pa siya walang kinain o ininom man lang." Sabi ng Doktor kay Enzo

Muli nakaramdam ng galit si Enzo. Naikuyom niya ang mga kamao. Pero gano'n pa man, ay nagawa pa niyang ihatid hanggang sa baba ang matandang doktor. Ipinahatid niya ito kay Harry.

Pagbalik niya sa kwarto ay nakita niyang nakaupo na sa kama si Chichi. Napatakbo siya palapit sa dalaga.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya dito

No'ng hindi sumagot ang dalaga ay naisipan niyang ikuha ito ng tubig. May inihanda na siya kaninang pitsel ng tubig at baso sa gilid ng kama. Pinainom niya muna si Chichi. Naubos niya ang isang baso ng tubig.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya muli

"Na-gugutom ako." Mahina ang naging tugon nito sa kanya pero dinig niya iyon

"Sandali, igagawa kita ng soup. Five minutes. Pahinga ka lang diyan." Natatarantang sabi niya kay Chichi

Nagpainit agad siya ng tubig para sa mushroom soup na gagawin niya. Habang si Chichi naman ay nakasandal lang sa kama at nakapikit. Mabigat pa rin kasi ang pakiramdam ng dalaga. Ang buong akala talaga nito ay katapusan na niya.

"The wait is over. Heto na ang soup." Sabi agad ni Enzo pagkabukas ng pinto ng kwarto

Gustuhin man ni Chichi na tulungan ang amo, hindi naman nito magalaw ang katawan. Masakit ang katawan nito na tila nabugbog at wala ding halos lakas.

"Diyan ka na lang. Ako na muna ang bahala. Magpalakas ka muna. Okay?" Sabi muli nito sa kanya

Bahagya naman siyang tumango bilang tugon sa amo. Inilapag ni Enzo ang dalang tray sa lamesa sa gilid ng kama. Kumuha ito ng kutsara at sumandok sa bowl ng soup na dala nito. Inilapit niya ito sa bibig ni Chichi at agad naman itong sumunod sa kanya. Pinakain niya ito hanggang sa maubos ang soup na nasa bowl na dala niya.

"Gusto mo pa ba?" Tanong nito sa dalaga

Umiling naman iyon.

"Magpalakas ka ha. Marami tayong pag-uusapan paggaling mo." Sabi sa kanya ng amo

Napayuko si Chichi dahil iniisip nitong masyadong malaking problema na ang naidulot niya kay Enzo. Sobra sobrang utang na loob na hindi naman niya alam kung paano susuklian. Ayaw na niyang maging pabigat pa sa kahit na sino.

"S-sorry." Sambit ng dalaga

Nilingon siya ni Enzo na tila nagtataka ang mukha.

"I just did what I have to do. Ligtas ka, at wala na akong mahihiling pa. Don't be sorry. Basta magpagaling ka lang. Ako'ng bahala sayo. And the rest? Let's just talk once you're feeling better." Tugon nito

Nangangamba man, pero nanatili na lamang na tahimik si Chichi. Ayaw na niyang magtanong pa kung ano ba ang pag-uusapan nila. Naisip niya na marahil ay kakausapin na siya ni Enzo para paalisin sa Resort. Kaya concern na concern ang amo niya sa kalusugan niya dahil para mapaalis na siya nito.

Umiling-iling pa siya. Pumikit at tahimik na nagdasal.

Whatever will be his decision, gagalangin niya iyon. Hindi siya magrereklamo o magdedemand pa. Sobrang tulong na ang nagawa ng lalaki para sa kanya. Ayaw na niyang umabuso pa.

Lost & Found: Love (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz