Chapter Sixteen

336 6 0
                                    

Chapter 16

Palubog na ang araw no'ng mag-aya si Chichi na maglakad-lakad sa tabing-dagat. Medyo malayo-layo na din ang nalakad nila ni Enzo mula sa Resort. Ngayon pa lang siya nakalayo ng gano'n dito sa dalampasigan.

Natanaw niya na mistulang may kaganapan sa di kalayuan nila.

"Tara, tignan natin?" Aya nito kay Enzo

Tumango naman ito sa kanya. Enzo was wearing a blue sando and a white shorts. Simpleng-simple lang. Hindi naman na kasi niya kailangang pumorma pa ng labis, dahil kahit ano'ng suotin niya, lahat naman ay bagay sa kanya. Napangiti si Chichi dahil sa naisip niyang 'yon tungkol sa binata.

Nakalapit na kami sa kaganapan. Do'n niya napagtanto na isang kasalan pala ang event. Beach wedding. Nakangiti siyang nanonood at nakikipalakpak pa sa mga audience, no'ng biglang sumakit ang ulo niya. Hinawakan niya ang kanang parte ng ulo at ipinikit sandali ang mga mata.

"Ate hipag, ang ganda ganda mo. Gusto ko a-attend ka din sa kasal ko paglaki ko ha?"

"Ate Mabs, what's so great about falling in love? Ah, never mind! Don't answer my stupid question, ikakasal ka na eh. Siyempre everything is great sayo."

Dalawang babaeng nakawedding gown ang biglang nagflash sa isip niya.

"What is it?" Nag-aalalang tanong ni Enzo sa kanya

"W-wala. Balik na tayo." Tugon niya dito

Kumapit siya sa braso ng binata dahil pakiramdam niya ay masakit pa din ang ulo niya. Napakunot ang noo niya habang pilit iniisip kung sino ang mga babaeng nagflash sa isip niya. Kakilala kaya niya ang mga ito? Kaibigan? Pinsan? Kapatid?

Nakaramdam ng inis si Chichi dahil bukod sa mukha ng dalawang babae, ay wala na siyang ibang mapiga sa utak niya. Sigurado siya na nangyari noon ang mga scene na nakita niya, pero hindi siya sigurado kung siya ang ang nagtatanong sa dalawang babaeng 'yon. Pareho silang nakadamit pangkasal. Pareho silang maganda. Pero wala na siyang ibang maalala pa bukod do'n.

"Do'n lang ako." Paalam ni Chichi kay Enzo

Nauna siyang naglakad papunta sa gilid ng dagat. Hinubad niya ang suot na tsinelas at binasa ang paa habang naglalakad lakad sa dalampasigan. Nakayuko lamang siya habang tinitignan ang mga paa na nababasa ng tubig dagat tuwing hahampas ito sa dalampasigan. Malalim ang kanyang iniisip at ayaw niya 'yong ipahalata kay Enzo.

Si Enzo naman ay tahimik lang na umupo sa buhanginan. Nakangiting pinagmamasdan ang babaeng nagbibigay kulay ngayon sa mundo niya. Pakiramdam niya, bawat kilos ni Chichi ay mahalaga at dapat niyang makita. He will make sure that Chichi is always fine. He has a lot fears. At alam niyang sa oras na bumalik ang alaala ni Chichi, there's a big chance na iwan siya nito. Pero saka na niya po-problemahin ang bagay na 'yon. He just want to love her now, while he can.

-

Kinagabihan, matapos nilang kumain ng dinner ay bumalik na rin agad si Chichi sa bahay nila ni Nay Berta. Hinatid pa siya ni Enzo doon. At bago pa ito pumasok ay tinanong siyang muli ni Enzo kung bakit hindi na lang siya mag-stay sa kabilang kwarto doon sa Mansyon, samantalang bakante naman iyon.

Mas nasanay na kasi ako dito. Mas mabilis akong makatulog kaysa do'n.

'Yon ang naging tugon ng dalaga kay Enzo. Wala nang nagawa ang binata kundi hayaan na lamang si Chichi sa nais nito. Pagpasok ni Chichi ay hindi kaagad umalis si Enzo sa labas. He just stayed there.

Kinabukasan, maagang nagising si Chichi. Agad niyang ginawa ang usual routine niya. Lutuan ng agahan si Enzo, maglinis ng mga kalat sa labas at loob. Lumipas ang ilang oras, nagtaka na si Chichi kung bakit hindi pa rin bumababa si Enzo. Umalis kaya ito kanina bago siya magising? Pero wala naman itong nabanggit sa kanya kagabi na lakad niya ngayong araw.

Lost & Found: Love (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang