Chapter Nineteen

381 10 2
                                    


Chapter 19

Narration:

Enzo bought a new dress for Chichi. Dumating sila kahapon dito sa Maynila and then nagpahinga sila sa hotel kinagabihan. Ngayon ang araw na sinet-up niya para makipagkita sa magulang ni Chichi. Her parents didn't know yet. Ang sinabi niya lang ay kailangan niyang i-meet ang mga ito dahil may ibibigay siya dito na importante.

"You look beautiful. Huwag kang kabahan, pamilya mo naman sila." Pagpapakalma ni Enzo kay Chichi

"Hindi ko alam kung kinakabahan ako o nae-excite eh." Tugon naman nito sa kanya

Napangiti si Enzo sa dalaga. For him, Chichi looks very stunning in her black knee-length dress. Wala itong make-up. Powder at lipstick lang ang nilagay nito, pero buhay na buhay ang itsura ng dalaga. He's falling for her even deeper dahil do'n.

"I love you." He said

"Shocks. Ba't mo ko binibigla?" Nakatawang tanong ni Chichi

"Dahil gusto kong nakikitang nagba-blush ka dahil sa'kin." Mapanuksong tugon naman ni Enzo

"Tse. Matagal pa daw ba sila? Punta muna ako sa CR." Paalam niya kay Enzo

"Sige. Take your time." Tugon naman nito

Tumayo si Chichi at nagtungo sa kaliwa para hanapin ang Comfort Room. Saktong pag-alis niya, may mag-asawang pumasok sa Restaurant.

"We have reservation under the name of Mr. Enzo Angelo." Narinig ni Enzo na sabi ng isang babae

Agad naman siyang tumayo. Marahil ay ito na ang pamilya ni Chichi. Nakita niyang in-assist ng waiter ang mag-asawa palapit sa table kung nasaan siya.

"Mr. Enzo?" Tanong ng lalaki sa kanya

"Good Afternoon, Mr. and Mrs. Castillo. Thank you for granting my request. I'm glad that you actually came here." Bati niya sa dalawa

Kung titignan ang dalawa, hindi mo mahahalata sa mga ito na may anak na sila na 26-year-old. They both look young. Maganda at gwapo ang magulang ni Chichi, no wonder Chichi takes all her genes and beauty from them. Kahawig niya ang Mom niya.

"I'll go straight to the point Mr. Angelo. What belongings of my daughter do you have? Paano napunta sayo 'yon? She never mentioned your name when she was still... You know... Alive." Bahagyang humina ang boses ng Dad ni Chichi when he said the last sentence

Mababakas dito na hindi pa ito gaanong nakamove on mula sa pagkawala ng anak.

"Hindi ko rin po alam kung paano napunta sa'kin. I just found it one day. I didn't think at first how important it was. Pero as days goes by, unti-unti kong nakita at na-appreciate ang kahalagahan niya. So I tried to reach out to you. Alam ko kasing importante din po ito sa inyo." Panimula niya

"What is it, Hijo? Mukhang wala ka namang bitbit na gamit?" Tanong ng Mama ni Chichi

"Nasa banyo lang po siya saglit. Baka gusto niyo po munang um-order?" Tugon ni Enzo

"Thanks, but we're fine. Sumaglit lang talaga kami dito." Tanggi ng Dad ni Chichi

Maya maya pa ay nakarinig siya ng yabag. Patakbo ang mga yabag na 'yon kaya nilingon niya ito. Nakita niya si Chichi na tumatakbo papunta sa direksyon nila na nakatakip ang mukha.

"Enzo! Nakakahiya! Banyo ng boys ang napasukan ko! Umalis na tayo dito, nakakahiya talaga." Sumbong niya

Napangiti lang si Enzo. Ilang segundo ang lumipas, bago ma-realize ni Chichi na may kasama na pala ito. Kaya ibinaba niya ang kamay niya at iniayos ang damit.

Lost & Found: Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon