Chapter Eleven

328 8 0
                                    


Chapter 11

Nagwawalis ako kanina sa tapat, pero nakita kong papalapit na naman 'yong lalaking nanggugulo sa'min. Kaya dahan dahan akong lumakad paatras, binitiwan ko din ang hawak kong walis tingting at pumasok sa gate ng Resort Mansion ni Enzo. No'ng malapit na ako sa pinto ng Mansyon, nagtatakbo na ako.

Pagpasok ko ng pinto, may nabangga ako. Tumama ang ilong ko sa... Sa dibdib? Napaangat ako ng tingin.

"E-nzo?" Utas ko

"Bakit ka tumatakbo?" Tanong niya habang nasa harap ko pa rin siya

"W-wala." Tugon ko naman

Pero lumabas siya ng pinto saglit at pumasok din naman.

"Kinausap ka ba niya? Ano'ng sinabi niya sayo?" Tanong niya, malamang nakita niya sa labas 'yong Fiancé ko daw

"Wala. No'ng nakita ko siyang papunta dito, nagmadali agad akong pumasok." Paliwanag ko

"Good. Diba ang sabi ko huwag ka munang lumabas?" Paalala niya

"Eh ang kalat sa tapat eh. Ginagawa ko lang 'yong trabaho ko, saka ayaw kong mapagalitan mo." Nakayukong sabi ko

"Hindi kita pagagalitan. Kaya huwag kang lumabas. Hayaan mo 'yong mga kalat at dumi sa tapat." Sabi niya sabay sarado ng pinto at ni-lock pa 'yon

*

Gabi na no'ng muli akong lumabas. Ni-lock ko ang bahay namin ni Nay Berta. Tapos nakita ko si Harry no'ng pabalik na ako sa Mansyon.

"May nagpapabigay sayo. Hindi sinabi kung sino kahit tinanong ko eh." Sabi niya sabay abot sa'kin ng sobre

"Talaga? Sino naman kaya? Sige. Maraming salamat ha? Good night." Sabi ko

Pumasok na ako sa loob at umakyat sa kwarto na tinutuluyan ko ngayon dito sa Mansyon. Humiga muna ako at nagkumot, saka ko napagpasyahan na buksan ang sobre. Nakita ko agad ang papel. 'Yon muna ang tinignan at binasa ko.

Jewel,

Honey, you can hide for now, but you can't escape from me. Hindi ko alam kung bakit mo ko iniiwasan o kung bakit ka nagpapanggap na hindi mo ako kilala. But I think this isn't right.

Take a look at these pictures and look back to those years that you were so inlove with me.

By the way, I will pay you a visit once in a while. I know where your room is. Wait for me Honey. I can't wait to kiss you again.

Kinilabutan ako sa nabasa ko. Pero totoo nga na may mga litrato pa dito sa sobre. A picture of the two of us. Ako nga ang nasa litrato. I was smiling while hugging him, the next one was on the beach, buhat pa niya ako. Hindi ko kinaya.

Pakiramdam ko, anytime pupuntahan niya ako dito. Natatakot ako. Mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto. I found myself knocking at Enzo's room.

"Enzo!" Sigaw ko pa

Agad namang bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"Ano 'yon?" Tanong niya

He was wearing a sando and pajamas while having an eyeglass. Iba ang look niya ngayon. Parang natulala ako.

"M-maglilinis ako ng kwarto mo." Sabi ko sabay tulak sa kanya

"What? Maglilinis ng ganitong oras?" Tanong niya pagkasara niya ng pinto

Nagpanggap naman ako na nag ayos ayos ng unan. Kainis, hindi naman magulo ang kwarto niya. Ano'ng klaseng palusot 'yong sinabi ko? Tsk.

"Magaling na ba 'yang sugat mo?" Tanong niya bigla

Napahawak naman ako sa tagiliran ko at pinakiramdaman ko kung makirot pa 'yon.

"Ayos na. Hindi na siya sumasakit." Sagot ko naman habang nagpapanggap pa rin na naglilinis

"Saan mo ba kasi nakuha ang sugat na 'yan?" Tanong niya ulit

Natigilan ako. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot.

"May sugat na ako noon no'ng mapadpad ako dito. Ginamot na 'yon noon ni Nay Berta." Paliwanag ko

"Ginamot naman na pala eh. Bakit hindi gumaling?" Tanong pa din niya

"Eh sinabi ko noon ako na ang gagamot, ayo'ko nang abalahin si Nay Berta dahil marami na siyang iniisip at inaasikaso."dugtong ko

"I get now. Hindi mo ginamot ang sugat mo, since you wanted to die anyway. At kung hindi kita pinuntahan sa kwarto mo noon, malamang nagsucceed ka sa plano mo." Conclusion niya

"Hindi na ako suicidal." Tanggi ko

"I don't think so." Pailing-iling niyang sagot

Huminto ako sa kunyaring paglilinis.

"Can I ask you a favor? Again?" Sabi ko

"Again. Ano?" Tanong niya

"Can I sleep here? Kahit sa sahig lang ako." Sabi ko

"What?! And what made you think na papayag ako?" Gulat na tanong niya

"Eh mag-asawa naman tayo. Kunyari. Kaya patulugin mo na ko dito. Please?" Palusot ko

Hindi ko pwedeng isumbong sa kanya na nagpadala ng pictures at sulat si Mr. Argos sa'kin. Kapag nabasa niya 'yon, baka kung ano'ng gulo pa ang mangyari. At kapag nagkataon, baka mapalayas na ako dito.

Siguro naman, bukas pwede na akong matulog sa kabilang kwarto. Hindi naman siguro siya makakapasok? Tsk. Nakakaparanoid na.

"Okay, fine. Do'n ka sa sofa matulog. Medyo maliit 'yon, pero mas comfortable ka do'n kaysa sa sahig. At baka maapakan pa kita sa leeg kapag nagising ako ng madaling araw mamaya." Sabi niya

"Thank you!" Agad akong nagtatakbo papunta sa sofa at nahiga

Kanina pa ako inaantok eh, kaso nangingibabaw kanina ang kaba at takot sa lalaking si Mr. Argos. Pero ngayon, I feel safe. Pwede nang matulog.

Enzo's Point of View

I don't know what's in Chichi's mind. Bakit bigla siyang nakaisip na makitulog dito sa kwarto ko. I don't know if she's afraid of something or what. O talagang kumportable na siya sa'kin? Nagdalawang isip man lang ba siya? To think na amo niya ako? Tapos lalaki ako at babae siya. But I immediately dismissed that thought. Sa sofa naman siya natulog, so no harm for the both of us. I'll let it pass this time.

I will also sleep after kong basahin itong nire-review kong documents. Inaantok na din ako. Pero pauunahin ko na munang makatulog si Chichi.

*

I felt something warm. It's been a long time since I felt this warmness again. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit gising na ang diwa ko pero pikit pa ang mga mata ko, I could feel the warmness under my blanket. Ang sarap bumalik ulit sa pagkakahimbing.

Inabot ko ang unan na usual ko namang niyayakap sa pagtulog, ngunit isang malambot ngunit mainit na katawan ang nasapo ko. Napadilat ako.

"Chi...chi?" Bulong ko sa sarili

She's in my bed. Nasa tabi ko, nakasuksok sa kumot ko at nakapamaluktot pa na parang bata. Her back was facing me. Tinignan ko ang oras. It was only 5AM. Masyado pang maaga. Nag-isip ako kung ako ang lilipat o bubuhatin ko siya pabalik sa sofa? I chose none. Kama ko 'to, I should sleep here. And I was too damn sleepy to carry her. Kung nakaya niyang lumipat sa kama ko, siya din dapat ang kusang umalis. I'll just go back to sleep. I'll try.

Tumalikod ako sa kanya. I tried thinking of other things. At first I couldn't but I tried harder and it worked. I dozed and fell asleep again.

-

Lost & Found: Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now